Chapter 1

70 1 0
                                    

Chapter 1

Letter


Kakabukas ko pa lamang ng aking locker ay bumungad sa akin ang isang gray na papel na nakatiklop. Gray? Unique. At may nakapalibot na pulang ribbon. Valentine's ba? Bakit may letter ako?

Agad akong napalinga-linga sa paligid. Upon seeing there's no human being aside from me, I started to open it.

Pagkabukas ko pa lang ay agad akong namangha sa ganda ng pagkakasulat. Manly and formal. Nice penmanship. Doon pa lang, panalo ka na. Joke. I slightly chuckled.

"They told me that to make her fall in love,

I had to make her laugh.

But everytime she laughs,

I'm the one who falls in love."

May smiley face pa sa ibaba. "Tommaso Ferraris, huh?" I scoffed.

May napansin ako sa likod ng papel. May nakalagay na malaking letrang H at Roman Numerals na III. H III? Weird. Agad kong ibinalik ang sulat sa loob ng aking locker at kumuha na ng gamit. Dali dali kong isinara ang locker at pumunta na sa classroom.

Habang naglalakad papunta ng room ay di maiiwasang may makasalubong na kakilala. Sikat kasi si Kuya. Wala naman akong ibang ginawa kundi tumango at ngumiti na lamang. I can't help but to think about that silly letter. Pero ang ganda ng sulat niya, ha? Sobrang manly. Napangiti ako. Then someone called me by my surname, "Fontanilla."

Lumingon ako at hinanap ang tumawag, "Yeah?"

Naglakad papunta sa akin ang isang lalaki na batid kong senior dahil sa uniform nito. Walang emosyon ang mukha nito habang papalapit. Nanliit ang mga mata ko. Oh, I remember him!
Ito yung kaklase ni Kuya. His name is Optimus. Tahimik lang daw ito pero matalino. Well, kwento lang naman sakin ni Kuya Theo. Hindi natin alam. Natawa ako sa isipan. 

May iniabot ito sa akin. "What's that?"

"Pinabibigay ni Theodore. Kasi nakalimutan niyang ibalik kanina," He said seriously.

Tiningnan ko 'yong inaabot niya. Scientific Calculator ko pala.

"Salamat," I said while putting my Sci Cal inside my bag. He just nodded and started walking away. What a cold guy. I just shrugged my shoulders before walking again.


"Andito ka na pala? Aga mo, ah?" Bungad ni Trace. Sumilay agad ang kanyang ngiti pagkapasok ko pa lamang ng silid. Tiningnan ko ang aking relo. It's already 6:45 AM. Am I too early? 

Nandoon na ang iba naming mga kaklase at may mga sariling mundo. Nginitian ako ng iba at kinawayan. I did the same.

Binalingan ko siya at nakita ko siyang nagrereview ng notes. "Do we have a test, Trace?" I asked.

"Nah, just scanning my notes, Ive."

I nodded before heading to my seat. Binaba ko ang aking bag at dumiretso sa kanya.

"Kain tayo," Aya ko. Nag angat siya ng tingin sa akin.

"Hindi ka na naman kumain ng almusal?" He asked. His brows furrowed.

I just pouted.

He grumbled before standing up from his seat. Umakbay ito sa akin at inakay ako palabas ng classroom. Ngunit bago pa kami makalabas ay nagkaniya kaniya na silang asar sa aming dalawa dahil sa pagkakaakbay nito sa akin.

"Kayo ha! Ano 'yan?" May tumili pa sa kilig. Etong mga 'to talaga. 

"Pare, bakuran mo na, baka maunahan ka pa!" The boys shouted while laughing hard. 

Nagkatinginan na lamang kami ni Trace. He just grinned while I shook my head. Maya maya pa'y nag umpisa na kaming maglakad papuntang canteen.

"Alam mo bang nakatanggap ako ng love letter? It's inside my locker." 

Lumingon siya sa akin, nandilim agad ang mga mata. "May admirer ka bang hindi ko alam?" 

Nagkibit lamang ako ng balikat. Malay ko ba kung sino 'yon. 

"Sino kaya ang nagbigay non?" Nag iwas ito ng tingin. He sighed frustratingly.

"Ba't ka galit?" I teased. He shifted his gaze to me then he freaking pinched my right cheek!

"Ouch!" Sinamaan ko siya ng tingin habang hinihimas ang kanang pisngi ko.

He just smirked. Inirapan ko na lang ito at nagpatuloy kami sa paglalakad. Napansin naming lahat ng estudyante ay napapatingin sa amin dahil siguro sa akbay ni Trace. Agad ko itong tinabig kaya nalaglag ito. Napansin niya 'yon at agad ring ibinalik. Tinabig ko ulit ito at ibinalik niya ulit. 

Nagkatinginan na kami. Nanliit ang mga mata ko. Nakangisi pa rin siya.

"They are looking at us." sabi ko. 

"Let them look," aniya. 

I arched my eyebrow at him, "Baka sabihin na naman nila ay boyfriend kita. Di ako aware, boyfriend pala kita."

He immediately laughed then murmured something. Parang... "Sana nga."

I blinked. Did I misheard what he said or what? 

"Ano? Cassandra?" asar ko. Si Cassandra kasi yung junior na nagkakagusto sa kaniya. That girl knelt in front of him two weeks ago just so she can have his attention. It literally took his attention, alright.

"Wala!" he replied.

"Pikon," sabay belat rito.

"Stop mentioning other people's name, Ivory Tahmina!"

"You don't have to attack me like that!" I angrily said to him, pertaining my whole freaking name. He just scowled at me.

"1-1." Binelatan rin ako nito. What a child.

I pinched his cheeks but he slapped my hands. His cheeks reddened.

"Tss. Tara na!" sabay bukas nito ng pintuan ng canteen. Agad siyang pumauna para pumila at lumingon sa akin.

"What do you want to eat?"

Tiningnan ko kung ano ang nandoon. "Chicken, Rice, Spaghetti then Chuckie." I smiled widely at him, who is currently still pissed at the moment. Inirapan lamang ako nito. I chuckled.

Pagkatapos nitong mag-order at magbayad ay naghanap na kami ng mauupuan. Luckily, we found a table. Dumiretso kami agad doon at inilapag niya ang tray.

"Kumain ka na nga! Lagi ka na lang umaalis ng bahay niyo na walang kain." Sermon nito sa akin habang inaayos ang aking pagkain. 

"Pag ikaw nagkasakit, hindi na kita ililibre lagi ng ice cream." Pananakot nito sa akin. Napasimangot ako agad at natawa. Look, he's rude. 

"Come on! Don't be like that. Pinagalitan kaya ako ni Kuya kanina. Nakalimutan niya pa ngang ibalik sa akin pati Sci Cal ko."

He crossed his arms while looking at me sternly. "Sino palang nagbalik sa'yo?"

"Iyong kaklase ni Kuya," Tumango lang ito. Naiinis pa din siya.

"Bakit ka ba nagagalit?" I chuckled. Naningkit ang mga mata nito sa inis.

"Sinong hindi magagalit sa'yo? E hindi ka man lang kumain bago pumasok?" he said looking annoyed. 

"Sorry na." I felt bad. 

He lifted my chin then looked directly into my eyes, "Please, do not always forget to eat. Your health is more important than mine. You're making me worry, Ive." He sighed.

I nodded. "Yes, Morgan." then I offered my pinky finger. "Bati na tayo?" 

He smiled when he saw me offering my pinky finger to him. He accepted it, "Yes. Now, eat."

I saluted at him. He just chuckled.

Waiting For Your LoveWhere stories live. Discover now