03

21 1 0
                                    

It's been two days since Trevor's confession in the cafeteria. Sa dalawang araw na 'yon, ang dami nang nangyare. Trevor is making moves towards me, literally the whole school ships us now, and hindi namamansin si Dave. 

2 days ago

"But who would've known that I would actually fall in love with you?" bulong niya at nag sigawan nanaman ang lahat.

"Huh? How come..." naguguluhang bulong ko at hinawakan naman ni Trevor ang baba ko para mag meet ang mga mata namin. 

"Naguguluhan ka 'no? Ako nga rin eh, pero, I still chose to confess my feelings... kahit alam kong wala naman talaga akong pag-asa" bulong niya and I stared at him with guilty eyes. 

Hindi naman sa wala, Trevor is honestly a good guy, super maloko and siga lang. Pero, hindi pa 'ko ready sa mga ganito. 

"I'll still try though" nakangiting sabi niya. 

I'll just observe myself kung may mararamdaman ako towards him. Kung meron, edi meron. Kung wala, edi wala. 

Paglingon ko sa pintuan ng cafeteria ay wala na si Dave. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya kanina dahil ngayon ko lang siya nakitang ganoon. 

Mabilis na tumakbo ang oras at uwian na. Mag-isa akong naglalakad sa hallways dahil susunduin ko sana si Luna sa classroom nila. Nauna na ang iba ko pang mga pinsan papunta sa gate ng school namin dahil gusto nilang kumain ng streetfoods at uminom ng mga palamig. Si Dave naman ay nag paalam daw kay Leo na kailangan na niyang umuwi kaagad. 

Nang dumaan ako sa tapat ng classroom nina Trevor, may humarang sa'kin na dalawang lalaki at tumatawa-tawa pa sila. Pinag-taasan ko sila ng kilay, nagtatanong kung bakit sila nakaharang sa dadaanan ko. 

"Hello! Friends kami ni Trevor, mukhang ikaw ang magiging leading lady namin ah?" nakangiting salita nung isang lalaki, nagtaka naman ako. 

"Leading lady?" tanong ko. 

"I mean... syempre ikaw na ang magiging unang priority niya, hindi na kami huhu" singit naman nung isang lalaki at nag iyak-iyakan pa, natawa naman ako sa mga pinagagagawa at pinagsasasabi nila dahil mukha silang mga bata. 

"Oh? Bakit kayo nakaharang sa daan? Mukhang dadaan si Yvaine oh" biglang sabi ni Trevor na kakalabas lang sa classroom nila. 

"Eto na nga, tatabi na" sagot ng mga kaibigan niya at tumabi na. Nilapitan naman ako ni Trevor. 

"San punta mo?" tanong niya. 

"Kay Luna" pag sagot ko. 

"Samahan na kita papunta sa classroom nila" pag-alok niya. 

"No need, kaya ko naman mag-isa" pag-tanggi ko. 

"And when did we became close pala?" nagtatakang tanong ko, natawa naman siya. 

"Wag mo naman ako sungitan! Friends naman ang dads natin and also, I like you... kaya gusto talaga kita makaclose" pag explain niya. 

"Suit yourself, then" sagot ko at nag-simula nang mag-lakad. 

"How was your day?" tanong niya. 

"Ayun biglang may lokong nag confess out of nowhere" pang-aasar ko. 

"Hala weh? Sino?" tanong niya. Natawa ako sa itsura niya dahil seryosong seryoso pa siya. Hindi ko nalang siya sinagot dahil alam naman niya kung sino 'yon, nagpapanggap pa siyang wala siyang ginawa at sinabi kanina nung break time. 

"Joke lang uy, baka magalit ka pa" natatawang sabi niya. 

"Hindi naman ako ganun kabilis magalit" sagot ko at nginitian naman niya 'ko. 

VesperaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon