KABANATA 04

37 1 0
                                    

Hindi naging madali ang unang linggo ko sa trabaho. Binalaan naman na ako ni Donya Esmeralda sa bulok na ugali ng anak pero nagulat pa rin ako nang unang araw ko palang sa trabaho ay naranasan ko na ang kagaspangan ng ugale ni Senyorito Manuel.

Nang una ko siyang makita, literal na umawang talaga ang labi ko. Nahiya pa nga ako kay Donya Esmeralda kasi nakita niyang ganoon ang reaksiyon ko nang makita ang bunsong anak. Paano ba naman kasi...ang gwapo pala nitong aalagaan ko. Natuliro tuloy ako. Hindi naman siya nagalit pero hindi rin natuwa kaya kahit gulat pa rin ako sa mala-anghel na mukha ng anak niya, pinilit ko talagang mag-seryoso. Mahirap na, baka masisante agad.

"Manuel, nandito na si Ysa. Siya 'yong sinasabi ko na bagong mag-aalaga sa'yo."

"I told you, Mama. I don't need anyone!" Mariin at buo ang boses niyang sagot kay Donya Esmeralda ng hindi man lang ako pinansin o ni sinulyapan. Inikot niya ang wheelchair paharap sa bintana at para na kaming hangin sa kaniya.

"You need her, anak. Paano kung may kailangan ka tapos wala ako? Walang tutulong sa'yo at baka mapano ka pa." Mahinahong sabi ng Donya 'tsaka siya nilapitan. "Can you do this for Mama, hmm? I just want you to be better, Anak."

"J-Just let me die, Mama. I won't get better anymore..."

"M-Manuel..."

Nang umalis si Donya Esmeralda, kaming dalawa na lamang dalawa ang naiwan. Wala naman siyang kibo, ni hindi nga niya ako sinulyapan man lang. Para talaga akong hangin sa kaniya.

Tumikhim ako para makuha ang atensiyon niya pero walang effect. Snob ang lolo ni'yo. "Uh hello po, Senyorita Manuel...." Nilapitan ko na lamang siya. "Ako nga po pala si Ysa. Kung may kailangan po kayo, magsabi lang po kayo." Magalang kong sabi.

"Leave me alone." Malamig at mariin niyang sagot.

Parang tumaas ang balahibo ko. Napangiwi ako. "Gusto mo po bang kumain?" Tanong ko.

"I said, leave me alone!" Napatalon ako sa sigaw niya.

Napahawak ako sa tapat ng puso ko ng maramdaman ko ang bilis ng tibok nun. Bilis naman magalit. Nagtatanong lang, eh.

"S-Sige po, uhm dito lang po ako sa tabi tabi kung kailangan po ninyo ako...." Sabi ko at umatras na lang. Mahirap na baka biglang mag-transform at lapain ako.

Tulad nga ng sinabi ko, hindi naging madali ang unang linggo kong pagta-trabaho sa kaniya. At sa mga sumunod pang linggo, mas lalong lumala ang tantrums niya. Mas lalong lumalaki ang galit niya sa'kin sa bawat araw na nakikita niya ako at hindi sumusuko sa ugali niya.

Napapikit na lamang ako nang basagin na naman niya ang isang baso ng orange juice sa harapan ko dahil sa hindi niya lang nagustuhan ang timpla. Pang-limang beses ko nang akyat baba ito para sa lintik na orange juice na 'yan! Sumasakit na nga ang paa ko at hinihingal na sa kaka-akyat baba sa hagdan nila pero wala pa rin siyang gusto sa mga timpla ko! Bakit naman kasi ayaw niyang gawin ko 'yon rito sa kwarto niya since may mga gamit naman? at para siya na mismo tumingin kung anong timpla talaga ang gusto niya! O Gusto niya lang talaga akong pahirapan. Demonyito. Tsss.

"Hindi ka ba marunong gumawa ng juice?! Ang simple simple na nga lang niyan, hindi mo pa magawa ng maayos!" Sigaw niya. Ang mala-anghel at maamo niyang mukha ay nagiging mukha na ng demonyo sa'kin. Parang nai-imagine ko na ngang may tumutubo siyang sungay.

"Pasensiya na po, senyorito. Gagawa na lang po ako ulit." Sabi ko at kinuha ang dustpan at walis. Kailangan ba talagang magbasag ng baso?

"Huwag na nga lang! Baka sa susunod may lason na ang ibigay mo!" Buti alam mo.

Bumuntong hininga na lamang ako nang makita ang tulis ng tingin niya sa'kin habang nililinis ko ang binasag niya. "May gusto pa ho ba kayong iba, senyorito?" Tanong ko.

"Wala!" Singhal niya bago ako tinalikuran at tinulak ang wheelchair paharap sa bintana. Iyan ang paborito niyang pwesto, nakaharap lang siya buong araw sa bintana at nakatanaw sa malayo.

Hindi ko alam kung ano trip niya sa buhay pero mukha siyang kaawa awa sa ginagawa niya. Pwede naman kasi siyang lumabas pero mas pinipili niyang magkulong rito at tumulala sa harap ng bintana.

Tahimik ko nalang tinapos ang ginagawa at hindi na siya pinansin para hindi na ulit madimunyo. Ang sakit niya sa tainga. Parang babae pa kung sumigaw.

Inayos ko naman ang kama niya pagkatapos kong ligpitin 'yong nabasag. Mamaya ko nalang itatapon 'yong basura at baka may iutos na naman ang kamahalan tapos wala ako. Kaagad pa naman siyang nagagalit. Tsk.

"Kung wala ka pong iuutos, maglilinis muna po ako rito." Sabi ko. Hindi naman niya ako pinansin kaya nagkibit balikat na lamang ako. Snob talaga ang lolo ni'yo.

"Ito na pala ang tanghalian ni Senyorito Manuel." Sabi ni Ate Rina nang pagbuksan ko siya ng pinto. May hawak siyang tray at nandoon ang pagkain ng Demonyito. Pinapasok ko naman siya at hinayaang ibaba sa Lamesa ang dala.

"Magandang tanghali po, Senyorito!" Masiglang bati niya sa nakatalikod na Amo. As usual, hindi naman 'yon namansin.

"Snob naman ng alaga mo, gurl....." Bulong niya.

Ngumisi ako. "Kailan ba namansin 'yan?" Tiningnan ko ang dala niya. Wala pa ang dessert baka ihabol mamaya. "Osige na, Ate! Iwan mo na kami at baka magising ang dragon."

Tumango tango siya. "Osige na!" Nilingon niya pa si Senyorito bago lumabas.

Nang mawala si Ate Rina, linapitan ko naman siya. "Kakain ka po ba o hindi?" Tanong ko.

Tila nagulat naman siya sa tanong ko. Sa ilang linggo ko kasing pagtitiis sa kaniya, ngayon lang ako nagtanong ng gano'n. "W-What?" Kunot noong tanong niya.

"Ang sabi ko po, kakain ka po ba o hindi?" Tanong ko ulit.

"Why are you asking me that question?! Kapag ba sinabi kong hindi, hindi mo ako pakakainin?!" Sigaw na naman niya. Highblood agad, Senyorito?

Mabilis akong umiling. "Kapag po sinabi mong hindi, edi hindi po." Naisip ko kasi nitong nakaraang linggo na andami na niyang nasayang na pagkain. Marami ang nagugutom ngayon tapos siya magtatapon lang dahil sinusumpong? Hindi pwedeng ganoon parati kaya kung ayaw niyang kumain, edi huwag.

"Are you out of your mind?! Hindi ba dapat pinipilit mo akong pakainin dahil 'yon ang trabaho mo?!" Mas lalong tumaas ang boses niya. I wonder kung rinig ba kami sa baba? Kung makasigaw kasi parang ang layo ko sa kaniya.

"Senyorito, hindi na po kayo bata para pilitin pang kumain. At isa pa, marami na kayong nasasayang na pagkain dahil nga pinipilit ko kayo nitong mga nakaraang linggo pero ngayong na-realize ko na matanda na po kayo, sige kung ayaw mo po talaga, edi hindi ko na po ipipilit. Marami pong nagugutom at isa na po ako roon." Sabi ko at tinalikuran na siya.

"What the fck?"

When She's goneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon