Kabanata 28

1.9K 155 149
                                    

Magmula nang marinig ko ang mga iyon kagabi, hindi na ako nakapag-isip pa ng maayos. Imbis na pumasok sa silid ni Papa at tanungin siya sa mga nalaman ko, mas minabuti ko na lang ang umalis doon. Naging blanko ang isip ko at para akong naglalakad sa hangin habang pabalik sa sariling cuarto.

I wasn't able to sleep that night. Nakahilata lang ako sa buong magdamag sa malaki kong kama. Nakatitig sa kisame ng madilim kong cuarto. Namumugto ang mga mata. Naguguluhan ang isip na paulit-ulit na nagtatanong. Paano iyon nangyari?

Maski nasa sulok ng isip ko ang sagot, pilit ko pa ring kinukumbinsi ang sarili. I kept telling myself that this was only a big misunderstanding until it dawned on me that everything was correct. Our distant father and child relationship. Ang pagpupumilit niya sa aking umakto na parang anak na lalaki. Because he had one. Because he had a son that has been missing for years. Isa lamang akong kapalit sa nawawalang bata na may magandang buhay na naghihintay sa kaniya, tapos napakataas ng tingin ko sa sarili at nagawang hamakin ang batang iyon na ngayo'y isa nang binata.

I called him ampon too many times I couldn't even keep count. Minsan sa harap pa mismo ng ama niya. Oh, god.

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Nakokonsensiya ako at sa unang beses nahihiya rin. Nu'ng naririnig kaya iyon ni Papa, ano ang naiisip niya sa akin? Na napaka-walanghiya ko? Na napakalakas naman ng loob kong tawaging ampon si Gino sa harap niya mismo samantalang ako naman talaga iyon? Naalala ko tuloy ang isang beses na pinapalayas ko pa sa mansyon si Gino. Napatakip na lang ako ng mukha nang isa-isang magsigapangan ang mga luha ko papunta sa magkabilang tainga. Parati akong tinuturuan ng mga tao sa paligid kong maging mapagkumbaba, pero hindi ako nakinig sa kanila at nanatiling mayabang. So life gave a lesson I could never forget.

Kung anong taas ng paglipad, siya ring lakas ng pagbagsak. Nakatikim ka ngayon ng sarili mong gamot, Rhiannon.

"Natapos na 'yung construction ng tinatayong country club sa ciudad natin, at ngayon naman balak nang i-blessing ng mga may-ari iyon sa Linggo. The Garcias invited my presence on their opening day. Gusto niyo sumama kayong dalawa total wala naman kayong pasok nu'n," banggit sa amin ni Papa nitong agahan.

Nanatili akong tahimik sa pag-intindi ng almusal ko. Narinig ko naman kalaunan ang boses ni Gino.

"Country club?" tanong niya sa baritono.

"Mga eksklusibong establisyemento, hijo. Madalas kailangan ng membership para makagamit ka ng mga pasilidad nila. Maraming puedeng gawin ru'n tulad ng golf at swimming."

"Nagpupunta ka sa mga ganu'n?" tanong pa ni Gino.

"During my younger years, yes. Maganda rin maging member sa mga ganu'n para magkaroon ka ng malawak na koneksyon. If you're aiming a spot in politics, you will need a number of acquaintances. Gusto mo i-member kita rito kanila Garcia?"

"Pag-iisipan ko," sagot naman ni Gino.

Nag-usap pa ang dalawa tungkol naman sa mga ibang panglalaking bagay. Napuyat ako kagabi sa kaiisip kaya para akong lutang ngayon. Nagkaroon nga ako ng mga dark circles sa ilalim ng mga mata pero hindi lang halata ngayon dahil sa nilagay kong concealer.

"Rhiannon," tawag ng boses ni Papa na hindi ko alam kung ngayon lang o kanina pa.

I expressionlessly turned to him.

"Ok ka lang ba, anak? Tahimik mo yata ngayong umaga. Tawag ako ng tawag sayo pero ngayon ka pa lang umimik." tanong ni Papa.

Naalala ko bigla ang mga narinig ko sa kaniya kagabi at nalipat agad ang mga mata ko sa harapan kung saan nakaupo si Gino. Nakatingin rin siya ng mainam sa akin habang nakahawak sa mga kubyertos.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon