Kabanata 44

1.4K 121 38
                                    

Naguguluhan kong tiningnan ang former vice mayor.

"Sorry?"

"Naghihintay na ang tatay mo sa iyo, hija." Hindi niya pagsagot sa tanong ko at iyan ang sinabi niya.

Hinanap ng mga mata ko si Papa sa dagat ng mga tao. I saw my father talking to some familiar faces not far from our table. Bumalik agad ang mga mata ko sa kay Romualdo Calderon.

"You're mistaken. He's busy talking –"

"Oh, but I am not talking about the mayor." pamumutol niya.

Naguluhan ako lalo. Inisip ko ng mabuti ang sinabi niya kanina at agad, pumintig ng malakas ang puso ko. Hindi si Papa. Hindi si Papa ang tinutukoy niya. Oh, my. Namilog agad ang mga mata ko.

"P-paano mo nalaman 'yan?" Umismid si Romualdo Calderon.

"Mukhang alam mo na pala ang totoo," aniya.

He knew! It all makes sense now! Mga totoo kong magulang ang binabanggit niya sa akin mula pa kanina! Pero paano? Hindi ba't bukod sa mga tao sa mansyon, mga Fuego lang ang nakakaalam na ampon ako?

"Paano mo nalaman?" tanong ko uli.

"I cannot tell you right now because I might ruin a good celebration. Pag gusto mo ng sagot, puntahan mo ko. Mananatili ako sa bayan ng ilang araw. Bukas ang mga pinto ko sa iyo, hija."

Tumango siya para i-excuse ang sarili. Hindi iyon ang inaasahan kong isasagot niya. Nakaka-frustrate! Ugh!

Marami sana akong itatanong pero tinawag na siya ni Sofiel. Tumango na lang rin tuloy ako at tipid na ngumiti. Even if my heart strongly ordered me I need to know more of them, of my real parents. Tumalikod na si Romualdo Calderon at pinagmasdan ko siyang lapitan ang mga kakilala. Sumulyap naman ako sa maliit na papel na nasa palad ko.

R. Calderon, iyon ang nakasulat kasunod ng isang residential address sa San Bartolome.

Bumaling uli ako sa kanila. Kung kakilala niya ang mga totoong magulang ko, ibig sabihin kaanib sila ng mga tinuturing na kaaway ng mga Fuego? Gaya ng mga Salvador?

Isipin ko pa lang parang naninikip na dibdib ko. Hindi puwede. Nag-overthink lang ako. Tama. Siguro kakilala lang niya ang mga totoong magulang ko pero hanggang doon lang iyon, kasi kung totoo nga at kung kaanib rin sila ibig sabihin magiging masama na rin ang tingin sa akin ng mga Fuego.

Paano na kami ni Gino?

Bumalik ako sa table namin dala ang platter of dessert. Nandoon na uli sila Gino pati ang mga pinsan niya. Nagtatawanan na uli silang apat sa kani-kanilang upuan. Napansin ko rin ang dalawang pamilyar na tao na nakikipag-usap kay Papa. Nakita ko na sila noong bumisita sa mansyon. Ang isa ay kilalang senador na minsang naging Justice Secretary. Ang isa naman ay former mayor ng Manila.

Si Kuya Jonas nandoon rin. Suot niya pa rin ang puting wedding suit habang nakatayo sa gilid ng seryosong si Tito Johan, tumatawa-tawa.

Nanenermon si Tito Johan. Narinig ko na ang pinag-uusapan nila ni kuya nang nakaupo na ko sa puwesto ko.

"I'm telling you, Jonas! Mapapalagpas ko itong pag-imbita mo sa isang iyon pero pag nalaman ko talagang nagpapunta ka rito ng Salvador," banta ni Tito Johan.

"Tito naman gugustuhin ko po bang galitin ka? Tumingin ka po sa paligid kung may nakikita kang isa." pabirong sagot ni kuya bago masahe-in ang magkabilang balikat ng tiyuhin.

Laughter from the elders filled our table. Humingi ng pasensiya si Tita Estella sa mga nandoon lalo na sa dalawang kausap ni Papa. Tumawa lang ang mga iyon na para bang sanay na sila sa pagiging masungit ni Tito Johan.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon