Kabanata 33

1.6K 119 19
                                    

Dalawang linggo ang lumipas mula nang magsimula kami ni Gino sa immersion. Napunta ako sa accounting department nitong munisipyo samantalang siya naman na-assign bilang isang trainee ng secretary ni Papa. Bibihira o minsan hindi nangangailangan ng trainee roon kasi personal mong makakasalamuha ang city mayor pero hindi ko kinagulat ang pagpasok niya nga roon. Si Papa pa ba hahayaang masayang ito. The mayor would do everything under his power just to have his son exposed to his job.

"Sir Harold, na-photocopy ko na po." Sabi ko nang ilapag ang mga documents na pinasuyo ng isa kong mentor para sa araw ng Lunes. Bumaling siya sa mga dokumento.

"Salamat, Rhiannon. The best ka talaga!" ngiti nito sa akin 'tsaka kinuha ang mga papeles, ginilid sa kabila para siguro maasikaso niya sumunod.

Sumilip si Ma'am Grace na isa ko ring mentor. Nag-rolyo siya ng hawak niyang papel at nanunuway na hinampas sa balikat ng katabing si Sir Harold.

"Ikaw talagang hayop ka," she hissed.

"Bakit?" tanong ni sir habang nakahanda pa ring mansalag ang braso.

"Pinag-photocopy mo na naman si Rhiannon! Hindi ka na nahiyang batugan ka," mahinang suway na naman nito bago na naman hinampas si sir.

"Nagtanong naman ako kung ok lang!"

"Maski na." Namilog ang mga mata nito sa katrabaho at nang bumaling naman sa akin 'tsaka nagpakita ng pasensiyosang ngiti. "Sorry sa sir mo ha, Rhiannon."

"Pumayag naman po ako kaya ok lang talaga, ma'am." sagot ko kay ma'am.

Bumalik agad ng tingin si sir sa katrabaho. "Tamo, hahampas ka pa, eh!"

"Hmp! Gusto mo isa pa?" banta na naman ni ma'am kaya muli na namang hinarang ni sir ang braso niya.

I laughed at their banters. This is our usual life in this department. Madalas may mga ipapautos sa akin si Sir Harold tulad nga ng pag-filing ng mga documents o pag-photocopy at pag nakita naman ni Ma'am Grace magtatalo sila. Pareho na silang mga nasa mid-thirties at kung titingnan para silang mag-asawa. Tulad ng naisip ko nu'ng unang araw ko rito.

I got to admit the tasks were boring but I am truthful that it was really fine. Nahihiya kasi sa akin si ma'am pag nakikita niya akong gumagawa ng mga clerical work kesyo nu'ng trainee raw siya hindi naman siya pinahirapan ng mentor niya – kaya ganu'n din daw ang gusto niyang iparanas niya sa akin. Naiintindihan ko si ma'am pero minsan naiisip ko na baka kaya ayaw niya akong pagkilusin hindi dahil sa magaan na karanasan niya noong trainee siya pero dahil kilala niya sa kung sino ako. Nahihiya siguro siyang utus-utosan ng mga nandito ang kinikilalang anak ng mayor.

It was really one of the many reasons I really liked that accounting firm in BGC. Hindi maiilang ang mga nasa paligid ko kasi walang nakakakilala sa akin roon. I sighed.

Rhiannon, para naman kay Gino ito. If he can give me his world without second thoughts, then I should atleast reciprocate something. Gusto ko rin siyang maging tulad ng tatay niya.

Napa-on ang screen ng cellphone ko bago sumapit ang lunch. Nakasuot kasi ako ng pencil skirt tuwing training at nakakaabala pag nasa maliit na bulsa ko kaya lagi kong nilalapag sa desk.

Mahal:
Miss na agad kita

Napangiti ako. Oh, my poor boyfriend. Na-miss agad ako maski sabay naman kaming pumasok kanina.

Gino's message got me occupied. Hindi ko napansin na nakasilip na pala sa magkabilang gilid ko ang dalawa.

"Iba pala 'tong trainee natin, 'rold." panimula ni ma'am.

"Oo nga, Grace! Mahal naman pala at huwag ka miss na raw agad. Ganda naman!" pangalawa naman ni sir.

I pressed the power button. Namumula ko silang binalingan. "H-ho? F-friend ko 'yun!"

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTOù les histoires vivent. Découvrez maintenant