Celestine
"You want this to get in court?" Hindi makapaniwalang pag-uulit ni Damon sa sinabi ng mga magulang ko. Nakita ko ang galit na unti-unting bumabalot sa mga mata niya.
"We don't have a choice if you keep interfering with our daughter's life."
Sarkastiko akong napatawa.
"Really, Mommy? You think Damon is the one interfering my life?" Hindi ko na natagalan pa ang pananahimik. Ayoko na sanang makialam dahil alam kong lalaki lang lalo ang gulo, pero sumosobra na sila. They are pointing all the fault on Damon!
"What do you mean, anak? Wag mong sabihin na nakipagbalikan ka nga sa lalakeng 'yan? After all the pain he caused you?" Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa 'kin. Nang hindi ako tumugon, napabuga siya ng hangin sa bibig. "Oh come on! Don't be stupid again, Celestine!"
"Listen to your mom, anak."
"Stop it, will you?!" Nabigla silang lahat sa pagtaas ng boses ko.
It's been years already mula noong huling nakipagtalo ako sa kanila. Simula kasi nang bumalik ako sa mga magulang ako, ginawa ko lahat ng gusto nila. Sinunod ko lahat ng utos nila kahit minsan ay labag sa loob ko. I did everything just to be the best daughter they want me to be--even I almost forgot to be myself just to please them.
I looked at Damon who's still trying to calm himself. Tipid akong napangiti nang mapagtanto ko lalo kung gaano kalaki ang kasalanang nagawa ko sa lalakeng 'to.
"It was me who caused him so much pain..." my voice broke while looking at him. "Ako ang totoong may kasalanan ng lahat. Ginusto kong masaktan siya kapalit ng sakit na naramdaman ko noon. At sa kagustuhan kong magdusa siya, I made him pay for the sin he didn't commit. Not only I lost the man I love, my daughter lost the father she deserved too." Halos magdugo ang loob ng pisngi ko sa pagpipigil ko ng mga nagbabadya kong luha. Naninikip ang dibdib kong sinalubong ang mga titig niya.
Wala ni isa sa mga magulang ko ang nagtangkang salungatin ang sinabi ko. Lahat ng tao sa paligid namin ay walang imik na tumitig lang sa 'kin. Maging si Nathan ay hindi ko naringgan ng kahit ano. Nakaramdam lang ako ng kaunting guilt para sa kanya dahil kasalanan ko naman kung bakit siya umasa na pakakasalan ko siya. Kung hindi ko lang sana sinabi ang mga salitang 'yon ay hindi ko sana siya mas lalong nasaktan ngayon. Ngunit kung 'yon ang dahilan kung bakit siya lumaban para mabuhay, wala akong pinagsisisihan.
"Are you fighting, Mommy?" Nag-aalalang lumapit sa 'kin ang anak ko at naiiyak na tiningala ako. Mabilis na pinunasan ko ang mga mata ko at nakangiting hinarap ko ito. "No, anak. We're just talking. Sama ka muna kay Tito Ethan sa taas." Sinenyasan ko ang kapatid ko na iakyat muna si Sydney upang hindi na ito maguluhan pa sa nakikita.
Pagkaalis na pagkaalis ng anak ko ay walang pakundangan na itinuloy pa rin ni Mommy ang mga gusto nitong mangyari. Desidido talaga itong dalhin sa korte ang tungkol sa kustodiya ng anak ko kahit obvious na hindi 'yon ang gusto ko.
"Mom, stop! Pwede bang hayaan niyo 'kong mag-desisyon para sa anak ko? I know you're just concern, pero hindi na tama!"
"Then what do you want us to do? Panoorin ang lalakeng 'yan na kunin ang anak mo sa 'yo?"
"Hindi kukunin ni Damon ang bata."
"Kahit pa magpakasal ka kay Nathan? Sigurado kang hindi niya kukunin sa 'yo ang anak mo?"
What the fuck?! I didn't even gave an answer to his proposal! Nangangatal na ang mga kamay ko sa panggigil ngunit napatingala ako kay Damon nang hinawakan niya ang kamay ko at tinabihan ko.
"I told you, she's not marrying him," aniya nang nakatitig ng diretso sa Mommy ko. "I won't back down if you want to go through it legally."
"Hindi ito makakarating sa korte," mariin na sabat ko. "Kami ang mga magulang ni Sydney at wala kaming problema pagdating sa hatian namin ni Damon ng karapatan sa anak namin. Please stop making this more complicated!"
BINABASA MO ANG
You Were Just A Dream [COMPLETED]
RomanceCelestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight, a new girlfriend appeared in the picture. Celestine was so hurt that she kept crying every single...