08

14 2 0
                                    

"What's wrong?" 

I stared at Dave who's sitting right in front of me, nagtataka na dahil kanina pa 'ko tahimik. We're currently at a coffee shop malapit sa school. 

"Nothing" nakangiti kong sabi. I keep on denying it pero deep inside ay alam ko na nagfafail na ang communication na'min sa relationship na 'to. It's only been a few months pero nagkakaganito na. Nakakatakot na baka hindi kami magtagal. 

"Hey uhm... how was your workshop?" maingat na tanong ko. 

"Masaya pero nakakapagod" seryoso niyang sabi. 

Ever since he started having workshops, nawawalan na siya ng oras para sa studies niya at sa tropa na'min. Sa totoo lang ay minsan ay nawawalan na rin siya ng oras para sa'kin pero hindi ko nalang pinapansin dahil alam ko naman na lahat ng 'to ay para sa pangarap niya. 

"Dave, pa'no kung mawala ka nalang sa'kin bigla? Paano... paano ako?" malungkot kong sabi. Napapadalas ang pag overthink ko dahil sa takot na ilayo ng industriyang 'yon si Dave sa'kin. 

"Anong mawawala? Saan naman ako pupunta? Sa langit?" natatawang sabi niya at binatukan ko naman siya. 

"Aray!!" pagreklamo niya. 

"Nyenyenye" pang-aasar ko pa. 

Siguro, ito yung masayang part sa relasyon na'min. We always make each other happy no matter how stressful things are. 

Nagulat ako nang bigla niyang hinimas ang cheeks ko, nakangiti. Tinaasan ko siya ng kilay at natawa naman siya. 

"Ang cute mo" natatawa niyang sabi. 

"Alam ko" pagbibiro ko. 

"That's my girl, confidence overload!" masaya niyang sabi. 

"Nagbibiro lang ako, hindi ako cute" natatawa kong sabi. 

He brought his face towards me kaya hindi ako makapagsalita sa sobrang lapit ng mukha niya sa'kin. 

"Wow,  you're blushing" pang-aasar niya pa. Nakipagtitigan pa 'ko sakaniya dahil syempre, hindi ako magpapatalo sa mokong na 'to. Although, pinagsisisihan ko na ginawa ko 'yon. 

He suddenly kissed my cheek which left me dumbfounded and shocked. Namula ang buong mukha ko habang tinatawanan niya 'ko ng sobrang lakas. 

"Sorry ha, alam kong nasasakop ng workshops ko yung dapat na oras na'tin para sa isa't isa" seryoso niyang sabi matapos tumawa ng halos five minutes. 

"It's okay, I understand" nakangiti kong sabi. 

"Thank you, babe" nakangiti niyang bulong. 

Naiintindihan ko naman eh. Naiintindihan ko pero minsan ay hinihiling ko na sana ay nasa tabi niya 'ko habang inaabot niya ang mga pangarap niya. This isn't what I expected. I thought that we will always be by each other's side habang inaabot na'min ang mga pangarap na'min. Pakiramdam ko kasi ay ang layo niya saakin... 

Pero kahit ang dami kong iniisip at ang dami kong gustong sabihin, tuwing tatanungin niya ko kung may problema ba o kung okay lang ba sa'kin ang mga ginagawa niya, wala akong masabi kundi "okay lang" at "naiintindihan ko naman". Natatakot kasi ako na iwanan niya 'ko kung sasabihin ko sakaniya ang totoo. 

"When would we tell your parents?" bigla niyang tanong at nagulat naman ako. 

"U-uh, pwede next time nalang? Pag-isipan ko muna-"

"Nahihiya ka 'no?" natatawa niyang sabi at tumango nalang ako. 

Hindi naman kasi ako sanay na pinaguusapan o iniinform ang mga bagay na ganito sa family ko. Ang awkward kasi, lalo na't kakilala at kaclose nila si Dave. 

VesperaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon