KABANATA 57

6.8K 217 18
                                    

Angel's note: thank you for patiently waiting. Please don't forget to vote and leave a comment if you liked this chapter. Happy reading!

--

[Celestine]

"Fuck...Damon...this is wrong..." Mabilis na inilayo ko ang mukha ko sa kanya at bahagyang itinulak ang katawan niya para makawala ako. "I'm sorry...nadala lang ako." Nangangatal na ipinunas ko ang likod ng palad ko sa noo kahit hindi naman ako pinagpapawisan.

Salubong ang kilay niya na humarap sa 'kin, tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"There's nothing wrong with it, Celest! We're both not in a relationship!" Sinundan niya 'kong tumungo sa harap ng salamin upang ayusin ang sarili ko at ang buhok kong ginulo niya.

"Wala na tayo, Damon." At 'yon ang mali ro'n. Tangina! Ano ba kasing pumasok sa utak ko at ginantihan ko ang halik niya!

"So it's wrong just because we're not together? Fuck the label, Celest! We know in ourselves what we truly feel!"

"Not the right time to talk about that." Tumingala ako sa kanya at mataman ko siyang tinitigan. "Bumalik na tayo ro'n bago pa sila makahalata"

Galit pa ang mga mata niya, pero naglakad na ako palabas ng pinto. At kahit gustuhin ko mang maunang maglakad sa kanya, baka mapahiya lang ako kaya hinintay ko pa siya. Hindi ko na kasi tanda ang way pabalik sa living room. Punyetang size naman kasi ng bahay 'to balak yatang pagkasyahin lahat ng Pilipino.

Pagbalik namin sa sala ay parehong nakatingin sa amin ang mga magulang niya. Parang umakyat lahat ng dugo sa pisngi ko at pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa mga tingin nila. Pucha. Nahulaan kaya nilang may ginawa kaming konting kababalaghan? Napapikit ako at nakahinga ng maluwag nang tawagin na kami ng mga kasambahay nila for lunch.

"What do your parents do?"

Muntik akong mabilaukan sa isinubo kong pagkain sa tanong ni Mrs. Amanda. Madali kong nilunok ang laman ng bibig ko at nagpunas bago ito sinagot.

"My parents are both lawyers."

"Do you live with them?"

"Currently, no. But when Sydney and I were still in the US we lived with them." Nanginginig ang mga labi ko at kinagat ko ang loob ng pisngi ko para kalmahin ang sarili ko.

Kinuha ko ang baso ng tubig sa tabi ko at halos makalahati ko ang laman nito. Hindi naman sila mukhang galit sa pagtatago ko kay Sydney sa anak nila dahil mukhang kinausap na sila ni Damon bago pa kami pumunta rito. Ni hindi nga rin nila ako sinusumbatan sa mga panahong ninakaw ko sa mag-ama.

"Mommy, are we going back na to Grandpa and Grandma's house?"

Napatingin ako sa anak kong nasa pagitan namin ni Damon.

"Not yet, anak."

"But I missed them."

Pinagpawisan yata bigla ang mga palad ko at nanlamig. Jusko naman bakit ngayon niya pa kailangan itanong 'to? At talagang sa harap pa nilang lahat? Gusto ko na lang na lamunin ako ngayon ng kinauupuan ko.

"Why, Sydney? Do you wanna leave Daddy already?" tila nagtatampong tanong naman ni Damon. Lumipat tuloy ang tingin ko sa kanya na kasalukuyang umiinom ng wine.

"No, Daddy! I will bring you to them."

As soon as he heard that, bigla na lang siyang nasamid sa iniinom.

"Sorry," aniya habang nagpupunas at medyo inuubo-ubo pa rin.

Patago akong napangisi nang makita ko ang kaba sa mga mata niya. Takot ba siyang humarap sa parents ko? Pfftt...Pero kung sabagay, kahit ako ay takot na ipaalam sa kanila ang mga kaganapan sa amin ngayon dito sa Pilipinas. I swear, they will definitely bring us back to the US.

You Were Just A Dream [COMPLETED]Where stories live. Discover now