Kabanata 32

8.5K 202 17
                                    

Kabanata 32

"Oh.my.god."

Napatampal ako sa noo ko at napapikit. Nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Damon si Ams at hindi ko alam kung papaano ko itatago ang mukha ko samantalang si gago balak pa yatang ituloy ang tulog n'yang naudlot.

"Ams, let me—"

"Okay I'll just pretend that I didn't see anything," putol nito sa sasabihin ko. "You're both adult and I believe that you already knew what you're doing." Gumapang ito mula sa gitna ng kama at umupo sa may gilid.

I slightly bit my lower lip and gave her a guilty looked when she looked up to me. "I love you, Ams."

"You know I love you too, but just be careful. I don't want you to suddenly stop school just because someone got you pregnant."

"I'll marry her right away if she ever gets pregnant," parang nag-i-sleeptalk na sagot ni Damon mula sa likod ng yakap niyang unan.

"Manahimik ka d'yan." Lumapit ako sa kama at hinila ang kumot ko. Tinakpan ko ang nakabalandra katawan ng walangya. Anak ng tokwa nakakahiya kay Ams. Huhu. Di man lang nag-abala ang gago na tulungan akong mag-explain! Pero bakit ba kasi ngayon pa naisipang magpunta sa bahay ni Ams?

"Bakit ka pala napapunta? Di ba may workshop ka pang tinatapos?" nagtatakang tanong ko. Isang linggo na lang before kami bumalik sa school, pero ang loka sinagad talaga hanggang sa pinakahuling araw ng break ang mga extra classes na kinuha.

Saglit na tumingin muna ito sa nakataklob na bulto ni Damon bago lumapit sa 'kin at pabulong na nagsalita.

"Nabalitaan mo na bang binigyan ng special class sina Mara at mga kasama niyang na-expel?"

"Special class?" Umiling ako. "Wala akong alam. Sinong prof?"

"Yun ang hindi ko nasagap. Pero narinig ko na walang prof ang may gustong magturo sa kanila dahil sa lala nung record nila."

"But still, meron pa rin silang nakuhang prof in the end. Kaya nga sila magkaka-special class, 'di ba?"

She sighed. "Yeah." Malungkot itong tinignan ako. "Okay ka lang ba? Sabihin mo kaya d'yan kay kuya Damon para magawan niya ng paraan?"

"Para ano? Para pigilan niya 'yung special class nila?" Medyo natatawa kong tanong. "Ayos na siguro 'yung na-expel sila sa Saint Gallen. Medyo hindi rin naman ako sang-ayon sa hindi nila pag-graduate on time. Ang importante lang naman sa 'kin ay 'yong hindi na magsasalubong pa ang mga landas namin sa loob ng campus."

Tinaasan ako nito ng kilay. "Ikaw pa ba talaga 'yan, Celestine?" Idinikit nito sa noo ko ang palad. "O nilalagnat ka lang? Bakit bumabait ka yata?"

Tinampal ko ng mahina ang kamay nito. "Baliw. Ako dapat yata ang nagtatanong sa 'yo kung ikaw ba talaga 'yan o sinaniban ka ni Isla? Ang chismosa mo na, eh."

"Bawal na bang magtanong?"

Natatawa kong pinulot ang mga damit ni Damon at hinagis sa kanya. "Hoy tumayo ka na d'yan. Sabihin na lang natin na sabay kayong dumating ni Ams." Nag-please sign ako kay Amelia at napabuntong hininga na lang ito.

Sabay sabay kaming tatlo na bumaba at saktong gising na ang kapatid kong tuwang tuwa na makakita ng demonyo sa umaga. Haaay. Nag-breakfast na kami sa bahay at para medyo makatotohanan ang ginawa kong palusot, sinabi ko na may pupuntahan kami at sinusundo nila 'ko.

"Ang hirap namang magsiungaling. Saan tayo pupunta neto?" mareklamo kong tanong pagkasakay sa harap ng sasakyan niya. Nagkibit balikat lang ang gago at wala man lang binigay na matinong sagot.

You Were Just A Dream [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon