Chapter 21

3K 100 6
                                    

DARNELL

Damn. I want to just freakin' toss all these ingredients in the bin.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito kila mommy. Hindi ako pumasok sa trabaho ngayon dahil nagpapaturo akong iluto 'yong paboritong ulam ni Penny. Pero itong mga ingredients na 'to hindi nakikisama ng maayos!

"Mom! Bat ganto naman yung gulay sa kare-kare?" naiinis na tanong ko kay mommy

Napasentido si mama nang masilip niya 'yong niluluto ko.

"Sabi ko naman sa'yo, wag mong i-overcook yung mga gulay!" panenermon nanaman niya at halos batukan niya ako ng sandok

"Ayusin mo 'yang pagluluto mo ng kare-kare baka di  magpasakal este magpakasal sayo si Penny." pang-iinis naman ni dad na nakisilip din habang nagkakape

I got annoyed with what he said. I am not doing this to lure her to marry me. I don't even know if she wants to a man like me.

I mean, I don't think I am good enough for her. I am trying my best but sometimes I just can't help but think that I am unworthy of her. Penelope is beautiful and smart.

Damn, she even paints as a hobby. Her paintings are superb!

She's an amazing woman. She even gave birth to our cute little Sunshine.

Marriage?

Will that guarantee that Penelope will stay by my side forever?

"Should I just marry her?" wala sa sariling sabi ko

My parents gasped and both looked at me. They looked really bewildered.

"Wow. Ngayon mo lang naisip 'yan?" gulat na sabi ni mommy na hindi ko alam kung nang-iinsulto o nagtatanong lang talaga

"You suck, son! Just get on your knees and pull out a ring!" sabi naman ni dad sa nang-iinsultong boses

"Dad, am I really your son? Stop insulting me." inis na sabi ko sa kanya

"Oh, you're really my son but don't forget that Penny is Sunny's mother. Therefore, Penny is my daughter." ngisi-ngising sabi niya bago tuluyang lumayas sa kitchen

Tinuloy ko na lang ang pagluluto ko at inulit ko mula sa umpisa. Ilang beses pa akong muntik ng mabatukan ng sandok ni mommy. Hindi perfect ang finish product ng niluto ko pero maayos naman ang lasa at sakto lang ang pagkakaluto sa gulay.

Mabilis kong hinubad ang suot kong apron nang mapansin ko ang oras. Malapit na ang lunch ni Penelope kaya kailangan ko ng maghanda at umalis. Mabilis akong naligo at nagbihis, nakailang ulit pa akong palit dahil puro suit ang mga naiwan kong damit sa bahay nila mommy. I just wore a gray long sleeve shirt and a black pants.

"Mom, is Sunny ready?"

I smiled sweetly when my daughter ran outside the room and came to me. She's wearing a cute pink dress and her hair is in pig tails. Sumasama sa bawat galaw ni Sunny ang buhok niyang kaparehong-kapareho sa buhok ng mommy niya. My daughter is really adorable.

"Apo, you're leaving gramps?" malungkot na tanong ni daddy kay Sunny

Sunny looked sad while looking at dad's sad face. He's trying to manipulate my adorable daughter to stay with him.

Annoying old man!

"Noooo! Sunny loves gramps!" malambing na sabi ni Sunny at yumakap kay dad

"Sunny, we have to go." yakag ko ulit kay Sunny na nakayapos pa rin kay daddy

Nakangusong umiling ito sa akin mas sumiksik pa sa bisig ni dad. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil siguradong hindi ko na siya mapipilit na umalis.

Broken Man's Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon