Chapter 8

17 1 4
                                    

This one's for you, babe @PatriciaMnl. Enjoy! 


Chapter 8

Mahalin Mo Rin...

"By the power vested in me, I now pronounce you... man and knife." parang pari na sinabi ni Odreic at walang sere-seremonyang sinaksak ang isang zombie na lumapit sa kanya. Naglalaro sila ng Left 4 Dead 2 nila Kuya, Cairo, Malcolm.

Tumawa ang mga kalaro nito nang marinig ang sinabi niya.

"Pwede na maging pari 'to," asar ni Malcolm na panay ang dutdot sa mouse at keyboard. Lumingon si Odreic dito at sinamaan ito ng tingin.

Tumawa lalo si Kuya ng malakas dahilan para madistract siya sa paglalaro. "Walastik. Ang angas mong pari kapag nagkataon, Od."

"Saan mo na naman ba nakuha 'yang litanya mo? Kahapon sinabi mo rin 'Rest in Pieces!' habang naglalaro tayo tapos ngayon may pa-ganyan ka na?" Cairo said while laughing.

Nanonood lamang kaming mga babae rito sa kanila habang hinihintay si Hash na matapos magluto sa baba ng kakainin namin para sa movie marathon. Ang magkapatid na si Ryko at Wyatt ay naglalaro ng Billiards. Si Zackary at Trench naman ay naglalaro ng Darts.

Nang magsawa sila kalalangoy sa pool ay nagdesisyon na silang umahon at tumambay sa Entertainment Room sa third floor ng bahay namin. Tumingin ako sa orasan. 6:30 PM na. Ang mga magulang naman namin ay nanatili sa baba at nag iinuman.

"Manahimik ka nga, Cairo_Egypt@gmail.com!" naiiritang sigaw ni Odreic.

Natigil ang lahat sa paglalaro lalo na kaming mga babae na chillax lang sa sofa nang marinig namin ang sinabi niya.

Cairo_Egypt@gmail.com?

"What the fuck?" nagkatinginan kaming lahat at sabay sabay na napamura bago tumawa ng pagkalakas-lakas!

"I wasn't expecting that one!" Malcolm laughed endlessly. Si Kuya naman ay napahawak na sa tyan niya at parang hindi na makahinga kakatawa.

Tawa na nang tawa sina Ryko at Wyatt habang nagbibilyar. Zackary tried to maintain a straight face and aimed to throw the dart seriously but failed miserably because he kept on laughing. Si Trench naman ay natawa na lang sa kapatid na halos mamatay na kakatawa at napailing na lamang.

"Pakyu ka, Odreic!" natatawang sigaw ni Cairo sabay pakita ng gitnang daliri nito. Sino bang hindi matatawa? With feelings pa ang pagkakasabi ni Odreic ng email address ni Cairo!

Si Pristine ay namumula na kakatawa. Sina Emerald at Triana naman ay sinusubukang magseryoso pero natatawa pa rin. Lalo na ako, mauubusan na ako ng hininga kakatawa dahil naaalala ko pa din ang sinabi ni Odreic!

Natigil na silang lahat kakalaro dahil sa kakatawa. "Tanginang email 'yan!" sigaw nila.

Nagpupunas ako ng luha dahil sa kakatawa nang pumasok si Hashshashin na may bitbit ng tray na puno ng mga pagkain. Sa isang kamay naman niya ay ang anim na box ng Krispy Kreme.

Kasunod niya si Manang na may dalang soft drinks at mga baso sabay inilapag ang mga ito sa lamesa. Ngumiti kami rito at ngumiti rin ito sa amin pabalik bago umalis.

Nagtatakang pinasadahan kami nito ng tingin. "What? Nag-iyakan ba kayong lahat or something?"

Nag-unahan kaming lahat magkwento sa kanya pero mukhang wala siyang maintindihan dahil nauuna pa ang tawa namin.

"Ewan! Wala akong maintindihan!" He shouted in so much annoyance. Mas lalo kaming natawa.

"Tara na. Nood na tayo," sabay lingon nito sa aming apat na babae. Tumango ako sa kanya. Ganoon din sina Triana, Emerald at Pristine.

Waiting For Your LoveWhere stories live. Discover now