KABANATA 47

10K 236 38
                                    

"We really appreciate your personal visit, Mr. Hidalgo. Please send our regards to Mr. Castillejo."

"Will do. Thank you." Nagpaalam kami sa pinakaunang mall na binisita namin today.

Pagbalik namin sa sasakyan inabot ko agad sa kanya 'yung folder para sa susunod naming pupuntahan. Actually pwede naman niyang iutos ang trabahong 'to sa aming mga empleyado, pero ewan ko ba sa kanila ni Cenon—masyadong hands-on sa jewelry line na ito. Siguro ay dahil 2 years pa lang since nag-launch ito and I still remember na nagta-trabaho pa 'ko sa kanya noong pinaplano pa lang niya ang tungkol dito.

"Nakuha mo ba 'yung listahan ng mga kulang nila?" tanong niya habang binabasa 'yong ibinigay ko. Tumango ako at itinaas ang dala kong iPad.

"Nakuha ko. At kung may ihahabol daw sila ay i-email na lang nila sa 'kin."

"Okay good."

Kung saan-saan pa kami napadpad at kung kanina'y akala ko mabu-bwisit lang ako maghapon dahil siya ang kasama ko, ngayon ay parang nalimutan ko kung papaano ma-bwisit. Literal na nawalan ako ng oras para isipin pa 'yon at gaya nga ng sinabi niya, I have to focus on my work and that's what I did.

"Okay ka pa?" tanong niya after namin sa 2nd to the last mall naming naka-schedule. Tumango ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Okay pa."

"Do you want us to have dinner first?" Madilim na rin kasi mukhang hindi talaga namin kakayaning makauwi ng alas otso. 6:30 pm na pero may dalawang mall pa kaming naghihintay.

"Tapusin na lang muna siguro natin 'yung mga natitira. Gutom ka na ba?"

"Oo."

Napatingin ako sa suot kong relo. Ki-nal-culate ko agad kung anong oras ako makakauwi kung kakain muna kami. Gusto ko pa sanang abutang gising ang anak ko kaso mukhang malabo na.

"Okay sige pero pwedeng mabilis lang?"

Blangko ang mukha niyang bumaling sa side ko at mga tatlong segundo bago siya nagbalik ng tingin sa daan.

"Let's just finish work if you're in a hurry. Mukhang may importante kang hinahabol."

"Okay lang sige na hanap na lang muna tayo ng malapit na kainan." Kasalanan ko pa kapag bigla siyang nahimatay sa gutom. Ni hindi ko nga siya nakikitang uminom ng tubig samantalang ako nakailang refill na 'ko sa dala kong tumbler.

At dahil medyo traffic ay nag-drive thru na lang kami at sa loob ng sasakyan niya kumain. Grabe pakiramdam ko 'yung energy ko for the whole week ay naubos na ngayong araw pa lang na 'to. Ginalaw-galaw ko ang mga paa ko at sinuntok-suntok nang mahina para mawala ang ngalay. Daig ko pa ang naglakad maghapon dahil sa taas ng heels na suot ko.

"Just wear rubber shoes tomorrow para hindi sumakit 'yang paa mo."

"As if namang makakapag-rubber shoes ako nang naka-pencil cut skirt? Tsk." Hindi ko napigilang sungitan siya.

"Sino ba kasing may sabi na mag-palda ka ng ganyan?" Sinulyapan niya 'ko saglit at kahit madilim ay nakita ko ang pag-ikot ng mga mata niya.

"Malamang nasa trabaho ako kaya gan'to ang suot ko!"

"Naka-fieldwork ka at wala sa loob ng opisina. Wear any decent comfortable clothes tomorrow."

"Okay. Sabi mo, eh. S'yempre susunod po ako sa inyo, sir." Napairap din ako sa gitna ng kadiliman at hindi ko na siya kinausap pa ulit hanggang sa matapos namin ang kahuli-hulihang mall ng around 10pm. Kung tutuusin dapat kanina pa kami tapos. Kaso nga lang ay mas mahaba pa ang binyahe namin dahil sa traffic kaysa sa itinagal namin sa mga mall.

You Were Just A Dream [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon