Chapter 6

19 1 0
                                    

Note:

To the man with principles, our batis king, and one of my favorite jboy, Happiest Birthday, Atty. Riguel Alleje! Ilang taon na nakalipas simula nung nabasa kita, patay na patay pa din ako sa'yo! Haha!


---

Chapter 6

The Continental


Pagtapos ng pangyayaring iyon ay kalmado kaming tumalikod at naglakad ni Hash papunta sa counter para magbayad ng mga pinamili. Pansin din namin ang mapanuyang tingin ng mga tao at nagbubulungan pa. Wala kami ni isang pinansin o kinibo kahit pa mismo ang supervisor ng Supermarket. Why would we? May CCTV naman sila. I'm sure by now they already knew what happened back there. Useless lang magpaliwanag.

Nagbayad kami at lumabas na ng Supermarket. Umakbay sa akin si Hash habang ang isang kamay niya ay bitbit ang isang plastic bag. Napapatingin ang ilang mga naglalakad at nasasalubong namin. May iilan pa ngang nakangiti habang pinagmamasdan kami.

"Ang sweet nila. Naiinggit ako!"

Mukha pa yata kaming magjowa. Magpinsan ho kami. Nagkatinginan na lang kaming dalawa at natawa. Maya maya pa ay bigla siyang kumanta.

"Quiero que sepas que todos los dias

Solo pienso en ti..." mahinang pagkanta nito gamit ang malambing na boses.

Napatingin ako sa kanya. Ang ganda talaga ng boses nito kahit kailan. Sobrang angelic. Hindi lang halata mukha kasi siyang demonyo. Take note, gwapong demonyo.

"Eres la reina de mi vida

Mi corazon es para ti..." pagdugtong ko sa kinakanta niya. Napatigil siya sa paglalakad at gulat na bumaling sa akin. Napatigil din ako.

"What?"

Nanlalaki ang mga mata nitong nagtanong. "Alam mo 'yong kinakanta ko?"

"Yep." Of course, I do.

"I never strike you for someone who likes sexy songs." halakhak nito.

I smirked at his remark. "Who says boys are the only ones allowed to know those kind of songs? Pwede rin kami."

Napailing ito at kumanta ulit gamit ang malambing na boses.

"I wanna treat you like a queen

I wanna love you tonight..."

Tinuro ako nito sumesenyas na ipagpatuloy ko. Natawa ako bago kumanta.

"Sexy lady with the pretty brown eyes let me know if you down to ride..."

Tumawa ito sa narinig ."Sexy lady, huh? Tara na nga sa Krispy Kreme!"

Tumawa na lang din ako. Inayos nito ang pagkakaakbay sa akin at lumingon.

"Wait. You really didn't know Theo has a girlfriend?"

"No." Iling ko.

Kung siya nga na pinsan no'n hindi alam, ako pa na kapatid? Amazing. Not to mention, we both live in the same goddamn house. Marami siyang pagkakataon para sabihin sa akin pero dinaga siya. Tingnan mo naman kung anong nangyari.

"Patay 'yon sa mga pinsan natin mamaya." aniya.

"Fucking asshole. Look at your cheek. Mamamaga pa yata sa lakas ng sampal nung babae." Hinawakan nito ang pisngi ko at inobserbahan.

I smiled cheekily. "Don't worry about it. Nakaisa naman ako. Fair enough."

Natawa ito sa sinabi ko at napailing. I playfully winked at him.

Waiting For Your LoveWhere stories live. Discover now