"Mommy, where are we?" tanong ng bagong gising kong anak. Binitawan ko ang hawak kong cellphone at tinabihan ito sa kama.
"We're at Daddy's house, pero uuwi na rin tayo maya-maya." Hinaplos ko ang buhok nito at nginitian.
"Where is Daddy?"
"He's just taking care of Lolo Mill's wake. Babalik din siya mamaya."
"Is he coming with us?"
Napahugot na lang ako ng malalim na paghinga sa daming tanong nito. Wala kasi ngayon si Damon dahil ngayon darating ang pamilya niya para sa burol ng kanyang lolo. Hinatid niya lang kami rito sa bahay niya kagabi. Nagpahinga naman siya sandali, pero umalis din siya kaninang madaling araw at nagsabing babalik mamayang lunch. Pero tinext ko siya ngayon na 'wag na muna niya kaming alalahanin. I know he's exhausted already at ayoko ng makadagdag pa kami sa kanya.
"Ma'am, punta na lang daw si sir dito mamaya."
"Ha? Dito sa bahay?" gulat na tanong ko kay Wyatt pagbaba namin ng sasakyan. Hinatid kasi kami nito dahil wala naman akong dalang sasakyan.
"Opo, ma'am. May mga meeting pa nga 'yong si sir sa opisina kaya sobrang busy."
"Gano'n ba... Paki sabi mo na lang na pwede namang sa susunod na lang siya pumunta kung busy siya. Ako nang bahalang mag-explain sa bata," sabi ko. "At saka, paki-check mo na lang din siya lagi and make sure na kumakain siya sa oras."
Napangiti si Wyatt sa sinabi ko at ako naman ay parang biglang nahiya. Napakamalisyoso talaga ng sekretaryang 'to kahit kelan. Tsk. Nagmadali tuloy akong pumasok kami ni Sydney sa loob. Sinalubong kami ni Joanna, pero laking gulat ko nang abutan ko rin sina Isla at Ams sa loob.
"OMG totoo nga?! Sa bahay kayo ni Damon natulog?!" sigaw sa amin ni Isla. "Sekretarya 'yon ni Damon 'di ba, Ams?!"
"Oo si Wyatt." Malapad at makahulugang sagot ni Ams. Tapos tumingin siya sa 'kin. "Hindi yata si Kuya Damon ang naghatid sa inyo?"
"Busy pa kasi siya sa burol kaya ayoko na munang abalahin siya."
"Sus! For sure naman kahit minu-minuto niyo pang abalahin 'yon eh ayos lang sa kanya! Kwentuhan mo muna kami dali!" Hinatak ako ni Isla paupo sa sofa at pinaakyat ko na muna si Sydney kay Joanna para mapaliguan. Para akong iniupo sa hot seat ng magaling kong kaibigan at agad na pumwesto silang dalawa sa harapan ko na parang mga maaamong pusa.
"Ano bang ikukwento ko?" nakasimangot kong tanong. And as expected, ang hyper na hyper na si Isla na chismosa ang nangunang sumagot.
"S'yempre kung paano mo sinabi sa kanya na anak niya si Sydney! Anong reaksyon niya? Nagalit ba siya? Sobrang saya niya ba? Siguro sobrang gulat niya na biglang tatay na pala siya! Omg! Kinikilig ako! Nakapagbasa na 'ko ng gan'tong eksena sa libro kaya feeling ko ang saya-saya ni Damon no'ng sinabi mo sa kanya!" Napatakip ito sa mukha at napahiga sa sofa habang nangingisay na parang isda. Kung makatili pa sa bawat tapos ng kwento ay akala mo namang teleserye o pelikula 'yong ikinukwento.
"I'm happy for you, Tin," masayang bati ni Ams at napataas ako ng kilay.
"Para lang sa anak ko lahat ng ginagawa kong 'to. Don't congratulate me dahil walang dahilan para i-congratulate ako."
Nagkatinginan silang dalawa. Nag-sorry agad si Ams at nagtataka namang tinaasan din ako ng kilay ni Isla.
"Akala ko ba okay na kayo? Galit ka pa rin ba kay Damon?"
"Yes, we're okay. Wala na rin akong galit na nararamdaman sa kanya." Maybe because I knew about the real reason why everything happened in the past. And I must say na mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon na wala na 'yung mabigat kong dala-dala ng ilang taon. I'm finally free of pain.
BINABASA MO ANG
You Were Just A Dream [COMPLETED]
RomanceCelestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight, a new girlfriend appeared in the picture. Celestine was so hurt that she kept crying every single...