Chapter 18

3.1K 127 15
                                    

DARNELL

"I'm sorry." mahinang sabi ni Hillary na bumasag sa katahimikan na namuo saming dalawa

We decided to talk after our breakfast. Ayaw na naming patagalin pa ang nangyari dahil ayokong magkaroon muli siya ng dahilan na magalit sa akin. Siguro nga masyado naming pinagpaliban ang pag-aasikaso sa mga conjugal assets namin. Wala namang problema sa aming dalawa kung tungkol sa mga assets namin maliban sa plantation.

I glanced at Hillary when she started crying silently. Iniwan nila kaming dalawa sa sala ng villa nila kaya kami lang ang nandito. Hindi ko pa rin mapigilan ang masaktan tuwing nakikita siyang umiiyak dahil sa anak namin. Minsan naisip ko kung ano ang sitwasyon namin ngayon kung sakaling buhay pa ang anak namin. Siguro hindi siya umiiyak ng ganito ngayon.

"Hillary, never apologize to me. Ako dapat ang humihingi ng tawad sa'yo."

I want to comfort her and hug her but there's something inside me that's keeping me from doing that. Bigla na lang pumapasok sa isip ko ang imahe ng mag-ina ko. I feel like I'll be cheating if I did that.

"I already forgave you, Darnell. It just that hindi ko lang mapigilan minsan na makaramdam ng lungkot. I feel so guilty. Pakiramdam ko baka neglected na si Dayne dahil pareho na tayong may pamilya at mga anak. It feels unfair to our child to be living this happily."

Nilapitan ko siya at marahang hinagod ang likod niya. Bawat hagulgol niya ay parang kutsilyo na tumutusok sa puso ko dahil alam kong kasalanan ko kung bakit nawala ang anak namin. We have the same source of sadness but we don't have the same wound.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at hinarap siya sa akin. Marahan kong pinunasan ang basang pisngi niya gamit ang kabilang kamay ko. This loving woman never ceases to amaze me with everything that she do. I can still remember that day when she came to my office and told me that she loathes me.

Hindi ko inakalang darating ang araw na maaayos kaming dalawa bilang magkaibigan at bilang magulang ni Dayne. She forgave me despite my sins and crimes.

"We will never stop being Dayne's parents, so don't think about those things. Kung buhay ang anak natin ngayon, hindi siya matutuwa na nalulungkot tayo dahil sa kanya." I smiled at her and squeezed her hands

Penelope helped me with this heavy burden in my heart. Gumaan ang pakiramdam ko mula noong gabing iyon.

"You're changing." magaan itong ngumiti sa akin

Binitawan ko ang kamay niya at tumawa ng mahina dahil sa sinabi niya.

"Because I want to be a man who's deserving to be Sunshine's father."

"Hmmm. How about be a man enough and claim Penelope? She's so pretty, you will probably have some rivals, you know." pang-aasar nito sa akin

Just thinking about those men who dares to get close to her annoys the hell out of me. Let's see who dares to steal my woman. I'll send them to hell myself.

Malakas na natawa si Hillary sa hindi ko malamang dahilan at basta na lang niya ako hinila palabas. Tumatawa pa rin ito pagkalabas namin at mabilis na tumakbo sa asawa niya. I glared at her when she whispered something to Grayson, she's still wearing that annoying smirk on her lips! What is she up to?

"What the hell, Gray?!" singhal ko kay Grayson nang tumingin ito sa akin at binigyan ako ng isang nakakainis na ngisi

"Hey, Love. Do you want to see some magic?" nakangising tanong nito na labis kong ikinabahala

That smirk is up to something and I know I'll be in trouble! Masiglang tumango si Hillary habang nakayakap sa asawa na nginingisian ako. Oh no, nahawaan na si Hillary ng kabaliwan ng asawa niya.

Broken Man's Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon