Prank (Part 1)

13 1 0
                                    


"HELLO BABIES! Welcome back to my YouTube Channel..." Buong galak kong sigaw sa harap ng camera. Pumalapak pa ako, bago tinagilid ang ulo at itinaas ang kamay na sinabayan ko pa ng mahinang pag-tawa. Tumigil din agad ako sa ginawa. Mukha na kasi akong tanga. Pero dahil nga pera din 'ton. Okay lang. Sayang kasi.

"So, for to these video. Gagawa tayo ng panibagonggg kalukohannn..." Sabi ko at lumapit sa camera. "So, mga babies, magpa-prank tayo. Pupunta kami sa park. Malapit dito sa'min. At maghahanap tayo ng mag-syota, mag-jowa o kong ano man." Sabi ko, bago tumawa at kumindat sa harap ng camera.

"Gaga! Pareho lang naman 'yon." Singit ng kaibigan ko.

"Tumahimik ka diyan. 'di kapa kasali dito." Sabi ko at tumawa ulit. "Magpapangap tayong asawa ng lalaki. At sasabihin na 'May asawa't anak kana't lahat lahat nagagawa mo paring mambabae'." Nakangiting sabi ko. "At syempre makakasama natin ang pinakamaganda at sexy kong kaibigan..." Lumingon ako sa kanya. "Hoy! Lika na dito." Tawag ko sa kanya. Busy kasi siya sa paglalagay ng lip tint sa labi. Agad naman siyang lumapit sa'kin. "Take two, sis." Natatawang aniya at pumwesto sa gilid ko.

"So, ayon nga, makakasama natin ang pinakamaganda at sexy kong kaibigan si Marie." Sabi ko at inilipat ang camera sa kanya.

Ngumiti naman siya. "HI GUY'S! Kong bago lang kayo sa YouTube channel niya. Ano pa ang hinihintay mo mag-subscribe kan-"

"Ate, 'to na 'yong pinapabili mo." Biglang pasok ng kapatid ko sa kwarto at inabot sa'kin ang pinabili ko. Matatapos pa kaya ang video na 'to? Daming sumisingit, eh.

Ipinahawak ko naman muna kay Marie, ang Cellphone. Kong saan 'yon ang ginagamit naming pang-video. "Mae, mag-hi ka naman." Sabi ni Marie, at iniharap ang camera sa kapatid ko. Agad naman tumalikod si Mae, at tinakpan ang mukha. "Ayy. Mahiyain po siya." Natatawang sabi niya.

Inilipat ko naman ang camera sa'kin. "Babies, magpapalit lang ako at pagkatapos mag-uumpisa na tayo... Bye for a while." Sabi ko, bago tinakpan ang cam. At pinatay ang video.

"Rie, tulungan mo ako. Anong mas maganda?" Tanong ko sa kanya. Itinaas ko naman ang dalawang bestida na pinag-pipilian ko. Ang isa ay kulay sky blue na may design na maliliit na bulaklak. Ang isa naman purong puti lang.

"Shunga! Dapat magmukha kang losyang sa harap nila." Sagot siya.

"Shunga ka din." Sabi ko at inirapan siya.

Isinuot ko muna ang leggings ko. Sunod ang... Ano nga ulit ang tawag dito. Silicone fake belly? Fake pregnancy baby tummy? Ah. Basta 'yong nilalagay sa tiyan, para mukha kunwari na buntis. Pagkatapos ko do'n. Ang puting bestida naman ang isinunod kong isinuot. Tinirintas ko ang buhok ko at nag-iwan ng ilang hibla ng buhok sa gilid ng mukha. Maglalagay sana ako ng ka-unting lip tint, kaso pinigilan ako ng magaling kong kaibigan.

Nasa may park na kami.

"Babies, kita ninyo 'yon?" Ani ko at inilipat ang camera sa babaeng nakakandong sa kandungan ng kasintahan niya. B*set na 'yan. Napakaluwang naman ng upuan, pero nagawa pa niyang magpakandong. Bitter ba? Medyo lang naman. Ipinahawak ko na ang cellphone kay Marie. Pumwesto naman siya, hindi kalayuan sa dalawa. Dahan-dahan na akong naglakad at pinanatili na kunot ang noo. Samantalang ang mga labi ko ay kunwaring galit na galit na nakatikom.

Huminga muna ako, bago sumigaw ng malakas. "WALANGYA KANG LALAKI KA! MAY ASAWA'T ANAK KANA'T LAHAT LAHAT NAGAWA MO PARING MAMBABAE!" Aray. Napunit yata ang lalamunan ko, dahil sa lakas ng sigaw na ginawa ko.

"Damn, Aaron! Who's this f*cking girl?" Galit na sigaw niya sa lalaki.

Aba't, english, huh. At minura pa ako.

"Love, I don't know her." Paliwanag ng lalaki at hinawakan ang kamay ng babae. Pero tinabig niya lang 'to.

I don't know her daw. Bakit, ako? Kilala ko ba siya? Pero nga dahil sa content lang 'to. Hindi ko 'yon sinabi.

"Hoy! Ikaw babae." Tinuro ko pa siya. Para naman kapani-paniwala 'tong palabas na 'to. "Pamilyado 'tong tao. Tapos may pakandong-kandong ka pang nalalaman." Galit na ani ko, at tinulak siya.

Nanlaki naman ang mata niya, at ng makabawi sa gulat. Ako naman ngayon ang tinulak niya. "BITCH!" Sigaw niya, bago ako nito sugurin. Ang lakas ng loob kong itulak siya, pero hito ako, tinatanggap lahat ng sampal niya. Hello, buntis ako dito. Pero kong makasampal ang babaeng 'to, wagas. Hinatak ko naman ang buhok niya at hinila 'to. Hindi na 'to para sa content lang. Totoo na talaga 'to. Alangan namang hindi ako manlaban sa kanya. Masakit kaya ang sampal niya. "Walangya ka!" Sigaw ko, habang hila-hila parin ang buhok niya. Pana'y naman ang awat sa'min noong lalaki.

Naku. Marie nasaan ka na ba? 'wag mong sabihin na nagvi-video ka parin. Totoo na kaya 'to.

"TAMA NA 'YAN!"

"Awatin ninyo."

"Hala, 'yong buntis."

Naririnig ko na ang sigaw ng mga nanonood. Pero, bakit ayaw parin tumigil ng babae na 'to. Habang pareho namin na hatak ang buhok ng isa't isa. Hindi ko inaasahan ang malakas na pagtulak niya sa'kin. Kaya ang ending, sa lakas ng tulak niya, natama ang likod ko sa isang poste. At kasabay ng pagtulak niya ang panlalaki ng mata ko. Ang mga nanonood sari-sari ang naging reaksyon. Ang babaeng kaharap ko ay napa-awang ang labi at nanlaki din ang mata.

"Hala, nalaglag."

"W-what the f*ck."

Sabay naming sabi. Pareho-pareho kaming lahat na naka-tingin sa fake pregnancy baby tummy na nalalag. Napakatanga ko. Baka hindi ko 'yon naayos  ng mabuti kanina. Napahawak ako sa likod ko ng maramdaman na kumirot 'yon. Masakit talaga. "Miss, I'm so sorry. We're making a prank." I said and force a bit smiled.

"Oh, my god. I'm so sorry." Hingi din niya ng tawad at lumapit sa'kin. Pinulot niya 'yong fake pregnancy baby tummy na nahulog, at dahan-dahan 'yong itinaas.

"You're a vlogger?" She asked.

"Yes. I am. Again, I'm so sorry."

"Guy's, say hi." Singit ni Marie. Kita mo 'tong babae na 'to ngayon lang nagpakita.

"Saan ka galing?" Tanong ko.

"Diyan lang. Say hi." Nakangiti nitong sabi, habang iniharap ang camera sa babaeng katabi ko.

"Hi guy's. I just have to say sorry to what I've done." She laughed softly. "I didn't know that she was a vlogger and that was just part of the Content."

"Game pa ba? O tigil na?" Natatawang tanong niya. "Nakakahiya 'yong nangyari kanina." Umiiling na sabi niya.

"Game pa." Sabi ko.

"Okay. May napili na ako." Masigla na sabi niya, bago ako marahas na hinila.

To be continued.................................

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now