Be Mine Again

32 2 0
                                    

Naglalakad ako pababa ng hagdan, habang may hawak na trash bag. Palinga-linga pa ako sa paligid. Mamaya may multo dito. Sabi din ng iba na madami daw multo sa mga eskwelahan, dahil dati daw 'tong mga sementeryo. Hindi ko alam kong totoo.

Baka mamaya ay sabi-sabi lang 'to. Pagabi na din kaya medyo nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Mula sa classroom, ramdam ko na may sumusunod sa'kin. Pero kapag lilingon naman ako sa bandang likuran ko. Wala naman akong makitang tao, o kahit anino.

Mas binilisan ko ang paglalakad. At ang kaninang pakiramdam ko lang, ngayon ay totoo na. Napasigaw at napatili nalang ako ng may humablot sa braso ko at isinandal ako sa pader. Sisigaw pa sana ako ulit. Pero agad ng tinakpan ng kong sino ang bibig ko.

"It's me, Veronica." Baritonong boses na sabi niya.

Dahil sa pagkabigla at pagkagulat, agad nanlaki ang mata ko. Hindi ko din namalayan na may luha na palang pumatak sa'king mata. Kanina lang iniisip ko siya, kanina lang sobrang namimiss ko siya. Pero, ngayon, andito na siya. Andito na siya sa harap ko. Paano... Paanong nandito siya? Hindi ko siya agad nakilala dahil sa suot niyang sumbrero at mask. Balot na balot din ang katawan niya... Itinaas niya ang sumbrero at inalis ang suot na mask. Namumula ang mata nito. "I'm sorry, baby. Please forgive me... Hindi ko sinasadya... Kong papipiliin ako ngayon. Ikaw... Ikaw ang pipiliin ko. Wala na akong paki-alam sa nasimulan ko. Aanhin ko ang kasikatan? Kong wala ka naman sa tabi ko. So... Please, baby. Be mine again!" Seryuso nitong sabi at hindi nakaligtas sa'kin ang isang butil ng luha na pumatak sa kanyang mata.

Napasandal nalang ako sa dibdib niya at niyakap siya ng mahigpit. Pinipigilan kong 'wag umiyak. Pero hindi ko parin napigilan. Nakakainis... Naiinis ako sa sarili ko. Dapat ay galit ako. Dapat itinutulak ko na siya palayo. Dapat sinasaktan kona siya ngayon. Pero, bakit? Bakit niyayakap ko parin siya? Bakit iniiyakan ko parin siya? Bakit tumitibok parin ng mabilis ang puso ko para sa kaniya. Stupid, Veronica. Pero ganito yata talaga ang pag-ibig. Kahit na paulit-ulit-ulit-ulit ka pang saktan. Mamahalin mo parin siya. At papatawarin parin sa kabila ng pasakit na ibinigay niya sayo.

"I'm quited being an actor."

"Pero mahal mo 'yon." Sumisingot na sabi mo.

"Mas mahal kita, Ron... So, please, baby. Be mine again... But, I don't need your answer. Sa ayaw at sa gusto mo... Sa'kin ka na talaga." Sabi niya at mahinang tumawa. Pabiro ko namang hinampas ang dibdib niya. "Wala naman akong magagawa. Tinitibok ka parin nito." Sabay turo ko, kong nasaan ang puso ko... "Mahal kita, Simon." Nakangiting sabi ko.

"Mas mahal kita." Sabi niya, bago ako siniil ng mainit niyang halik.

The end

Vote and comment guy's ❣️

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now