Kabanata 56

3.1K 165 93
                                    

Brisk shower ang ginawa ko. Ipinihit ko ang handle nang pakiramdam ko nabanlawan na ang mga bula sa buhok at katawan ko. Nakasabit sa towel holder ang kinuha kong tuwalya kanina at dahil rin nagmamadali, iyon lang ang nadala ko. Nakangiti kong itinapis iyon hanggang sa dibdib. Na-e-excite pa rin, kumendeng-kendeng ako pabalik ng silid.

I anticipated Joaquin will be back with our breakfast but I didn't expect he will be that quick. Nang makatapak na ako sa silid, impit akong napatili nang makita siyang kalalapag pa lang ng wooden tray sa ibabaw ng nightstand. Napabaling tuloy ang damuho. I saw how the savage deliberately explored his sight from my dripping hair, to my bare shoulders, then to my almost exposed breasts.

Tumagal ang titig niya sa huli. Bumilog ang mga mala-uling na mata nito at napalunok.

"U-uh, kukuha lang ako ng pamalit." tikhim ko.

Bumalik ang tingin niya sa mga mata ko at nag-igting naman ang panga niya. Tumango lamang si Joaquin, hindi nagsasalita. Burning in his charcoal-black eyes are desire and passion made manifest.

Tumuloy na ko dahil parang wala yatang balak na lumabas muna si mayor. Dumiretso ako sa cabinet ko nang hindi lumiliko ang paningin kung kani-kanino. Nanginginig ang mga daliri ko habang namimili kung ano bang magandang isuot. Nahihirapan ako dahil parang bumabaon ang tingin sa akin ni Joaquin. Huminga ako ng malalim.

Bakit ba ko nahihiya? Hindi naman ito ang unang beses na makita niya kong halos hubad. Tsaka kung makatitig naman siya parang hindi sila nagsisiping ng babae niya. Samantalang kadadalaw lang sa kaniya kagabi. Parang naglalanding pusa. Oh, please.

Hindi ko talaga alam ba't umaalat ang panlasa ko tuwing naiisip ko ang babaeng iyon. Isang itim na bodycon dress na lang ang pinili ko bago nagmamadaling bumalik sa banyo.

"Sinong mga kasama mo sa meeting?" tanong ko sa gitna ng breakfast namin.

Mula nang kumain kasi kami ang tahimik na nito ni Joaquin. Pabor rin naman sa akin kung ganito kami kasi galit pa rin ako sa kaniya. Pero na-i-ilang naman ako sa kanina. 

"Businessmen." Tipid na sagot niya habang kumakain sa tabi ko. Pareho kaming nakaupo sa gilid ng kama.

"That always intrigues me. Businessmen. Politicians. Dati ang akala ko iba kayo sa mga negosyante pero iisa lang din pala. Parati kayong konektado sa isa't isa." Tumingala ako sa kaniya. Lumihis naman ng tingin si Joaquin. Umirap ang mga mata ko. Hindi niya yata talaga nagustuhan ang mga nakitang pagbabago sa katawan ko ha! Gawang Brazil pa ito! Tapos turnoff lang si mayor!

"Minsan kaming mga pulitiko lumalapit sa mga negosyante para humingi ng pabor. The majority of people only see the small part of being a politician. Campaigns; propagandas. They never see the bigger picture behind. Mahirap ang pamumulitiko. Marami kang sasayanging oras at pera. Sa pangangampanya pa lang magkakaalaman na. Businessmen prefer having a politician seeking their help because it will grant them the opportunity of a negotiation to a greater reach." Hindi maiwasang magtindigan ng mga balahibo ko habang pinakikinggan siya. He sounded so educated in his chosen field. Hindi ko pa rin lubos maisip na ito na si Maginoo.

Tama. Ganiyan rin ang tinuro sa akin ni Daddy. Pag gusto kong manalo gawin kong priority ang mga mayayaman rito sa San Bartolome. Sila ang tutulong sa aking makuha ang puwesto. Don't get me wrong. The common people are strong and to be feared of. There is strength in numbers. But sometimes there are things in life that only people in the high society have control of. And that saddens me. Because those things usually tend to get dirty at the expense of those less fortunate people.

"Sino pa lang nakalaban mo noong eleksyon?" I asked. Gusto kong malaman ang resulta noong nakaraang eleksyon para magka-ideya ako kung matunog pa rin ba ang mga Fuego. Dahil kung oo, mas pag-iigihan ko. I cannot afford getting lost on my goal again.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now