Chapter 11

10 0 0
                                    

It's been a while.


Chapter 11

Chaos


"Señorita, what's your number?
Let me see you move like you come from Colombia,
Señorita, what's your number?
Let me see you move like you come from Colombia..." 

May kumakanta. Nag-angat ako ng tingin mula sa laptop at nahagilap ng mga mata ko si Wyatt sa may pintuan. Nakaupo habang kumakanta at naggigitara. Napalingon ang mga pinsan naming lalaki sa kaniya. Tumawa ang mga ito.

"Sino namang hinaharana mo riyan? Sila Manang?" natatawang tanong ni Kuya sa kaniya. Tumigil si Wyatt sa pag-strum at nakita kong napairap muna bago humarap sa amin.

"Shut up, asshole!"

"Wala na sila Manang, 'di ba?"

"Yeah."

Nasa third floor kami ng bahay. 'Yung mga babae ay nasa loob ng movie room at nanonood. Outside the movie room, I'm with the boys. Nakaupo ako sa sofa at may laptop na dala. Ang mga kasama kong barako ay pawang mga nakakalat. May naglalaro ng darts, billiards, and computer games.

Malaki ang entertainment room. Isa siyang malaking kwarto pero sa loob ng kwarto na ito, may dalawang connected na kwarto. 'Yung kwarto kung nasaan ang mga computers, billiard table and such at 'yung movie room.

Na-trip-an ni Wyatt tumambay sa may pintuan dahil tahimik sa labas. Kaya siguro tuwang tuwa siya mag-gitara at magkakakanta.

"Palibhasa'y wala kang hinaharana kasi sintunado ka," biglang sabi ni Odreic habang sumasargo. Agad na lumingon si Kuya sa kanya at napakunot ang noo.

"Ano ika mo?" si Kuya.

They all laughed at what Odreic said.

"Shots fired, buddy!" Zackary said. Napailing na lang ako.

"Pakyu ka, Cocon! Ikaw din, Odreic! Kapal ng mukha mo!"

Tawa sila nang tawa dahilan para magwalk-out si Kuya at dumiretso na lamang sa loob ng movie room kasama ang mga babae.

"Thursday night and here we are pissing Theodore off." Trench said while chuckling.

"You know him, Kuya Trench, he looks like the Grinch whenever he's mad." I said lazily while I'm typing something on my laptop. Tumawa lalo sila lalo na ang lalaking katabi ko.

"That's too harsh, Ive!" Hashshashin laughed.

Maya maya pa'y biglang nagtanong si Ryko. "Ano palang nangyari kanina, Ivory?"

Nag-angat ako ng tingin. "What about it?"

They all stopped whatever they're doing and looked at me. "What happened?"

Napairap ako. Hot seat na naman.

"Wala 'yon."

Si Ryko ay biglang may sinabi. "Sus, kaya pala. Bakit nga? Ano meron?"

Kanina kasi habang nasa school kami, nag-away 'yung dalawang gunggong. I don't know what the hell happened to Trace but he's acting like a kid again.

Nagkapikunan silang dalawa ni Philip kasi si Trace pinagbubuntunan ako bigla ng inis. Magkakasama kaming tatlo sa gym dahil may laro silang dalawa tapos ang mga pinsan ko kasama ni Kuya, nasa may bench, nanonood. Nakita siguro nilang muntik na magsuntukan 'yung dalawa kong kasama.

Pagka-timeout ay pumunta sa direksiyon ko ang dalawa. Katabi ko kasi mga bag nila, pinabantayan sa akin. Renata's nowhere to be found so mag-isa lang ako sumuporta sa mga 'to. Nagkumpulan na ang mga ka-team mates nilang mga kaklase at ka-batch din namin sa may tabi.

Waiting For Your LoveWhere stories live. Discover now