KABANATA 01

59 3 0
                                    

Malaki na ang utang namin sa tindahan, tubig at kuryente. Kapag ngayong buwan ay hindi pa ako makakabayad sa tubig at kuryente ay siguradong mapuputulan kami. Ayoko na sanang umabot pa roon kaya nagpasya akong huwag na munang mag-aral at maghanap na lang ng trabaho para isalba ang pamilya ko.

Nagpapa-salamat na lang talaga ako na hindi namin problema ang renta ng bahay dahil nabili na ito ni Tatay noong malakas lakas pa siya. At buti naitago niya ang titulo dahil kung hindi...baka naibenta na rin ito ni Nanay tulad sa ibang gamit namin.

Bumuntong hininga ako.

"Baka naman may alam kang trabaho riyan, bes? Kailangan na kailangan ko lang kasi. 'Yong disente ha? Ayoko nang illegal." Pakiusap ko kay chiona. Bestfriend ko siya mula pagkabata kaya alam kong maaasahan ko siya.

"Gaga! Para namang sinabi mong hindi disente ang mga trabaho ko. Atsaka fyi lang, huh! Legal ang mga gawain ko!" Sabi niya 'tsaka ako binigyan ng kape at tinapay.

"Hindi naman, bes. Inuunahan lang kita." Ngisi ko.

Bakla si chiona at nagta-trabaho sa club. Siya ang nagpapasok nang mga babae'ng kayang masikmurang magpakita ng katawan  at mag-sayaw para sa pera. Hindi ko gusto ang gawain niya pero hindi ko rin naman sila masisisi dahil sobrang hirap talaga ng buhay. 'Bugaw' o 'Mamasang' ang tawag sa kaniya ng mga taga-rito. Halos lahat kasi ng dalaga ay nahikayat na niyang sumama sa kaniya. Hindi naman din siya namimilit. Kapag ayaw ay tinitigilan na niya. Gusto niya kasi ay kusang sumama sa kaniya para hindi magkaroon ng problema.

Malandi siyang umirap. "Bruha! Kahit kailan hindi kita ipapasok sa mga trabaho ko, ano! Sayang ka! Marami ka pang mararating!" Aniya na nagpa-ngiti sa'kin. "Paano pala 'yong trabaho mo sa fastfood chain?" Tanong niya.

"Nag-resign na ako doon. Maliit naman kasi ang kita tapos hindi ko pa naaasikaso si tatay." Sabi ko. "Kaya nga nagbabaka-sakali ako na baka may alam kang magandang trabaho na pwede sa'kin."

"Bakit kasi hindi tumulong 'yang nanay mo? Sugal ng sugal! Ikaw tuloy ang nahihirapan." Komento niya. Ngumuso lang ako. "Hay nako. Osiya! Si Aleng nena narinig ko kanina na naghahanap raw ng Yaya ang amo niya. Uwian daw pero maghapon. Puntahan mo na lang ro'n sa Mansiyon kung bet mo."

Nanlaki ang mga mata ko. "Aleng nena? 'Di ba mayordoma siya sa Mansiyon ng mga Samaniego?" Tanong ko.

"Oo. Malaki raw magpasahod mga Samaniego, bes. Kapag natanggap ka, siguradong makakaipon ka agad."

"Maga-apply ako!" Uminom muna ako ng kape. "Sana lang matanggap ako. Pupuntahan ko bukas, bes. Kapag hindi ako tinanggap, magsasayaw na lang ako sa club ng jowa mo."

Ngumiwi siya at humila ng ilang hibla sa buhok ko. Napasabay ang ulo ko sa paghila niya at uma-ray. "Gaga! Umayos ka nga Ysabela Monica! Gusto mo bang mamatay ng maaga tatay mo?"

"Aray ko naman! Masakit, huh? Baka lang naman, eh." Reklamo ko.

Inirapan niya lamang ako. "Kumain ka na diyan! Kaloka 'to!"

Highblood na naman ang haliparot. Natawa na lamang ako at tinuloy ang moment ko kasama ng kape at tinapay. Sana talaga swertehin ako. Isa ang mga samaniego sa mayayamang pamilya rito kaya siguradong malaki ang pasahod nila.

"Ate Ysa!"

Sinalubong ako ng yakap ni Joey nang makauwi ako. Nasa sala sila ni tatay at nanunuod ng TV ng dumating ako.

"Hello, Joey. Nagawa mo na homeworks mo?" Tanong ko.

"Hindi pa po, ate. Hinihintay kasi kita." Sabi niya bago bumalik sa tabi ni Tatay.

"Osige. Gawin natin mamaya." Sagot ko. Lumapit naman ako kay Tatay at nag-mano. "Mano po, 'tay."

"Kamusta ang lakad mo, 'nak? Nakahanap ka na ba ng trabaho?" Tanong niya.

Umiling ako. "Hindi pa po 'tay pero susubukan ko pong mag-apply sa mga Samaniego bukas. Naghahanap raw po kasi sila ng Yaya." Sabi ko at umupo sa tabi ni Joey na nasa maliit at luma na naming TV ang buong atensiyon. "Kapag po natanggap ako, magiging maayos na po lahat. Makakabayad na tayo sa utang at makakapag-ipon na po ako para mapatingin kayo sa Doctor."

"Ysa, huwag mo na akong dalhin sa Doctor." Buntong hininga niya. "Hayaan mo na akong mamatay ng ganito. Ayoko nang maging pabigat pa lalo."

"Tay..." Inabot ko ang kamay niya. "Huwag po kayong mag-salita ng ganiyan. Basta po gagawa ako ng paraan para maging maayos ang buhay natin." Hindi ko sila pababayaan.

Pagkatapos ng hapunan ay inayusan ko na si Tatay at inalalayan pahiga sa kama niya. Iniwan ko rin siya nang masigurado kong kumportable na siya sa higaan niya.

Dumiretso naman ako sa kwarto namin ni Joey at naabutan ko siyang inaayos ang mga gamit niya sa school. Napangiti ako. Gusto ko ring makaipon para kahit papaano makapagtapos si Joey ng pag-aaral kahit hindi na ako. Siya nalang para masigurado ko ang future niya.

"Gawin na natin homeworks mo?" Tanong ko sa kaniya pagkalapit.

Tumango siya at inabot ang isa niyang notebook. "Isa lang po homework ko, ate." Ngumiti siya. Nakita ko na naman ang bungi niya sa harap.

Grade 5 pa lang si Joey pero malaki na ang pang-unawa niya. Siguro dahil na rin sa hirap ng buhay. Maaga kasi siyang namulat sa kung anong buhay meron kami. Never ko siyang narinig mag-reklamo at hindi siya naging sakit sa ulo sa'kin. Siguro dahil nakikita niyang nahihirapan kami kaya hindi na siya dumadagdag pa.

At mabuti na lang masipag siyang mag-aral at talagang napaka-bait.

"Tapos ka nang mag-ayos ng mga gamit mo?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya. "Osiya. Gawin na natin 'to." Math ang assignment niya.

Binaba ko ang notebook niya sa banig na higaan namin. Humiga naman siya nang padapa. Saglit akong natigilan nang makitang sobrang liit na ng lapis niya. Pudpod na rin ang pambura niya. Nahabag ako. Kahit nahihirapan na siyang hawakan 'yon, hindi man lang siya nagreklamo.

Bumuntong hininga ako at hinaplos ang ulo niya. "Joey, kapag nagkaroon ng trabaho si Ate ibibili kita ng bagong lapis. Tiis ka muna, huh?" Sabi ko.

Tumango naman siya. "Okay lang ate. Pwede pa naman 'tong lapis ko. Nagagamit ko pa naman po."

Napakurap ako at ngumiti. "Ang bait mo talaga..." Tumango ako at bahagyang namasa ang mga mata. "U-Uhm gawin na natin 'to." Binalik ko na ang mga mata ko sa notebook niya bago pa ako maluha ng tuluyan.

Ang hirap kasi ng buhay namin. Wala akong magawa kung hindi ang maawa na lang sa sinasapit namin araw araw. Naaawa rin ako sa kapatid ko na nagtitiis sa lahat ng bagay. Nagtitiis ng gutom at nagtitiis sa maliit na lapis na meron siya.

"Ang sabi ng teacher ko, magaling raw po ako sa Math. Very good raw po ako." Sabi niya habang nagsasagot kami.

"Talaga? Nagpa-thank you ka ba?"

Tumango siya. "Opo. Tapos sabi ko, nagmana ako sa'yo." Proud niya pang sabi.

Natawa ako. "Asus! Mas magaling ka kaya sa'kin."

"Mas magaling ka po, ate. Kahit hindi ka na nag-school natuturuan mo pa rin po ako. Tapos inaalagaan mo pa kami ni Tatay kahit pagod ka." Sabi niya habang seryoso pa rin sa pagsagot.

Ngumiti na lamang ako. Mahal na Mahal ko kasi kayo. Wala akong hindi kayang gawin para sa inyo.

Pangako. Makakaahon rin tayo. Gagawa ako ng paraan. Kahit ano, gagawin ko. Kung kailangan kong dumaan sa hirap, gagawin ko. Maiahon ko lang kayo sa hirap.

When She's goneWhere stories live. Discover now