I think I'm in love again

9 0 0
                                    

Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Lima? Limang taon na simula ng mag-hiwalay kami ni James. Pero 'tong tangang puso ko. Hindi parin nakakamove on.

"May new student daw." Rinig kong sabi ng isang kaklase ko.

Taon-taon naman may new student sa school namin, kaya 'di na 'yon bago sa'kin.

"Guwapo daw." Rinig ko naman ang hagik-gikan nila.

"Guwapo daw, oh." Parinig sakin ni Irene, at binangga pa ang balikat ko.

Ano namang paki ko, kong guwapo. For sure, mas guwapo parin si James, doon. Habang hinihintay si Ms. Ramirez. Inilabas ko muna ang cellphone at pinakatitigan ang wallpaper ko. Litrato ko 'yon, kasama si James, naka-akbay siya sa'kin, habang ako naman ay nakahalik sa pisngi niya.

"Hala! Bes, ang guwapo."

"Nakadagdag ang kulay ng buhok sa ka-guwapuhan niya."

"Ang puti niya."

"Kuya, anakan muna ako."

"Kuya, buntisin mo ako."

Pagsasapakin ko kaya 'tong mga 'to. Anakan at buntisin, pareho lang naman 'yon, ah.

"Girls, that's enough." Saway ni Ms. Ramirez.

Itinago ko naman na ang cellphone at napatingin sa harapan. Agad nanlaki ang mata ko at napanganga. Feel ko may tumulong laway sa bibig ko, dahil sa tagal kong nakanganga. Kinapa ko pa ang gilid ng labi ko, kong mayroon nga. Pero salamat sa makapal kong labi, dahil wala namang laway na tumulo. Inayos ko ang pag-upo at lumunok ng ilang beses. Habang tinitignan ko siya. Pakiramdam ko nakamove on na ako. Pakiramdam ko wala ng James sa sistema ko. Pakiramdam ko, hindi ako nagdusa ng limang taon, dahil sa pesting James na 'yon. At pakiramdam ko tumitibok ang puso ko... Tumitibok ang puso ko para sa kanya. Ayieeeehh! Ang landi ba? Haayyy. 'to na yata 'yong tinatawag nilang 'Love at first sight'

"Jayson Vasquez." Maikling sabi niya, bago naghanap ng bakanteng upuan. Wala naman ng ibang upuan kong hindi 'yong nasa bandang likod ko.

Kumulumbaba ako at ngumiti. Ang suwerte ko naman. Habang naglalakad siya, para bang nagslow motion ang paligid. Para siyang groom na naglalakad palapit sa bride niya. Kong tatanungin ninyo kong sino 'yong bride. Syempre ako, sino pa ba? Nakaputing t-shirt at itim na pantalon lang siya, pero napakalakas ng dating. Ang kulay abo niyang buhok na nakadagdag sa guwapo niyang mukha.

Agad akong napatingin kay Irene, nang tumayo siya. "Anong ginagawa mo?" Tanong ko ng kuhanin niya ang bag niya at ibinato sa bakanteng upuan sa likod ko. "Good luck! Galingan mo! Landiin mo 'yan!" May pagbabantang bulong na sabi niya sa'kin, bago tumalon papunta sa likod. Kaibigan ko nga siya.

Galingan ko daw? Kaya, kayo, suportahan ninyo ako.

Pero, guy's. Ginalingan ko naman. Naghulog na ako ng notebook, ballpen, panyo, at iba pa. Pero, ang Jayson, ninyo deadma! Wala man lang siyang pinulot maski isa sa hinulog ko. Hanggang sa natapos ang klase. Walang nangyari.

"Tanga mo!" Natatawang sabi ni Carla. "Luma na kasi 'yong style mo. Naka-maikling palda ka naman. For sure, 'di ka nagsusuot ng maikling short or cycling. Dapat 'yong panty muna ang hinulog mo. Pupusta ako, titignan ka noon at pupulutin 'yong panty na hinulog mo."

"Ako din. Pupusta ako. Pupusta akong, titignan ka noon at mandidiri." Sabi ni Irene, at malakas na tumawa.

Ano pa nga ba ang aasahan ko. Napatingin ako sa table nila James. Dati, kapag napapatingin ako doon. Hindi ko namamalayan na nasa CR na ako umiiyak, pero ngayon... Okay na. Wala na akong maramdaman na sakit kapag nakikita siya. Hindi ko na nga 'yon problema ngayon. Pero may panibago naman akong problema. Bigla nalang kasing tumitibok ng mabalis ang puso ko, kapag nakikita 'yong bagong estudyante. Kagaya ngayon. Napatayo na ako at iniwan ang dalawa kong kaibigan sa cafeteria.

Kapag nasa loob ako ng CR. Lagi akong umiiyak. Pero ngayon. Nakatulala lang ako, habang tinitignan ang mukha sa salamin. Wala naman akong sakit? Wala akong sakit sa puso, pero kong pumintig ang puso ko napakalakas. Hindi ganito ang naramdam ko noon kay James. Mas malala 'to ngayon.

Nawala lang ang atensyon ko sa pag-iisip ng malakas na kumalabog ang pinto ng CR. Teka, multo ba 'yon? Napasiksik nalang ako sa gilid ng lababo ng dahan-dahan na bumubukas ang pinto. Nako naman! Mariin akong pumikit at hinintay kong ano ang susunod na mangyayari. Pero ilang segundo na ang dumaan. Wala naman akong naramdam na kahit na ano.

Dumilat ako at para na naman malalaglag ang puso ko. Napakabilis at napakalakas ng pagtibok niya. "I'm sorry, maling CR yata ang napasukan ko." Sabi niya. Tatalikod na sana siya ng bigla nalang ako napasalampak sa sahig. Hindi naman kalayuan ang agwat namin. Pero tinakbo parin niya ang pagitan naming dalawa. Kanina, noong nagpapapasin ako, hindi niya ako pinansin o pinagtuunan ng pansin. Pero, ngayon. Napasalampak lang ako. Dali-dali na siyang lumapit. Dapat pala 'to ang ginawa ko kanina. Dapat naghulog-hulugan ako sa upuan. Para napansin na niya agad ako. "May masakit ba sayo?" Tanong niya, habang sinusiri ako.

I didn't speak, I just stare at his face a few feet away from me. Hindi na bago ang pakiramdam nararamdaman ko. Alam ko na ang ibig sabihin nito. And I think, I'm in love, again. "Don't stare at me like that. Iisipin kong may gusto ka sa'kin niyan."
He laughed softly

"Paano kapag hindi lang gusto? What if, I Love you? Will you catch me?" Wala sa sarili kong tanong.

Ngumiti siya, 'yong ngiti na malalaglag ang suot mong panty. "Matagal na kitang sinalo, Faye. Naunahan lang ako." Matagal na? Paano? Kailan 'yon? Naunahan? Naunahan ni James? Ang daming kong tanong. Pero lahat 'yon nawala ng hinalikan niya ako sa bandang noo ng paulit-ulit. "Ngayon, hindi na kita papakawalan at hindi na ako papayag na mapunta ka pa ulit sa iba."

The End!

Vote and comment guy's ❣️

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now