02

20 1 0
                                    

"Siya 'yun diba?"

Rinig na rinig ko ang mga bulungan sa paligid habang naglalakad ako papunta sa classroom ko. Halos lahat ay nakatitig sa'kin at masasama ang mga tingin. I just continued on walking and didn't mind them. Until...

"Yvaine Noelle Sanchez" maarteng sabi ng isang babae na ang kapal ng make-up sa mukha. She's with her group of friends and mukha silang matataray.

"It's Noelle Yvaine Sanchez" seryosong sagot ko. Pinag baliktad pa yung pangalan ko amp.

Umirap siya at nasamid pa kunwari. Pagkatapos no'n ay maglalakad na sana ako nang bigla niya akong harangin. 

"Woops, where do you think you're going?" taas-noong tanong niya.

"Who are you? What do you want?" sagot ko. 

"Ako lang naman ang ex girlfriend ni Trevor, my name's Isha. Oh and also, you've been raised by teen parents? I pity you." dirediretsong sabi niya. 

"Ex ka na pala eh, ba't ka affected? And why the hell would you pity me?" sagot ko. 

"Well..."

Lumapit siya sa'kin at may binulong. 

"I pity you because aksidente ka lang pala-"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may tumamang plastic na bote ng tubig sa ulo ng babaeng 'yon na Isha daw ang pangalan. Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Luna at Leo.

Wow, hindi ata sila late ngayon?

"Head shot!" sigaw ni Luna na patawa-tawa pa. Lumapit sila sa'min at hinila ako paalis. 

"Gago, may ginawa ba siya sayo?" nag-aalalang tanong ni Luna habang hingal na hingal pa. Tumakbo kami galing sa lobby papunta sa floor ng classrooms namin. 

"Wala naman" sagot ko. 

"Don't worry, nandito kami" seryosong sabi ni Leo at tinanguan ko naman siya. 

"Are you okay?" tanong niya pa.

"Yeah, thank you" sagot ko at ngumiti naman sila.

Pumasok na kami sa classrooms namin at pagdating ko sa classroom ay nilapitan kaagad ako ni Dave. 

"Okay ka lang?" tanong niya at tumango naman ako. Umupo na ako sa desk namin at maya-maya ay may bumagsak na crumpled paper sa desk ko. Binuksan ko 'yon at binasa ang nasa loob. 

"Anak ng malalande" pagbasa ko. 

"Sinong nag-hagis nito?" padabog na sigaw ni Leo at tumingin naman ang lahat sakaniya. 

"Bakit?" tanong ng isa naming kaklase at lumapit sa'min. She picked up the paper in my hand and she read it out loud. 

"Anak ng malalande. Oh, bakit ka nagagalit, Leo? Totoo naman ah?" patawa-tawang salita ng kaklase namin na si Scarlett. 

Tinignan ko si Leo at halatang pilit niyang pinipigilan ang sarili niya. Pinaupo ko siya at pinakalma. Kahit anong sabihin ni Scarlett, hindi tamang pumatol si Leo sa babae. Siya pa ang mapapahamak. Besides, for what I know, Leo likes Scarlett, so how could he hurt her?

"Sige, let's say na bata pa ang parents ni Yvaine nung nag buntis yung mom niya sakaniya. Pero hindi ba ang importante is the fact that they took responsibility?" seryosong sabi ni Dave kay Scarlett pero nakikinig ang buong klase. 

"That's a mistake. It just shows kung gaano kahaharot at kalalandi ang mga magulang niya" sagot ni Scarlett at tinuro pa ang mukha ko. 

"Maybe it was a mistake, especially if bata pa sila. But what's the point of taking it all out in Yvaine? Wala naman siyang kasalanan... wala siyang ginawang mali" seryosong sabi ni Dave at hindi naman makasagot si Scarlett. 

VesperaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon