07

25 1 0
                                    

Mabilis na lumipas ang pagiging grade 10 na'min. Tama nga sila, mahirap na ang grade 10. Parang free trial siya ng college pero for sure ay sa college ay mas malala. Months passed and wala namang nagbago sa'ming magpipinsan at saamin ni Dave. We went through ups and downs together this year at talagang nagtulungan kami para mabawasan ang paghihirap na'min. 

Ganon-ganon lang at moving up na kaagad. Kung ako ang tatanungin, napakabilis ng panahon. Parang kailan lang ay nag beach kami at pumasok nung first day of school. Tapos ngayon, tapos na? 

"Congratulations to us!" masayang sigaw ni Leo. We took some pics at kumain na sa restaurant para kumain at mag celebrate. Habang kumakain ay I excused myself to go to the bathroom nang biglang makasalubong ko si Dave. Mukhang dito rin sa restaurant na 'to sila kumain ng family niya. 

"Oh? Dito rin kayo?" gulat na tanong niya at tumango naman ako. Dapat nga ay kasama na'min siya mag celebrate kaso syempre dahil moving up, kailangan ay family niya ang kasama niya at wala namang masama doon, mas mabuti pa nga 'yon.

Aalis na sana ako nang bigla niya akong hilahin at dinala sa likod ng stairs. I stared at him with surprised eyes at gulong-gulo ako sa ginagawa niya.

"What are you doing?" naguguluhang tanong ko. 

"I have something to tell you" seryosong sabi niya. 

"What is it?" tanong ko. 

"I'll tell you next week. Meet me in the cafe nearby" maingat na tanong niya. 

"Sure" sagot ko nalang. Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong kinabahan sa kung ano man ang sasabihin niya next week. Could it be... that?

Simula nang sabihin sa'kin ni Leo ang naiisip niya na gusto ako ni Dave nung 9th grade, talagang hindi na 'yon nawala sa isip ko, lalo na kapag kasama ko si Dave. Hindi naman kasi ako sanay na may involved na feelings. Oo, it had always been the two of us, at maraming nang-aasar sa'min pero kahit kailan ay hindi kami naging romantic. 

A week has already passed at ngayon ang araw na magkikita kami ni Dave sa cafe na malapit sa restaurant na kinainan na'min last week. I wore a floral dress at white rubber shoes sa paa. Nag commute lang ako and as expected ay pinayagan naman ako nina mommy kase si Dave naman ang kasama ko.

When I arrived at the cafe, nandoon na si Dave sa isang sulok, kinakawayan ako. Lumapit ako sakaniya at umupo sa tapat niya. Nagulat ako nang may dumating na kaagad na coffee kahit wala pa naman sa'min ang nagoorder. I looked at Dave at mukhang hindi naman siya surprised. Baka inorder na niya 'to kanina pa. 

"So, ano yung sasabihin mo sa'kin?" tanong ko at napatigil naman siya sa pag-inom ng coffee niya. 

"U-uh ano..." nauutal na sagot niya. I silently waited for him na sabihin kung ano yung sasabihin niya. I'm doing my best para mapigilan ang kaba ko pero ayaw talaga nitong magpapigil. 

Since ang tagal niya bago magsalita, uminom rin muna ako ng coffee ko. 

"Can I court you?" dirediretso niyang tanong kaya halos mabilaukan ako sa iniinom ko nang marinig ko 'yon. Nasamid pa 'ko ng ilang minuto bago bumalik sa katinuan. He was just staring at me althroughout, waiting for an answer. 

"Huh?" naguguluhan kong tanong. 

"Can I?" tanong nanaman niya. 

Anong sasabihin ko?!

"Can you what?" pagkukunwari ko nanaman. 

"Can I court you?" natatawang sabi niya. Mukha na kasi akong tanga right now na nanlalaki ang mga mata sa gulat at sa pagkalito. 

VesperaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon