Chapter 10

16 0 0
                                    

Chapter 10

Song


"Ivory."

I groaned. "Hmm?"

May humahatak ng kumot ko. "Ivory Tahmina."

"Hmm? Bakit ba?" Naging muffled na ang boses ko dahil nakasubsob ang mukha ko sa unan habang nakadapa. Nakatalukbong pa ako sa kumot.

"Toyang." At sa hindi inaasahan, may dumagan sa likod ko.

Agad akong umungol sa inis habang nakapikit pa rin. "Anak ng. Ano ba?"

"Kahit kailan napaka-antukin mo, kauuwi lang natin. Dapat nga kami ang mapagod, lugi kami sa'yo kanina, ah? Ikaw 'tong knockout amputa."

Hindi ko alam kung bakit pero napadilat ako at humagalpak ng tawa. At habang tumatawa, inaalis ko na ang ulo ko sa pagkakatalukbong sa kumot. Walanghiya. Naalala ko na naman 'yung nangyari kanina sa school.

"Kawawang mga Fontanilla," anas ko at muling tumawa ng malakas.

Nanatili akong nakadapa at nakasubsob pa rin ang mukha sa unan habang tawa pa rin nang tawa. Napalingon ako kay Odreic na nakasandal sa likod ko at nakatitig lang sa akin na tumatawa. Bahagyang nakakunot ang noo nito at halatang kanina pa ako ginigising.

Natigil ako sa pagtawa nang may maalala. "You still call me that."

He opened his mouth. "What?"

"Toyang."

"What about it? It suits you." He explained. Napanguso naman ako at nanatiling nakatingin sa kanya. Para siyang si Tetsuya Kuroko na kalmado at tamang paliwanag lang sa tuwing naha-high blood na si Taiga Kagami sa bawat laro.

"Okay." I shrugged. Tumayo siya at inalok ang kamay. Napatingin ako rito.

"Come on up. May assembly tayo. Backyard. Now."

"Talikod." Sabi ko.

Kumunot ang noo nito bilang pagtatanong ngunit agad ding napabuntong hininga bago tumalikod. "Damn it, Ive. You gotta stop doing that."

Before getting out of my bed, I purred like a cat. Bumangon ako at may inabot sa may upuan sa tabi ng kama ko. "Doing what, Od?"

Nang makuha 'yon ay mabilis ko itong sinuot. "Done, woman?"

"Yep."

Humarap ito at tinulungan akong tumayo. May inabot siyang isang baso ng tubig.

Inabot ko ito at ininom. "Thank you." At humalik ako sa pisngi niya. Umilag ito pagtapos.

"Tch. Hindi ka na nag-lock ng pinto, natutulog ka pa ng walang damit," Nakasimangot na usal nito sa akin.

"Sorry na, hehe." I smiled.

"Isusumbong kita kay Kuya Theo." seryoso nitong sabi. I just smiled wickedly at him. Inirapan lang ako nito.

Oo nga pala. Napalinga ako. Napatingin naman sa akin si Odreic. I rolled my tongue in between my lips. "Kaulder?"

"Yes, Miss Ivory?"

"What time is it?"

"It's 5 o'clock in the afternoon, Miss Ivory."

I pursed my lips. "Is my Dad still in his office?"

"Yes."

I closed my eyes and yawned. "Leave a message. Tell him I want pasalubong."

"Yes, Miss Ivory."

Natawa na lang si Odreic sa gilid, nanonood sa akin.

"Na-miss ko boses ni Kaulder." sabay tawa nito sa akin at umakbay. "Tara na, baba na tayo roon."

Waiting For Your LoveWhere stories live. Discover now