Ghost

16 2 0
                                    


Kanina pa ako sinusundan ng multo na 'to. Mula sa school, hanggang dito sa paborito kong park at nakasunod parin siya sa'kin.  "Puwede ba tigilan mo ang kakasunod sa'kin." Naiiritang sabi ko.

"Ayaw ko." Nakanguso nitong sabi. "Diba nga, sabi ko sayo kailangan ko ng tulong mo. Kaya, sige na, tulungan mo ako." Nagmamakaawa nitong sabi.

"Ayaw ko." Matigas kong panggagaya sa sinabi niya.

Naupo ako sa isang bench dito sa park. Kinuha ko ang aking libro sa loob ng bag at sinumulan na 'tong basahin.

"Nakakainis! " Bulong niya, sapat lang para marinig ko. "Hoy." Hindi ko siya pinansin at tuloy lang ako sa pagbabasa.

"Hoy." Pang-uulit niya sa pagtawag sa'kin. "Sige na. Malay mo sa pagtulong mo sa'kin. May matangap kang gantimpala mula sa itaas." Nakangiti nitong sabi, habang nakadungaw sa'kin.

"Haayyy. Tigilan muna ako." Sigaw ko, at agad isinabit ang bag sa balikat ko at tinalikuran na siya. Hindi pa man ako nakakalayo, nasa tabi ko na naman siya. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakahiga ako sa kama, habang nakapikit. Iniisip ko, kong bakit ako. Bakit ako ang kailangan na tumulong sa kanya. Wala naman kaming koneksyon sa isa't isa. Kaya, bakit ako? Bigla nalang siyang lumitaw no'n. Dalawang araw, pag gising ko mula sa coma. Wala akong maalala sa lahat ng nangyari sa araw ng maaksidente ako. Sabi ng doctor, siguro dahil sa pagkatruma ko sa nangyari. Ginusto kong 'wag nalang 'yong maalala. 

Pagmulat ko ng aking mata. Bumungad sa'kin ang mukha niya na ilang dangkal lang ang layo sa mukha ko. Napatitig ako sa kanya. Maganda pala siya. Sa dalawang buwan na pangungulit niya sa'kin, hindi ko pa siya natitigan, kagaya ng ginagawa ko ngayon. Makinis at sobrang puti ng mukha niya. Makapal ang kilay, itim na itim din ang kanyang mata, matangos ang ilong at huli kong pinagmasdan ang manipis niyang labi. Napapikit ako at parang may sariling isip ang mga labi ko ng dumampi 'to sa malambot at manipis niyang labi.

Agad kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Nasasaktan ako, 'yon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa'king pisngi. "Cedrick." Bulong niya sa pagitan ng mga labi naming magkadikit parin. Agad akong napabangod sa kaba na nararamdaman. Bakit? Bakit nahahawakan ko siya. Bakit nakikita ko siya? Bakit ako lang ang nakakagawa no'n? Bakit ko nararamdaman ang ganitong paki-ramdam ngayon? Bakit ako? Napasabunot nalang ako sa sariling buhok at ipinatong ang ulo sa mga tuhod ko. "Sino ka ba?" Seryuso kong tanong sa kanya.

"Kapag sinabi ko ba,  tutulungan muna ako?"  Tanong niya. Lumingon ako sa kanya. Nakatayo lang siya sa tabi ng kama ko at deretsong nakatingin sa'kin. "Sumama ka sa'kin" Aniya at nauna ng lumabas sa kwarto. Ilang segundo pa akong nakatulala, bago sumunod sa kaniya.

Nauuna siyang naglalakad at nasa likuran lang niya ako. Napatingin ako sa paligid. Sementeryo? Bakit dito?  We stopped at a tomb. I looked at the name on it and read it.

"Your memories will remain in our hearts"
NICA FERNNADEZ
January 4, 1997
April 25, 2018

April 25? No'ng araw kong kailangan ako naaksidente. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"Hindi mo parin ba maalala?" She asked and looked at the tombstone. "Kong gano'n, ikukwento ko sayo." Huminga siya ng malalim. "April 25. Malakas ang buhos ng ulan ng gabi na 'yon. Galit na galit ang lalaki, kasi nakita niya na may kalaguyo ang kasintahan niya. Nasasakal na kasi ang babae sa sobrang higpit ng lalaki sa kanya. Kaya, ang naiisip niya lang na paraan para makawala dito. Ang magkaroon ng ibang kasintahan..." Tumingin siya sa'kin at puno ng pag-sisisi ang mga mata niya. "Nasisigawan sila sa loob ng sasakyan. Gusto ng lumabas ng babae sa kotse na minamaneho ng lalaki. Pero, wala siyang magawa... Kasabay ng malakas na buhos ng ulan, ang siya naman bilis ng pagpatakbo ng sasakyan na sinasakyan nila. Paulit-ulit na naki-usap ang babae na tumigil na 'to sa pagmamaneho at baka maaksidente sila. Pero, sarado ang isip ng lalaki no'ng araw na 'yon. Hanggang sa nangyari na nga ang kinakatakot ng babae. Nabanga ng sinasakyan nilang kotse sa truck na nakaparada sa daan. Hanggang sa nagising nalang ang babae... N-na... Na wala na siya sa sarili niyang katawan." Pinunasan niya ang luha na sabay-sabay umangos sa kanyang mata. "Mula sa malayo. Nakatingin siya sa kabaung niya na tinatabunan ng lupa. Hindi siya maka-paniwala." Napa-ilang siya. "Sana, hindi nalang siya nag-hanap ng iba. Sana, kahit na naging mahigpit sa kanya ang lalaki. Hinayaan nalang niya 'to, 'di sana hindi siya umabot sa gano'ng punto. Siguro buhay pa siya hanggang ngayon." Napatingin siya sa malayo at pinipigilan na 'wag tumulo ang kanyang luha. "S-sorry." Aniya at yumuko. "S-sorry, C-cedrick. Minihal kita, pero kusa nalang akong napagod. Nakakasal ka magmahal, kaya hindi na ako nakapag-tiis. Sana, mapatawad mo ako. 'yon lang ang tulong na hinihingi ko sayo, para matahimik at makaalis na ako sa lugar ninyo. Please..." Hinawakan niya ang kamay ko. "Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko." Yumuko siya at mahinang umiyak.

Pinigilan kong 'wag maiyak. Pero, hindi nagpapigil ang mga luha ko. Kusa nalang sila na nagbagsakan sa aking mata. Dahil sa sinabi niya. Ang mga alaala no'ng araw na 'yon. Kusa nalang naging malinaw sa'kin. Kaming dalawa. Kaming dalawa ang babae at lalaki na ikinukwento niya... Ako ang may kasalanan kong bakit naaksidente ang sinasakyan naming sasakyan, ako ang  may kasalanan kong bakit niya ako niloko. Naging mahigpit ako sa kanya. Kaya tama lang ang ginawa niya. Ako din ang may kasalanan kong bakit wala na siya ngayon. At kahit wala na siya, hito ako at pinahirapan parin siya...

"Daddy, let's go na. We're gonna be late." Sigaw ni Nica, mula sa labas.

"I'm coming." I shout back, before I put the old picture of Nica and me in a box.

I know you are happy now, wherever you are. I fulfilled your request. I named your name after my daughter. Just like what you want  me to do. I 'm sorry. Sorry for the pain I gave you. I hope you can forgive me for everything.

The End!

Vote and comment guy's ❣️

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now