Kabanata 6

1.8K 113 44
                                    

Gino's really getting along well with my father as days passed. I've been doing nothing but watch them bond like a real father and son much better than what Papa and me had.

Naabutan ko silang nag-uusap sa terrace isang beses. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero kita ko ang ngiti ni Papa nang makababa sa SUV. I've never seen him that happy since five years ago. The jealousy in me creeped in but I decided not to give much of an attention. Nag-uusap rin naman kami ni Papa lalo na tuwing hapunan. Hindi nga lang gaya sa kung paano sila mag-usap ni Gino dahil napakarami nilang napagkakasunduan tulad ng mga kotse, motor, politiko, isports.

The same scenario happened the following day. Nandoon naman sila sa bakuran nang makauwi ako. The two were playing basketball judging from the sound of dribbles. Hindi na bago sa aking marami silang pagkakapareho ng hilig pero nakaagaw ng atensyon ko ang pag-uwi ng maaga ni Papa. He's been like that consecutively this week. Hindi niya madalas gawin iyon dahil ma-trabaho ang maging alkalde ng isang lungsod. Somehow, Papa was home before six.

Narinig ko ang masayang tawanan nila sa bakuran. I pictured the face of my father just from his hearty laugh. The poisonous feeling in my heart swelled. Umakyat na lang ako sa cuarto imbis na makihalubilo sa kanilang dalawa.

I wasn't able to sleep that night. Gino, Papa, and the words that lunatic woman told me last time lingered inside my head. Natandaan ko pa ang nasaksihan noon sa presinto. Nakatatak pa rin sa sulok ng isip ko kung paano niya ako pagbantaan, at 'di ko man gustong maniwala sa isang hibang pero 'di ko mapigilan lalo na't tila nag-iba na nga ang ihip ng hangin ni Papa.

Gino had something to do with it. Papa took fond of him and the jérk grabbed that opportunity to replace me. The idea seemed.. fitting.

Napaisip ako.

Paano naman kung matagal na pala talagang nais gawin sa akin iyon ni Papa? Siguro nga natitiis niya ako sa ugali ko at nakikita ko iyon bilang pamamaraan niya ng pagmamahal. Paano kung ako pala ang mali?

There's a thin line between tolerance and acceptance. Maaari ngang natitiis ako ni Papa pero kailanman hindi niya ako matatanggap—kaya nang siguro makahanap siya ng gaya ni Gino 'di na siya natakot pagsabihan ako dahil kung ano man mangyari sa amin mayroon pa siyang maituturing na anak.

The thought hurt me. I hear my heart whispering to me like some poison to my inner awareness. The way it beats and pounds every blood running through my system. It whispered.. my heart.. whispered;

Rebel.

Hindi rin naman ako makatulog kaya napagdesisyunan ko kaninang magbabad sa bathtub. I endulged myself an hour of milk bath. Nang matapos, pumirmi naman ako sa harapan ng sariling vanity mirror para sa routine.

"Sana 'di mag-scar," sambit ko nang mapagmasdan ang sugat ko sa braso.

I caressed the wound. The stung of pain made me wince. Ugh.

The woman left a red scratch on my milk-white skin. Hindi ganun kahaba pero dahil nga maputi ako kaya kitang-kita kung titingnan ng mabuti. Wala rin akong ibang sugat sa balat bukod rito kaya madaling mahalata. Suerte nga akong 'di napupuna ni Papa ang madalas kong pagsuot ng mga damit na mahahaba ang sleeves para lang matago ito. I mean, not that he cared about it.

Nakatapos na akong mag-moisturizer nang makarinig ako ng tawanan. Hindi lang isa kundi ilang boses ng mga kalalakihan. Pumunta ako sa bintana upang dumungaw dahil naroon sa labas ang tawanan.

Nakita ko si Gino na nasa hardin namin kasama ng ilang kalalakihan; nag-iinuman. Nakapuwesto sila 'di kalayuan sa pool.

Bakit nandito pa itong mga kalaro ng damuho sa basketball? Hindi pa pala nagsisiuwian ang mga ito!

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon