KABANATA 2

13.8K 310 12
                                    

KABANATA 2

"Pre, ayos ka lang?" tumatawang tanong ni Kuya Jer doon sa Damon.

Jusko hindi ko pa man siya tinitignan ay parang may maitim ng espiritu ang nakapalibot sa buong pagkatao ng lalakeng ito. Lord, why?

"Do I look okay?" masungit nitong tanong pabalik. Oh my gosh sabi ko na nga ba kampon ito ng kadiliman. Papalpak na lang kasi ako doon pa sa taong mukhang walang taglay na kabaitan. Ugh!

"Ipapa-laundry ko na lang iyang shirt mo. Okay lang ba?" lakas loob kong tanong. Kung hanggang mamaya ako yuyuko dito malamang ay ibaon na niya talaga ako ng buhay sa lupa. He shot me his deadliest glare at nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa braso at batok. Brrrr!

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang isa isahin niya ang pagtanggal ng butones sa kanyang polo. Lalo ko pang ikinagulat ay nang tanggalin niya ng tuluyan ang suot niyang pang-itaas. Ang mga mata ko! Hindi ko maalis ang mga mata ko sa pagtingin sa kanya—I mean sa katawan niyang kinuha lahat ng bitamina pampamacho!

Napatakip ako sa bibig ko nang marealize kong nakanganga pala ako. Damn!

Mahihinang pagtawa ang narinig ko sa paligid at mga bulung-bulungan. Wala na bang imamalas pa ang gabing ito? Gusto ko na lang mag-disappear at magtago sa kwarto ko please! Mommy sunduin niyo po ako. 🙏

Laking pasalamat ko dahil naramdaman din sa wakas ng mga mabubuti kong kaibigan na kailangan ko ng rescue. Inalalayan nila akong dalawa at kinuha ni Isla ang damit mula doon sa Damon.

"Kasalanan niyong dalawa ito," bulong ko habang paakyat kami ng hagdan.

"Excuse me ikaw kaya may hawak nung frosting," ani Isla.

"Saka ikaw itong hindi tumitingin ng aatakihin," dagdag pa ni Amelia.

"So kasalanan ko talaga?!"

"Oo!" sabay nilang sagot. Napapikit ako ng mahigpit dahil baka mapag-untog ko ang ulo ng mga babaeng ito. Ugh!

Magkasunod kaming naligo ni Isla. Sabi ko kase sa kanya mauna na ako at bantayan niya ako sa labas dahil malay ko ba kung maghiganti sa akin yung masungit na iyon.

Napatingin kami sa isa't isa nina Isla at Amelia. Pareho silang naka-dress na pantulog na mukha namang hindi pantulog. Samantalang pagkakita pa lang nila sa suot ko ay sabay silang napangiwi.

"Pororo pajamas? Seriously?" siguro ay kung ako si Isla, pareho kami for sure ng itatanong sa sarili ko. Napailing na lang si Amelia at hindi na nagkomento. Pero base pa lang sa reaksyon niya ay hindi ko na kailangan pang marinig verbally.

"Malay ko ba kasing nandiyan ang kuya mo at may mga bisita pa," walang gana kong sabi. Nawawala na ako sa mood sa dami ng mga hindi kagandahang nangyayari sa akin. "Kakabili ko lang nito at excited pa naman akong isuot tapos ganyan mga mukha niyo."

"Okay okay. Hindi lang siguro ito ang right time para isuot mo iyan. Wanna visit my closet?" parang Fairy Godmother natanong ni Ams. Biglang lumiwanag ang nagdidilim kong mundo sa sinabi ni Amelia. Bakit ba hindi ko naisip iyon?

Dali-dali kaming pumasok sa walk-in closet niya. Pagpasok namin ay feeling ko nasa department store ako sa dami ng mga damit, sapatos, at bags.

"Dito tayo sa sleep wears,"

Silang dalawa ang namimili ng isusuot ko. Halos lahat ng hawakan ko ay hinahagis nila pabalik kaya pinabayaan ko na sila.

"This one is perfect!" sigaw nila sa hawak na maroon sleeveless at shorts. Napangiti rin ako dahil I'm sure na bagay sa akin ito.

You Were Just A Dream [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon