Chapter 2

50 1 0
                                    

Chapter 2

Staring Contest


After eating, nagdesisyon kami na bumalik na sa classroom. Kapansin pansin naman ang kasama ko sa bawat section na madaanan namin. Gwapo kasi si Morgan e.

Lahat bumabati at kumakaway sa kaniya. Tinatanguan din naman niya ang mga ito o di kaya'y nginingitian. Tsk. Mabenta sa babae.

Napailing na lang ako. Bumaling si Trace sa akin.

"Why are you shaking your head?" He asked. He raised his eyebrow and his lips protruded.

I raised my eyebrow too. "Wala. Bakit?"

Nanliit ang mga mata nito sa akin sabay tawa. Why the hell are you laughing, Morgan?

"What? May nakakatawa?" tanong ko. Tumatawa pa din ito. Bahala ka diyan. Lalayasan kita.

I started walking faster. I glanced at my watch. It's already 7:15 AM. Malapit na mag-first subject. Maya maya pa'y nahabol na ako ni Trace at inasar.

"You jealous?" He wiggled his eyebrows. I gave him an annoyed look.

"Seriously? No," I answered.

"Halika na nga!" aniya sabay hatak sa palapulsuhan ko. Nagkulitan na lang kami habang naglalakad.

Pagbalik ng room ay naabutan namin si Philip na nagpapapansin na naman kay Syrena. Nang makita kaming dalawa ni Trace ay agad niyang tinigilan si Syrena at pumunta sa amin.

"Saan kayo galing ha? Hindi niyo na naman ako hinintay. Nag-solo flight na naman kayong dalawa. Hindi niyo na ako mahal," Nagtatampo kunwa'y sabi nito.

"OA mo!" ani Trace sabay batok sa kanya. Ako naman ay tinawanan na lamang siya at pumanhik na sa aking upuan. Sumunod silang dalawa sa akin.

"Hoy, Ive! Saan nga kasi kayo galing?" Ang kulit talaga nitong lalaking 'to!

Nilingon ko siya. "Kumain nga kami, Cordova." Napanguso na lamang siya.

Nag ayos na lamang ako ng gamit habang nagpatuloy sila sa asaran nilang dalawa ni Trace. Nakaupo ako sa aking upuan habang silang dalawa naman ay nasa sahig nakaupo at nasa harapan ko.

Inalok ko silang umupo sa upuan ng mga kaklase namin para komportable sila pero sabay silang lumingon sa akin para umiling at nag usap muli. Hinayaan ko na lamang silang dalawa at napangiti.

Basically, para kaming magkakapatid tatlo. I met them way back when I was in Grade 7. Magkaibigan na silang dalawa noon pa. Transferee kasi ako at nahihirapan akong hanapin ang unang klase ko. Si Kuya kasi ay na-late ng pasok noon. Tinulungan nila akong hanapin ang room ko at ang ending, magkakaklase pala kaming tatlo. Akala ko pa nga mas matanda sila sa akin kasi pareho silang matangkad at hanggang baba lamang nila akong dalawa. They both joined me for lunch that day and the three of us just clicked. Ever since, sila na lang dalawa lagi ang kasama ko.

"Sa canteen kayo galing 'no?" usisa muli ni Philip. Para walang away, tinanguan ko na lamang siya. Tinawanan naman siya ni Trace. Naiirita na kasi siya. Para pa namang bata si Philip na hindi binigyan ng candy pag hindi mo sinagot mga katanungan niya.

"'Di bale na nakapagpa-cute naman ako sa misis ko kanina," sabay hagikhik. Napangiwi na lamang kami ni Trace sa kanya.

"Sa misis mong hindi ikaw ang mister?" Pang aasar ko sa kanya. Napatingin ito sa akin at pinandilatan ako ng mata. Bumelat ito sa aming dalawa ni Trace. Humagalpak na lang kami sa tawa.

Kalaunan ay dumating na ang aming teacher. Sabay na tumayo sina Philip at Trace para dumiretso sa kanilang mga upuan.

"Since malapit na ang Intramurals ninyo, ipapatawag lahat ng grade levels for reminders after lunch sa Auditorium at magkakaroon ng early dismissal," anunsyo nito. Naghiyawan ang mga kaklase namin dahil ibig sabihin cancelled ang quiz namin sa Mathematics.

Waiting For Your LoveWhere stories live. Discover now