She Disappeared

15 2 0
                                    


"Kapag nawala ako, magmamahal kapa ba ng iba?" Tanong ni Jarah.

Nasa likod bakuran kami ng bahay. Ito ang lugar kong saan kami laging nagkikita. Naka-upo ako, habang siya naman nakahiga sa damuhan at ginawang una ang mga hita ko. Masuyo kong hinaplos ang buhok niya. "Hindi na ako magmamahal, kong hindi naman ikaw ang babae na 'yon." Nakangiting sabi ko.

Sumimangot siya. "Hindi puwede... Kailan, magmahal ka parin ng iba, 'yong hindi lang ako. Mas magiging masaya ako, kapag gano'n." Sabi niya, tsaka siya ngumiti. "Hindi ko maipapangako na habang buhay akong narito para sayo. Hindi ko masasabi kong ilang araw, buwan o taon nalang akong mamamalagi sa lugar ninyo. Balang araw aalis din ako dito. Hindi 'to ang lugar na para sa'kin. Hindi ako nababagay dito." Malungkot siyang ngumiti.

Matiim ko naman siyang tinitignan. "Sinong nagsabi na hindi ka nababagay dito. Hindi ka man taga-dito o hindi ka man namin katulad. Ipaparamdam ko parin na isa ka namin. Kaya, dito ka lang. 'wag mo akong iiwan. Ipaparamdam ko sayo kong gaano kita kamahal at kong gaano ka ka-special para sa'kin." Naka-ngiting sabi ko at dinampihan ng halik ang kanyang noo.

"Jero." Tawag niya sa'kin. I hummed and aks her why. "Anong nagustuhan mo sa'kin?" Tanong niya.

"Kailan ba laging may rason kong bakit nagmamahal ang isang tao?" Balik na tanong ko. "Hindi ko alam. Noong nakita kita. Bigla nalang 'tong tumibok ng mabilis." Sabi ko at inilagay ang kamay sa bandang dibdib ko.

"May ibibigay ako sayo, at gusto ko na ibigay mo 'to sa babaeng mamahalin mo." Nakangiti niyang sabi.

Nangunot ang noo ko. "Ano bang pinag-sasabi mo? Syempre sa'yo ko parin ibibigay yan. Diba nga, nangako ako na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko?"

"Gusto ko na bawiin mo nalang ang ipinangako mo. Alam mo na hindi ako katulad mo. Hindi ako tao. Tignan mo ako... Ang pangit ko. Ang mas malala pa... Isa akong maliit na nilalang. Isang d-duwende na tuwing gabi lang lumalaki. Tuwing gabi lang na maganda... Tuwing gabi lang na nagpapakita sayo. Tuwing gabi lang din tayo magkasama at tuwing gabi lang natin ipinaparamdam ang pagmamahal sa bawat isa. Tuwing gabi lang Jero. Kasi kahit gusto ko na makita ka buong araw..." Umiling siya. "Hindi puwede." Malungkot ang mga mata niya at sa anumang oras iiyak na siya. Hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay siya do'n. Lumapit siya sa'kin at ginawaran ako ng halik sa labi. Agad din siyang humiwalay at pilit siyang ngumiti sa'kin. Dahan-dahan siyang tumayo sa pagkaka-upo at naglakad na papalayo sa'kin. Wala akong ginawa kong hindi titigan ang likod niya at panuorin siyang naglalakad.

"Hon, look. Bagay ba sa'kin?" Tanong ni Janica. Habang itinaas ang kamay at ipinapakita sa'kin ang singsing na suot niya.

Tumango ako." Lahat ng singsing bagay sayo. Kahit nga yata gawa sa tela ng sako, babagay parin sayo. " Natatawang sabi ko at masuyo na pinisil ang pisngi niya. Mahina naman siyang natawa, dahil sa ginawa ko.

Mula ng gabing 'yon. Hindi na siya nagpakita o nagparamdam sa'kin. Bigla nalang siyang naglaho at nawala. Ang kwintas nalang na iniwan niya ang tanging ala-ala na mayroon ako sa kanya. Gabi-gabi akong pumupunta sa lugar kong saan kami unang nagkita. Nagbabaka sakali at nagdarasal na sana... Sana, magpakita siya ulit sa'kin. Sana dumating siya ulit. Pero, ilang araw, buwan at taon akong naghintay. Walang, Jarah na dumating. Talaga nga na  iniwan na niya ako.

"You know, I went to different places just to buy a necklace, like you gave me. But I still can't find anything."

Ngumiti ako. "Wala kang mahahanap na katulad niyan. Nag-iisa lang 'yan sa buong mundo."

Tumawa siya at niyakap ako. "Tingin ko tuloy, sobrang mahal na mahal mo ako." Naglalambing niyang sabi.

"Papakasalan ba kita kong hindi?" Natatawang sabi ko.

Katulad ng sinabi niya. Nag-mahal ako ng iba. Noong mga panahon na hindi ko na makilala ang sarili. Dahil sa pinag-halong lungkot at sakit na naramdam. Si Janice ang dumating para ayusin at mabuo ako ulit. Siguro, ayaw akong nakikitang malungkot ni Jarah, kaya naman ipinadala niya sa'kin si  Janice. Ngayon, masaya na ako. Bukas, ikakasal na ako sa babaeng mahal ko. Sana, masaya ka na ngayon kong nasaan kaman.

The End!!

Vote and comment guy's ❣️

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now