Chapter 4

24 1 0
                                    

Chapter 4

Bond

Our dinner went well. Masaya kami ni Kuya nang malaman na uuwi na sila. Tatlong taon na kasi simula nung umalis sila papuntang LA. Dito sila nag aral ng grade school pero doon na sila nag-start ng high school. I am already in grade 10 and I am guessing na baka dito na nila ituloy ang pag aaral nila.

"Matulog na kayong dalawa. Maaga pa tayo bukas," sabay halik nila samin ni Kuya. We both nodded. Sabay sabay kaming umakyat. Ang kwarto nila ay nasa dulo ng hallway. Magkatabi naman ang kwarto ni Kuya at sa akin.

I bid my goodnight to the three of them before entering my room. I took a quick bath. Pagtapos ay nagbihis ako at nagpatuyo ng buhok. Maya maya pa ay nakatulog na ako ng mahimbing.

"You think she can hear us? She's still antukin. I mean, look at her."

Kahit nakapikit at payapang natutulog ay naririnig ko ang bulungan sa loob ng aking kwarto. Is it morning already? I'm still sleepy pero hindi na yata ako dadalawin pa ng antok kasi may mga unknown creatures na nakapasok sa kwarto ko. Shit, where's my phone?

"Kung mananahimik ka lang ay talagang wala siyang maririnig," isang matinis na boses ang sumagot. Kinakapa ko na ang ilalim ng unan ko nagbabakasaling nandoon ang cellphone ko at matawagan ko na si Kuya.

Hindi na natiis, dumilat ako. May nakita akong tatlong bulto ng mga babae. Pare pareho silang nasa paanan ng kama ko at pinagmamasdan ako habang nagbubulungan silang tatlo. Hindi naman sila nakasuot ng itim kundi magagara at fashionable na outfit. Ang porma naman nitong mga ito para maging mga magnanakaw. Madilim pa rin dahil nahaharangan ng kurtina kong dark blue ang liwanag sa labas kaya sinisikap 'kong aninagin kung sino man 'tong mga 'to.

Ready na akong tumakbo ng mabilis in case magbalak silang maglabas ng patalim. Hindi naman ako nagla-lock ng pinto. Good thing- Damn it, Ivory! Hindi ngayon ang tamang oras para purihin mo ang sarili mo sa hindi pagla-lock ng pinto ng kwarto!

Nakapa ko na ang cellphone ko at handang handa sa mangyayari nang bumukas ang ilaw ng kwarto ko. Nakita ko na ang itsura ng tatlong babae. And to my fucking horror, it was my girl cousins! What the hell?!

Naiwan sa ere ang cellphone na nailagay ko na sa tainga ko habang idina-dial ang number ni Kuya.

"What the fuck?" bulalas ko. Natawa silang tatlo sa reaksyon ko. At sabay sabay nila akong sinugod sa kama at niyakap ng sobrang higpit! Ugh!

"We missed you, Ivory Tahmina!"

"Grabe, mamatay matay na ako sa takot tapos kayo lang pala?! Damn it!" sabay ganti din ng yakap sa kanila. Naibaba ko na ang cellphone ko sa gilid at nagulat akong sumagot din pala agad si Kuya. Bumitaw ako saglit sa yakap at nilagay sa tainga ang cellphone. Pinagmamasdan na nila akong tatlo ngayon.

"Sorry, Kuya, naistorbo kita. But I gotta tell you we got visitors! And guess what?" excited kong kwento.

"What?" gamit ang antok na boses. Natawa ako. Looks like I woke him up. Sorry, bro but this is important. Hehe.

"Our Fontanilla peeps!"

May narinig akong ingay, bulabog at murahan sa kabilang linya pati na rin sa kabilang kwarto and it seems like the boys woke him up as well!

Natawa na lang ako at nagpaalam sa kanya. "Bye, Kuya! I love you!"

"I love you too, baby," he answered huskily then the call ended. Binalingan ko silang tatlo at napangiti na lamang ako.

"Namiss ko kayo sobra!" at yumakap muli sa kanilang tatlo. Pagkabitiw ay pabirong inaway ko sila.

"Hmp! Kahit kailan talaga! Puro kayo kalokohan! Sa dami ng pwedeng gawing sorpresa, 'yon pang mababato kayo ng cellphone sa mukha!"

Waiting For Your LoveWhere stories live. Discover now