CHAPTER 10

12 1 0
                                    

"In the blink of an eye, everything changed."


Several months before the tragic accident. Sa isang parking lot ng kilalang high-end bar sa QC, may isang lalaki na nasa loob ng kanyang pulang SUV at matamang nakatanaw sa entrance ng bar habang humihithit ng kanyang sigarilyo. Halos thirty minutes na siyang naghihintay bago pa niya makita ang isang pamilyar na mukha. Nagmamadali siyang lumabas ng kanyang kotse at ni-lock ito.



Malawak na ngiti ang sinalubong sa kanya nung lalaki at sabay na sila pumasok sa loob ng bar. Habang patungo sa kanilang reserved table, may mangilan ngilan na kababaihan ang napapalingon sa direksyon nila. Medyo may kalakihan kasi ang kanilang pangangatawan, matatangkad din at agaw-atensyon ang kanilang mga tattoo sa kalbo nilang ulo. Isang larawan ng king cobra ang naka guhit mula sa gitna ng kanilang batok hanggang sa kanilang noo. Ang tattoo nilang iyon ay ang simbolo na miyembro sila ng grupong KCIA (King Cobras In Action), na kabilang sa dark secret underground societies na binubuo ng maraming contract killers.



"Pare, may bago akong kliyente para sa'yo. Hindi ko na magawa dahil marami na ang nakatoka sa akin sa buwan na ito. Espesyal na trabaho daw 'to kaya ikaw ang nirekomenda kong kapalitan ko.", sabi ng unang lalaki.



"Tamang tama, Pare! Ilang buwan na din akong nabakante simula noong huling tinrabaho ko sa banko! Sino naman ang espesyal na kliyente na 'to?", sagot naman ng pangalawang lalaki.



"Ang balita ko, personal na kilala ito ng ating Big Boss at malaki ulit ang bigayan. Kaya kabilin-bilinan sa akin na kailangan itong maging pulido. Ang palpak na trabaho ay katumbas din ng buhay mo. Naibigay na ang lahat ng information mo doon sa client. Iba ito sa mga trabahong nagawa mo na dati. Hindi pagnanakaw ang gagawin mo kaya mas kailangan mo magpa-impress para matuwa lalo si Big Boss! Expect communication na lang from them, Pare, para sa iba pang details ng magiging trabaho mo.", mahabang paliwanag ng kausap.



"Sige, hihintayin ko na lang yung tawag nila. Salamat, Pare. Sa ngayon magpakasaya muna tayo dito."

---


Maaga pa lamang ay gumayak na paalis ang lalaki. Nakipagkita siya sa bago niyang amo sa isang di mataong parking lot. Nasa loob lamang ito ng ito ng itim na van at ang assistant lamang ang unang kumausap sa lalaki. Pasimpleng sinilip at pinag aralan niya ang itsura ng amo. Medyo nagtaka siya kasi hindi usually ganito ang tipo ng mga nagha hire sa mga katulad niya. Mukha itong anghel kaya't napatulala siya dito pagkakita niya. Bumalik lamang siya sa katinuan nung may inaabot na ang assistant nito sa kanya. Isang suitcase na naglalaman ng mga dokumento tungkol sa magiging target niya. Mayroon din na isang sobre na laman ang kanyang paunang bayad, kasama na rin pati yung susi ng gagamitin niyang kotse at susi ng bahay na tutuluyan niya para sa trabahong ito. Hindi niya inaasahan na sa loob pala ng isang sikat na subdivision ang bago niyang lungga.



Habang pinagmamasdan ang larawan at ang detalye ng kanyang target, napaisip siya kung ano ba kaya ang relasyon nito sa amo niya. Hindi niya kasi gaano maintindihan ang amo pero naalala pa niya ang matalinhagang sinabi nito kanina bago sabihin ang ilang detalye ng kanyang trabaho, "You need to pluck some weeds to let the flowers bloom. Deshazte de eso."

Book 1: LILIKANơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ