KABANATA 21

8.7K 232 57
                                    

Kabanata 21

"Nakita mo na 'tong post ni Fony?"

Iniharap ni Amelia ang cellphone niya at ipinakita nga iyong post ni Fony sa IG. Picture nilang dalawa ni Damon na may caption '❤️'

"Nagkabalikan na yata sila ni Damon. Hindi ba chinika sa 'yo ng best friend mo?" tanong ni Isla na biglang kinainis ko. Tumayo agad ako at hindi siya sinagot. Lumabas ako ng room at tumakbo papuntang CR. Pumasok agad ako sa isang cubicle at sinabunutan ko ang sarili ko. Parang namamanhid ang dibdib ko sa inis pucha.

Tangina ano 'tong nararamdaman kong 'to? D-Do I like him? Shit. I'll be in a big fucking trouble if I really end up liking that demon. Oh god, Celestine. Bakit mo hinayaang humantong ka sa puntong 'yan? Dahil ba nasanay ako sa presensya niya? Sa sweet gestures and care? No. Baka nagkakamali lang ako. Siguro gan'to lang talaga ang pakiramdam kapag biglang nawala ang atensyon sa 'yo ng kahit sinong malapit sa 'yo. I can't just jump into conclusion that I like him. I have to confirm my feelings first to myself, before I make a move of avoiding it. Baka nag-fi-feeling lang ako.

I held my breath to the count of three and exhaled slowly. Kinalma ko ang sarili ko bago bumalik ng room na parang walang nangyari.

"Sorry sumakit lang tiyan ko," sabi ko sa kanila. Nakaupo pa rin sila sa may pwesto ko since wala pang prof.

"Natae ka?"

Inirapan ko si Isla. "Share ko pa ba?"

Natawa silang dalawa at kinuha ko ang cellphone ko para maglaro na lang ng plants vs. zombies. Panay ang asar sa 'kin nina Isla at Ams dahil ang luma daw ng nilalaro ko. Paki ba nila? Masarap pumatay ngayon—ng zombies syempre.

Prof namin today si Fony at sobrang blooming niya. Nakakainis 'yong ganda niya. Hindi na nakakatuwa. Kinuha ko na lang ang notebook ko at patagong nag-drawing lang ako sa buong klase niya. Mukhang good mood siya dahil hindi niya napansing hindi ako nakikinig. Tinignan ko ang drawing ko at napangiti ako sa itsura nito. Dinagdagan ko na lang ng dalawang sungay ang ulo nito at perfect! Sinarado ko agad ang notebook ko at ibinalik sa bag ko pagka-dismissed namin.

"Sa bahay tayo. Movie marathon tapos hanap tayong jowa sa Finder Dating App."

Sabay kaming napalingon ni Isla kay Amelia saka kami nagkatinginang dalawa. Pareho kaming nagtaas ng kilay saka ngumisi at agad na pumayag.

"Darating daw kasi sa bahay nila mamaya 'yong mga barkada ni kuya Jer kaya siguro gustong humanap ng landi."

"Kasama si Damon?" tanong ko agad at ako naman ang tinaasan niya ng kilay.

"May ganap 'yong best friend mo, 'di mo alam. Anong klaseng friend ka?"

Inabandonang friend kaya nga wala akong alam. Lol.

So nag-decide nga kaming mag sleepover kina Ams. Nagpaalam ako kina Mommy at pumayag naman sila. Kilala nila sina Amelia at Isla kaya walang kaso sa kanilang ang mga gan'tong ganap basta walang pasok kinabukasan. Kumuha ako ng extra foods sa kusina na pwede naming ngatain do'n mamaya. Wala ako sa mood magluto kaya kahit sipain nila 'ko mamaya ay hinding hindi ako hahawak ng sandok.

Pagabi na nang nagpahatid ako kay kuya Paul kaya pagdating ko do'n ay kumpleto na ang mga tropa ni Kuya Jer maliban dun sa isang punong abala sa mga kalandian sa mundo. Sabay sabay silang napatingin sa 'kin pagpasok ko. Binati ko sila at kinawayan bago umakyat sa kwarto ni Ams. Ang weird nila. Kung makatingin sila ay parang may mga gusto silang sabihin. Baka iyong tungkol sa nangyari sa club noong nakaraan.

Nakapagbihis na sina Isla at Ams pagpasok ko sa kwarto at naghahanap na sila ng mapapanood sa Netflix. Ipinatong ko sa table na nandito iyong bag ko at nilabas lahat ng dala kong pagkain na labis ikinatuwa ng dalawa. Kinuha ko 'yong dala kong pantulog at nagbihis saka ko sila dinaluhan sa kama.

You Were Just A Dream [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon