15

17 1 0
                                    

"I want to try again" dirediretso niyang sabi at natigilan naman ako.

"I'm not that powerless Dave anymore. Hindi ko na hahayaang maulit yung nakaraan..." sambit niya.

"You're still a model, Dave. Your fans wouldn't like it if you'll date a non-celebrity. Besides, I still need time" seryoso kong sabi. 

"Mabait yung agency na'min, Yvaine. Plus, aanhin ko yung fans ko kung hindi naman ako masaya sa personal na buhay ko?" sagot naman niya at hindi ako nakapagsalita kaagad. 

"I'll think about it" sabi ko nalang at lumabas na sa unit ni Leo. 

Tama naman siya, wala naman talagang karapatan ang fans niya na diktahan siya kung sino ang dapat niyang mahalin. Maybe that was just my excuse. I want to but I'm still scared to try again kaya pag-iisipan ko muna. 

The week after, birthday ni Luna kaya nag-aya sila sa club para uminom. I just wore a black fitted dress and black heels. Sa roof deck ang pinareserve na spot ni Luna para solo na'min ang area. 

"Happy Birthday!" masayang bati namin sakaniya. 

"Thank you! Tara! Magpakalasing tayo tonight!" masayang sigaw niya. 

"Nako, pass. Ako ang mag-aalaga sainyo panigurado" natatawang sabi ni Soheila. 

Hindi naman ako madaling malasing pero parang nananadya talaga si Luna dahil ang dami niyang inorder na alak. Mukhang bibigay ako neto ah? 

Pagkalipas ng halos tatlong oras ay nagtwe-twerk na si Soheila sa sahig. Aalagaan pala kami ah. Sabog na rin si Svetlana at Leo, si Luna naman ay tuloy-tuloy pa'rin ang inom. 

"H-hoy! Tama na, pulang-pula ka na oh?" pagbati ko kay Luna at kinuha ang shot glass niya. 

Sinamaan niya 'ko ng tingin at inirapan. 

"Luh? May galit ka sa'kin teh?" natatawang sabi ko. 

"Wala! Sakaniya, oo, may galit ako. Hmp!" parang batang sabi niya. 

Lasing na rin pala 'tong gagang 'to. 

Ako nalang ang matino sakanila kaya ako na sana ang maghahatid sakanila pauwi. Hindi naman ako nahihilo or anything kaya kaya ko naman magdrive.

Isa-isa kong binuhat si Svetlana, Soheila, at Leo papunta sa parking. Nagpatulong pa 'ko sa waitress dahil ang bibigat nila. Sa tapat ng elevator ko sila iniwan na nakaupo dahil pag sinakay ko kaagad sila sa kotse ay baka mag drive sila paalis bigla. 

Nang bubuhatin ko na sana si Luna ay may humawak sa kamay ko, lalaki. Matangkad, payat, at gwapo siya pero hindi ko siya kakilala. 

"Sino ka?" takang tanong ko habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa braso ko. 

"Sorry, the name's Vincent" seryosong sabi niya at natigilan naman ako. 

Vincent... yung... yung inaantay ni Luna for several years?! 

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko. 

"I knew that this would happen, kaya susunduin ko sana si Luna-" 

"Kami na" 

Mas nagulat lang ako nang makita si Dave na kakarating lang sa roof deck. He cut off Vincent kaya hindi na natuloy ni Vincent ang sasabihin niya. 

"Kami na ang maghahatid sakanila, we want Luna to be safe" seryosong sabi ni Dave at naghanda na para buhatin si Luna. 

"Anong ginagawa mo dito?" bulong ko pero hindi niya 'ko sinagot. 

"Jeez, fine fine" natatawang sabi ni Vincent at tumalikod na. 

"Sino yun?" tanong ni Dave. 

"Yung mahal na mahal ni Luna. Anong ginagawa mo dito?" naguguluhang tanong ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VesperaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon