KABANATA 29

9.3K 230 25
                                    

Kabanata 29

Paggising ko ay may mabigat na kung anong nakadagan sa ibabaw ng tiyan ko. Nang magmulat ako para tignan kung ano 'yon, nakita ko ang braso ni Damon na nakadantay roon. Bumalik sa ala-ala ko iyong nangyari kagabi. Nakagat ko ang ibabang labi ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa pag-alala ko nito.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa pag-iisip na ginawa namin iyon. Pakiramdam ko ay mas lalo akong napalapit sa kanya. Lahat ng pangamba ko at mga alalahanin na baka maulit lang lahat ng sakit na naramdaman ko noon ay parang biglang hinawi ng hangin. Dahil ngayong hawak ko ang kamay niya, hangga't hindi niya 'ko binibitawan, handa akong sumugal ulit.

Dahan dahan kong inangat ang braso niya upang makaalis ako, ngunit mas lalo akong kinabig nito palapit sa kanya. Naramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa batok ko at napapitlag ako dahil sa may kiliti ako roon.

Humarap ako sa kanya. Nakapikit pa siya pero nakangiti.

"You look like an idiot."

His smile grew wider. "An idiot that made you scream—"

"Fuck you."

"Can I?" malokong tugon niya at mapupungay ang mga matang tumingin sa 'kin.

Hinapit niya 'ko lalo palapit sa kanya at parang gusto yata akong durugin ng matitigas niyang mga braso sa higpit ng kanyang yakap. He buried his face to my chest. Akala ko ay nagtuloy siya sa pagtulog dahil bigla siyang nanahimik. Ngunit napasinghap ako nang maramdaman ko ang dila niyang humagod sa dibdib ko.

"Damon!"

Tumatawa siyang humiwalay at tumayo. Napatakip ako ng mata nang umahon siya ng walang suot na kahit ano! Nakita ko ang kabuuan niyang tila handang sumabak muli sa giyera nang gan'to kaaga. Pakiramdam ko tuloy ay maagang nagkasala ang aking mga mata sa nakita ko ngunit hindi ko maipagkakailang napakagandang tanawin niyon.

Nakangisi siyang tumalikod at pinulot iyong mga damit niyang nagliparan kagabi. Napatingin ako sa sarili kong wala rin pa lang suot. Damn. Tumayo ako nang nakabalot sa comforter at pinagpupulot rin ang mga damit ko. Mukhang dinaanan ng bagyo ang kwarto namin. Bagyong Damon. Lol.

Maaga kaming naligo at nag-ayos dahil ito na ang huling araw namin dito sa Bora. Bukas ng umaga ang flight namin pabalik sa Maynila. Nag-breakfast kami sa restaurant sa baba, pagkatapos ay namili kami ng mga pampasalubong sa mga tinignan naming shops noong isang araw.

Kinagabihan, we had our dinner in the hotel room. He prepared a romantic dinner setup at the balcony with a huge couch on the side where we watched over the moon and the stars. Nakapatong ang dalawang siko ko sa railings at nakayakap siya mula sa aking likod habang pinagmamasdan namin ng sabay ang kalangitan.

"Maybe every time I'd go to the beach and look at the sky, I'll remember you by the moon and the stars," he said softly to my ear.

"Kaya subukan mo lang magsama ng ibang babae rito at susumpain ka."

"You're threatening me now, huh?"

"Nope. It's just a reminder you shouldn't forget." Naniningkit na sagot ko at humarap ako sa kanya. Isinandal ko ang gilid ng ulo ko sa kanyang dibdib. "Kita mo 'yong pinakamaliwanag na star na 'yon? Ang ganda niya, 'no?" tinaas ko ang kamay ko at tinuro iyon.

"Yeah, it shines brightly. Just like how you shine in the darkness on my soul," he said, playing with my fingers as he kissed the top of my head.

Para akong batang tanga na ang bilis kiligin sa sinabi niya. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam na alam mong may isang tao na itinuturing kang liwanag sa buhay nila. Hiling ko lang ngayon sa buwan at sa mga bituin na sana, sa tuwing pagmamasdan ko sila, si Damon pa rin ang palagi kong kasama.

You Were Just A Dream [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon