Ma, Engineer na Ako!

2 0 0
                                    

"MAAA, ENGINEER NA AKOOO!" Malakas na sigaw ni Sabrina.

Agad kong nabitawan ang sandok na hawak at dali-daling tumakbo pamunta sa aming sala para salubungin ng mahigpit na yakap si Sab.

Sa wakas, engineer na ang panganay namin!

"Congrats anak." Saad ko habang hindi magkanda ugaga sa paghalik sa buong mukha niya. "Sabi ko naman sayo, eh, magiging engineer ka..." Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko sa kanya. "Teka anong gusto mo? Ipagluluto kita... Sandrooo!" Malakas na tawag ko sa bunso kong anak. "Anakk, ang ate mo engineer na... H-halika... Halika, samahan mo nga ako at pupunta tayong palengke." Natatarantang sabi ko. "Kailan icelebrate natin 'to. Bibili tayo ng paborito niyang pancit." Sabi ko at hindi namalayan ang isang butil na luha ang pumatak sa aking pisngi. Hanggang sa sabay-sabay ng naglaglagan ang mainit na likido sa aking mata.

"M-ma," Nababasag ang boses na tawag sakin ni Sab. "Diba walang i-iyakan... Tahana, 'wag ka ng umiyak, mahahawa ako niyan sayo, e... Oh, a-ayan naiyak na rin talaga ako..." Tumatawa siya habang umiiyak.  "Tignan mo, oh. 'to na, simula na 'to para matulungan ko kayo. Simula na ng panibagong buhay mo. Magiging donya ka nalang sa bahay kasi ako na ang bahala sa lahat." May bahid ng saya ang tinig ng boses niya habang patuloy na rumaragasa ang mainit na likido sa kanyang mata. "Hindi ka na mamomroblema sa mga gastusin sa bahay, hindi muna ipagkakasya yong sahod ni papa sa pagko-construction niya, kasi maa... ako na.. Ako na ang bahala sa lahat... Ako naman ngayon. Ako naman ang mag-aalaga sa inyo at ako naman ngayon ang papalit sa katayuan ninyo.. 'wag mo ng alalahanin lahat, umupo, kumain, humiga, kumain, matulog, iyan nalang ang gagawin mo, dahil ma, ang panganay mo.... Isang ng Engineer... Sagot na kita.. Sagot ko na kayong lahat." Kung gaano kahigpit ang yakap ko kanina sa kanya mas doble ngayon. Hindi na rin nagpapigil ang mga luha ko at patuloy na itong rumaragasa.

"Thank you, anak!" Mahinang bulong ko.

"Maaa!" Isang tinig ang aking narinig. "Maaa! Maaa! Gising nananaginip po kayo. Mamaa!" Mahinang yugyog sa balikat ang naramdaman bago dahan-dahang iminulat ang nanlalagkit kong mga mata.

Panaginip?

Mabilis akong bumangon habang pinupunasan ang luha na nasa aking pisngi. "Ang ate mo naka-uwi na ba?" Tanong ko sa aking bunso bago nagmadaling magsuot ng tsinelas. "Napanaginipan ko siya... Nakapasa raw siya at engineer na ngayon." Nakangiting saad ko.

Napalunok si Sandro at biglang nag-iwas ng tingin. "M-maa... w-wala na si a..ate." Mabilis siyang napayuko at hindi na nakayaan ang pagbuhos ng kanyang luha sa aking harapan.

Halos mabingi ako sa aking narinig. Hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nanlalaki ang aking mata habang mabilis na kumakabog ang aking dibdib. Para akong nakipagkarera sa sobrang bilis.

"Wala na si ate."

"Wala na si ate."

"Wala na si ate."

Paulit-ulit na nagrereplay sa aking isip ang mga binitawan niya salita. Bago mabilis na lumabas sa kwarto at isang balita ang nagpaguho sa aking pagkatao.

"Ang anak ko!"

"Kaawa-awa ang sinapit ng isang dalaga mula sa Quezon city, na sana ngayon ay isa ng ganap na Engineer. Natagpuan ito na wala ng buhay at puno ng saksak sa katawan. Ang pinagmulan umano ng karumal-dumal na krimen ay inggit. Nainggit umano ang kaibigan at kasintahan nito na itago nalang natin sa pangalang Maria at Mario, dahil sa siya lang ang nakapasa sa kanilang entrance exam. Sa ngayon ang kaibigan palang niya na si Maria ang nahuhuli at ang kasintahan naman niyang si Mario ay hanggang ngayon pinaghahanap pa ng mga awtoridad.... Nakikiramay kami sa naiwang pamilya ni Engr. Sabrina Fuentes."

Mabilis akong dinamayan ng aking asawa.

"Ang a..anak ko!" Nanginginig ang boses kong sabi at patuloy ng napaluhod.

Hindi na mabilang ang luhang iniiyak ko. Halos makapuno na nga ako ng isang timba dahil sa walang sawang pag-iyak.

Tama nga sila. Pahiram lang ang buhay na mayroon tayo ngayon. Kaya hangga't nabubuhay pa, gawin na natin ang alam nating nagpapasaya sa atin. I-enjoy ang bawat araw na dumaraan na hindi nakakagawa ng kasalanan.

At habang nabubuhay pa, piliin natin kung sino dapat ang pang-matagalang mamahalin at kung kanino mo nakikita ang sarili mo sa hinaharap. Hindi iyong nagmahal ka dahil lang napapasaya, napapakilig ka niya at hindi dahil naiingit ka sa lahat ng nakapalibot sayo na may mga karelasyon na. Hindi karera at hindi dapat mag-madali sa pag-ibig. Dahil hindi yan hinahanap, nagkukusa 'yang darating.

Piliin rin natin ang mga totoong kaibigan. Okay lang kung iisa o dalawa ang kaibigan, basta totoo at mapagkakatiwalaan. 'yong walang inggit at selosang magaganap sa pagitan ninyo. 'yong hindi ahas na nakikita natin sa kagubatan.

Maraming tao at halos lahat sila nagpapa-abot ng pakikiramay sa amin. Hindi ko man masasabi ngayon na napatawad ko na ang gumawa nito sa'king anak, pero alam ko darating ang araw na magagawa ko ring magpatawa.

Nakangiti ako habang patuloy na rumaragasa ang mainit na likido sa aking pisngi. Siguro'y baliw na ang tingin ng taong nakakakita sa'kin ngayon. Pero hindi nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi nila alam kung gaano kasakit mawalan ng isang anak. Hindi nila alam hangga't wala sila sa katayuan ng taong nahihirap....

"Ang p-panganay ko." Halos manikit ang dibdib ko habang binabasa ang pangalan niya na nakalagay sa puting lapida.

In loving memory of
Engr. Sabrina Fuentes
February 9,1997 - December 4, 2021
"You my not be with us,but your memories will remain in our hearts forever."

End

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now