01

44 2 0
                                    

Maganda ang tanawin at sariwa ang hangin sa lugar na kinatutuluyan namin ngayon. Nasa H2O hotel kami dahil birthday celebration ni Svetlana. We're with our parents, relatives, friends from school, and Dave. 

"Happy Birthday to You
Happy Birthday to You
Happy Birthday Dear Svetlana
Happy Birthday to You"

"Happy 15th, Svetlana!" sigaw naming lahat pagkatapos namin siya kantahan ng happy birthday. 

"Blow the candle!" sabi ng parents niya. 

Pinikit muna ni Svetlana ang mga mata niya at hinipan na ang candle pagkatapos. Ano kaya yung wish niya?

"Grabe! ang ganda dito!" bulong sa'kin ni Dave habang umiikot ang mga mata sa hotel room at sa manila bay na nasa harap ng malaking window ng hotel room na 'to. Hindi kasi dito ang room namin, dito ang family ni Svetlana at sa iba naman kami. Tinignan ko lang siya at nginitian. I already expected na magiging ganito ang reaction niya. 

"Dave, Yvaine, halika na! Let's rest in our room first then mag-iikot tayo together with them after resting." pag tawag ni mommy.

"Okay tita!" masiglang sagot ni Dave, tumango lang naman ako.

"Woahhh ang ganda rin!" bulong nanaman ni Dave at hinampas ko naman siya. 

"Aray! Ginawa ko sayo?" sigaw niya at napatingin naman sa'min ang parents ko. 

"Loko ka ba? Same lang naman 'tong room natin dun sa room nila Svetlana, na aamaze ka pa'rin?" natatawang tanong ko at tumawa naman ang parents ko. 

"Aba syempre! Bihira lang 'to Yvaine!" natatawang sagot niya. 

There was one large bed and mukhang magkakasya naman kaming apat doon. Just like Svetlana's room, may malaking window rin na kitang-kita ang manila bay. May malaking mirror rin sa taas ng bed and may TV naman sa harap. There were also chairs around.

Nilapag ko na ang mga gamit ko at inayos ang mga 'yon sa cabinet. Nilagay ko na rin ang mga pang skin care ko sa bathroom. 

"Woah" bulong ko. 

Agad namang lumapit sa'kin si Dave at bumulong. 

"Oh diba? Pati ikaw na aamaze-- woah" 

"Oh diba? Pati ikaw na amaze rin? May bath tub!!!" excited na sabi ko.

"What's the big deal though?" takang tanong ni Dave. 

"Pwede mo naman gawing bath tub yung timba sa bahay niyo-- aray ano ba!" napasigaw siya nang batukan ko siya, kung ano-ano kasi ang pinagsasasabi. Napatingin nanaman ang parents ko sa'min at ngumiti. 

"S-sorry po tita at tito, ang ingay ko pala hehe" sabi ni Dave. 

"Uy okay lang 'no! Mas okay naman yung maingay kesa sa sobrang tahimik, tapos itong si Yvaine, napaka tahimik! Kaya okay na okay kahit mag-ingay ka diyan" salita naman ni Mommy. 

"Sabi ko nga sakaniya ay subukan naman niya maging madaldal kahit isang beses lang" natatawang sabi ni Daddy. 

"Opo pero if ganiyan po talaga siya, I don't think we should try to change who she really is" nakangiting sabi ni Dave at nagulat naman ako. 

"Ang swerte naman ng magiging future girl mo 'nak, pwede ba si Yvaine nalang?" pagbibiro ni Mommy. 

"Mom" pagpigil ko sakaniya. 

"Joke lang! Ito naman-"

"Hindi ako papayag" biglang singit ni daddy at laking gulat ko naman nang makitang seryosong seryoso na ang mukha niya. 

VesperaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon