Kabanata 45

1.5K 116 47
                                    

Isang banggit lang ng pangalan ko nang tanungin ako ng sumilip na guwardiya, pagkatapos nakapasok na ako nang samahan ako nito sa loob at pinaghintay sa silid-tanggapan. Dinaluhan ako ng isa sa mga katulong at itinanong ang gusto kong maiinom.

"Water will do," ngiti ko.

Tumango ito. Bumalik rin agad dala-dala ang isang baso ng tubig na may kasamang iced cubes. I then took my time observing the interiors and furnitures.

I noticed the tall, ceramic floor vase that were placed meticulously beside his display cabinet. Mga dried flowers ang nakalagay roon samantalang sa display cabinet naman, mga framed pictures niya at ng marahil asawa at anak.

Romualdo Calderon has a son. Napatitig ako ng mabuti roon sa graduation picture. Nakangiti ang anak niya habang nakasuot ng puting toga. It seemed recent and they're very look alike. Ganito siguro itsura niya noong kabataan pa.

"His name is Sandro," rinig ko sa pamilyar na boses.

Napabaling ako sa pinanggalingan nu'n at napatayo nang nakita si Romualdo Calderon. Umismid ang matanda sa akin na kabababa lamang ng hagdanan. Tinanguan niya ako na tila nagsasabing maupo ako uli. Naglakad siya papalapit.

"Unico hijo ko. Nag-aaral sa isang ivy league school sa Batangas. Political Science ang kurso. Graduating in a few months," aniya.

Huminto siya nang makarating sa tapat ng display cabinet. Tumingin muna siya roon bago ako balingan, umismid. I pursed my lips before smiling just to make it look less awkward.

"Hayaan mo, one of these days ipakikilala ko sa 'yo si Sandro," umiling agad ako.

"Hindi na po. I mean, nakakahiya naman kung dadaya pa siya para roon." Hindi ko alam kung nakakabastos ba ang pagtanggi ko pero sana hindi. Hindi naman ako pumunta para makipagkilala sa anak niya. Gino might get mad for that.

Umismid uli si Romualdo Calderon. But this time, his grin was telling me something. Hindi ko nga lang siya matanong kung bakit at sinundan ko na lang ng tingin ang pag-upo niya sa sofa na nasa harap. Nag-dekwatro siya.

"Buti napayagan ka ni Jon na pumunta rito? Anong ginagawa niya pala ngayon?" Tanong ng matanda. Tumango muna ako bago nag-iwas ng tingin.

"Hm-m. Huwag lang kami magpapagabi. Nasa city hall siya ngayon," sagot ko.

His brows shot up. Huminto ako sa paghinga saglit nang mapagtanto kong nabanggit kong may kasama ako. Shocks. Sana hindi niya napansin.

"I supposed it's the month-end meeting with his delegates," anito.

I smiled. Of course, he knew. He's a former vice mayor, after all.

Marami na kaming napag-usapan pero ni minsan hindi siya nagbanggit ng tungkol sa mga magulang ko. Our conversation is going out of nowhere and it's getting me frustrated. Ugh. Tama ba si Gino? Hindi nga ba dapat ako nagpapaniwala sa kaniya?

"I am afraid to tell you, hija. But your parents are not here," banggit niya bigla.

Napakunot ako ng noo. Ano?

"Pumunta ako rito sa bayan kasi may kailangan akong asikasuhin. A friend of mine had me requested a very personal matter. And that is you. Sinadya ko talagang bumalik rito sa bayan dahil sa utos ng ama mo."

Tumambol ang puso ko. "What do you mean?"

Instead of answering me, he called one of his maids. Pumunta agad iyong katulong na dumalo sa akin kanina. The maid leaned to him closer.

"Tawagin si Bernardo," rinig kong utos niya.

Tumango ang katulong at umalis agad. Hindi nagtagal nang makarinig ako ng yapak ng dalawang tao. Unang pumasok ang katulong na nagsabing kasama na nga niya ang pinapatawag ng dating bise mayor, sumunod naman ang isang lalaki na nang makita ko; tila namutla sa puti ang labi ko.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now