KABANATA 05

30 1 0
                                    

"Magandang umaga!" Bati ko sa mga kasambahay na nadaanan. Nakakausap ko na rin naman sila at nakagaanan na rin ng loob. Bilib nga sila sa'kin kasi ako pa lang daw ang nagtagal ng apat na linggo kay Senyorito. Na-break ko pala ang record ng ibang nagdaan na kasambahay. Akalain mo nga naman.

"Magandang umaga po, 'Nay Nena!" Naging mabait at magaan rin sa'kin si Aleng Nena o Nanay Nena na ngayon. Siya ang mayordoma ng Mansiyon at tumatayong nanay naming mga naninilbihan sa mansiyon.

"Magandang umaga naman sa'yo, Ysa. Gising na ata ang Senyorito, siguradong hinahanap ka na non." Sabi niya ng nakangiti.

"May 15 minutes pa naman po ako, pero pupuntahan ko na, 'Nay. Sige po!" Masiglang paalam ko sa kaniya. At mabilis na pumanhik sa hagdan.

Kumatok lang ako ng tatlong beses bago tuloy tuloy na pumasok sa loob ng malawak na kwarto ni Senyorito Manuel. "Magandang umaga!" Bati ko nang abutan ko siyang nagbabasa ng dyaryo sa harap ng naka-mute na flatscreen TV niya. Bukas 'yon at nagbabalita ang isang sikat na TV anchor.

"You're almost late." Mariing bungad niya habang ang mga mata ay nasa binabasa.

Binaba ko ang bag na dala sa sofa. "Muntik lang naman po pero hindi pa naman late." May 10 mins pa nga ako, eh. OA nito.

"Yeah right," Sarkastikong sagot niya.

Napailing na lamang ako. Sumpong alert. "Gusto mo po ng kape?" Tanong ko.

"Yes." Tipid niyang sagot. Tumango lang ako at ginawan siya ng kape. Gumawa na rin ako ng para sa'kin.

Sa pangatlong linggo ko sa kaniya, may mga maliliit naman kaming improvement. Parati pa rin siyang galit at napaka-judgmental sa lahat ng ginagawa ko pero hindi na siya masyadong nagbabasag at nagsasayang ng pagkain, pero nanininghal pa rin. Masakit nga lang siya sa tainga kapag sinusumpong.

Pagkatapos kong gawin ang kape niya, binaba ko 'yon sa center table. Kinuha ko muna ang maliit na foldable table at pinuwesto 'yon sa harapan niya. Sakto lang naman ang taas para sa kaniya tapos nilipat ko na rin doon ang kape niya.

Pagkatapos ay binalikan ko naman ang kape ko at hinayaan siyang gawin ang gusto niya. Sa totoo lang, hindi naman siya mahirap alagaan, 'wag nga lang siyang sumpungin dahil ibang usapan na 'yon.

"I don't need your fcking advice!"

Muntik ko nang mabitawan ang tasa na pinupunusan ko dahil sa sigaw niya. Nagulat ako.

"I already lost my fcking everything! I don't care if I die here with this fcking  wheel chair!"

May kausap siya sa phone. Hindi ko lang alam kung sino at galit na galit siya. Dahan dahan kong binaba sa cup board ang tasa.

"I'm already lifeless, thank you very much!" Sarkastiko at mariing sagot niya bago pinatay ang tawag.

Padarag niyang binitawan ang cellphone at hinayaan itong malaglag sa carpet. Kuyom ang mga kamay niya at kahit nakatalikod sa'kin, alam kong nanlilisik na naman ang mga mata niya.

"Fck it!" Malutong niyang mura.

"Tell my mom to stop calling that doctor! Hindi ko nagugustuhan ang mga sinasabi niya!"

Bumuntong hininga ako at lumapit sa kaniya. "Ano po bang mga sinasabi ng doktor ninyo? Baka gusto niya lang po na tulungan ka..." Pinulot ko ang cellphone niya pagkatapos ay tinabi ko na 'yon.

When She's goneWhere stories live. Discover now