Kabanata 48

1.8K 130 72
                                    

Tahimik lang ako habang nasa mga magsasaka namin ang tingin ko. Nandito kami ni Sandro sa liliman ng puno ng chico na madalas ginagawang pahingahan ng mga trabajador tuwing hapon, nanonood sa pagtatanim nila ng mga palay sa malawak na plantasyon.

"Bakit ayaw mo rito? Maayos dito sa Batangas. Mababait ang mga tao," banggit sa akin ni Sandro.

"Basta," tipid na sagot ko.

Tumagal ang mga mata ko roon sa isang magsasaka namin na nakalublob ang mga binti sa putik. It's been months now since I first came here. I remember seeing this field being green of rice crops compared to now as brown and soiled. Panahon pa iyon ng anihan tapos ngayon, naghahanda na uli sila ng mga tanim para sa magiging susunod na ani.

"Ba't ayaw mo sabihin sa akin? Don't you trust me?" tanong ni Sandro.

Imbis na sagutin siya, bumaling ako roon sa gawing kanan kung saan nakatirik ang hacienda. Maski nasa malayo, nakita ko ang bulto ng mga lalaki sa tarangkahan na marahil nag-uusap, nagtatawanan.

"Hindi naman," sagot ko sa kaniya habang nakatitig pa rin sa mga tatay naming dalawa.

Sandro was the only son of Romualdo Calderon. Hindi ko sigurado kung puwede kong sabihin sa kaniya ang mga tungkol sa pagmamalupit ng tatay ko. Matalik na kaibigan ng pamilya namin ang mga Calderon at higit pa roon, malaki rin ang utang na loob ng tatay niya sa amin. Kung hindi raw kinuha ng lolo ko ang tatay niya noon na maging vice-mayor sa San Bartolome, hindi raw aahon ang buhay nila. That's what I've heard from Sandro's stories.

It's no wonder his father follows the every order of my father. No matter how evil. Bumalik sa isip ko ang nangyari noon sa kay Gino. Huminga ako ng malalim nang tila may kumurot sa puso ko.

Gino, kumusta ka na?

Sandro's chuckles brought me back from reality. I shifted my sight towards him. Nakahalukipkip si Sandro. Nakasandal ang likod sa puno habang nakatingin sa akin na nakaupo naman rito sa bangko na gawa sa kahoy.

"Your family owns one of the biggest rice plantation in the province, and you being the only child of Tito Carlos makes you the sole heiress. Isn't that nice enough for you to enjoy living the life here? Maski nga roon sa unibersidad na pinapasukan ko, kilalang-kilala ang plantasyon niyo." aniya.

"That's the point. People here are calling me senyorita because of my father. It's kinda annoying." Sumimangot ako. Tumawa naman lalo si Sandro.

"Hindi mo ba gusto tawag nila? Trans ka, 'di ba? I mean, alam mo na gusto ka nilang igalang."

Tumagal ang tingin ko sa kay Sandro. Hindi naman sa ayoko kaso sa tuwing naririnig ko kasi iyon, agad kong naaalala ang tatay ko. People here call him Senyor. Kaya pag naririnig ko ang tinatawag nila sa akin, naiinis ako kasi naiisip kong mag-ama nga talaga kami. Dumadaloy sa mga ugat namin ang iisang dugo at iyon ang totoo.

But of course I cannot tell Sandro that. So, I joked.

"Natatakot kasi ang mga tao rito na kung hindi nila ako rerespetuhin, kinagabihan mayroon nang mga tao ng tatay ko ang kakatok sa pinto nila." Umismid ako pakunwari. Sumeryoso naman ang itsura ni Sandro.

"Para namang sinasabi mong masama si Tito Carlos," aniya.

Tumitig uli ako sa kaniya at hindi ko alam kung bakit pero, na-disappoint ako. Tama. Gaya rin siya ng tatay niya. Umismid ako sa kaniya ng huling beses bago itinuon na uli sa mga magsasaka namin ang tingin. Umihip ang preskong hangin sa gawi namin at dahil sa maikli na ang buhok, mas naramdaman ko iyon nang dumampi sa aking batok.

Because he is, Sandro.

Tahimik ang mga sumunod na sandali. Pareho naming pinanood lang ang mga magsasaka namin na ngayon malapit nang matapos sa trabajo. Ang buong akala ko aalis na si Sandro pagkatapos ng naging pag-uusap namin pero nanatili lang siya roon na nakasandal sa puno ng chico, nakahalukipkip pa rin habang nakatingin sa plantasyon.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTWhere stories live. Discover now