You're still my girl

14 2 0
                                    


Ilang araw ng hindi nagpaparamdam si Paul, sa'kin. Ano kaya ang ginagawa ng hinay*pak na 'yon? Siguro, naglalasing siya, naninigarilyo o baka naman nambababae na 'yon. Naku. Sinasabi ko. Kakalbuhin ko silang dalawa. Kapag nahuli ko sila.

"Kathy, tignan mo. Nag-post sa Instagram si Nicole." Tawag sa'kin ng kaibigan ko. Dali-dali naman akong lumapit sa kanya.

Agad nanlaki ang mata ko at umusok ang ilong, dahil sa galit. Ang walangya na malanding 'to. Hinablot ko ang cellphone ng kaibigan ko at pinakatitignan ang larawan ni Nicole at Paul. Ang hinay*pak na Paul, nakaakbay sa walangyang malanding Nicole. "Ilang araw hindi nagparamdam ang hinay*pak, tapos ganito ang makikita ko! Pigilan mo ako, Susi. Masasapak ko silang dalawa." Sabi ko at inaabot ang kamay sa kanya.

"Ayaw ko. Walang pipigil sayo. Kaya, sige, puntahan muna." Ngumiti siya ng pilit sa'kin.

"Tang*na nito." Sabi ko at hinampas ang balikat niya. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Angel, kaya napatingin ako sa kanya. "Angel, ikaw nalang." Sabi ko at inabot ang kamay sa kanya. "Dali! Pigilan mo ako. Makakasapak talaga ako ngayon." Tumawa lang siya at umiling-iling.

"Tang*na. Walang gustong pumigil sa'kin? Halika, samahan nalang ninyo ako." Sabi ko sabay hila sa kanilang dalawa.

"What's going on here?" Mahinahon na tanong ng nasa likuran ko. Lumingon ako sa kanya. Pinag-salubong ko ang dalawang kilay at nilagay ang dalawang kamay sa byewang.

"Ikaw!" Turo ko sa kanya. "Hinay*pak ka! Ilang araw kang hindi nagparamdam, tapos ano, makikita ko 'yong pahawak-hawak mo sa balikat ng walangyang malanding Nicole na 'yon? Naku. Sinasabi ko sayo. Makakatikim ka sa'kin, kapag niloko mo ako." Pagbabanta ko sa kanya.

At ang hinay*pak. Pinag-tawanan lang ako. "Ano? Anong nakakatawa, huh?" Galit na sigaw ko.

"Ang cute mo." Sabi niya at hinapit ako palapit sa kanya. Nagpumiglas naman ako. "Bitawan mo nga ako. Kadiri! Nadikit ka kay walangyang malanding Nicole na 'yon. Mamaya maygerms ka. Dali na! Bitaw." Sabi ko at paulit-ulit  na pinapalo ang braso niyang nakayapos sa'kin. "Stop, baby. Hindi ka mananalo sa'kin" Tumawang sabi niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayapos sa'kin. Napatigil ako at seryuso na tumingin sa kanya. "Ako parin ba?" Malungkot na tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya. "I've been so busy lately. "

"Hindi 'yan ang tinatanong ko."  Nakasimangot na putol ko sa sasabihin niya.

Napa-iling siya at mahinang tumawa.
"Just wait ... I just want to explain my side. Again, I've been so busy lately. Lots of filming and shooting happened in different places. And while I was on my way here, Nicole stopped me and took a picture with me. Alam mo naman, sikat at guwapo 'tong boyfriend mo." Nakangisi niyang sabi.

Umirap nalang ako. "Ang hangin." Bulong ko, pero narinig niya parin. Kaya Napa-iling nalang siya.

"At para naman sa tanong mo... Yes, baby. You're still... You're still my girl." Sabi niya at ginawaran ako ng mainit na halik, bago hinila papasok sa kwarto.

The End!

Vote and comment guy's ❣️

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now