My grade 10 crush

27 2 0
                                    


"Teka... Mamaya na tayo pumasok." Sabi ko, habang palinga-linga. Anong oras na, ba't wala pa siya. Late na siya, o baka naman hindi siya papasok. Haayyy... Gusto ko lang naman masulyapan muna siya, bago pumasok sa room. Syempre, para kahit papaano, ganahan ako sa pag-aaral... Simula grade 10, crush ko na siya. Dahil kasi sa guwapo na, matalino pa. Mabait din siya sa lahat. Syempre, mas lalo na sa'kin. Ilang minuto pa ang hinintay ko, pero wala parin siya. Nako, kong malalaman ko lang na hindi siya pumasok para mangbabae. Puputulan ko talaga ng ari 'yon... Napa-iling nalang ako at mahinang natawa. Syempre, biro lang..

Niyaya ko ng pumasok si Lian. Wala na talagang balak pumasok ang lalaking 'yon.

Papasok na sana ako ng hilain ako pabalik ng kaibigan ko, kong nasaan kami kanina. "Andiyan na 'yong hinihintay mo." Tili niya at paulit-ulit na hinampas ang braso ko. Ano? Oh, my gosh! Oh, my gosh! Nandito na siya.... napatili ako at hinablot ang manggas ng damit ni Lian, at paulit-ulit ko 'yong hinila. Wala pa man siyang ginagawa. Pero, kinikilig na ako. Huminga ako ng malalim at mariing ipinikit ang mata. "Edson, akin ka nalang." Malakas na sigaw ko... Pagmulat ko, agad nagtama ang mata naming dalawa. May sumilay din na ngisi sa mga labi niya.

Sobrang lakas ba ng pagkakasigaw ko? Na pati ang ilan sa kasama niya ay napalingon na din sa gawi namin. Kumaway ako sa kanya at ngumiti ng pagkatamis-tamis...

Siguro, namumula na ako sa sobrang hiya at kilig na nararamdaman ko. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ang labi kong nakangiti, bigla nalang umawang. Ang mata kong singkit, bigla nalang nanlaki sa gulat. Hindi ko inasahan ang ginawa niya. Kumaway 'to pabalik sa'kin at nginitian din ako. Nakagat ko nalang ang sariling labi at napahawak sa puso ko. Hindi naman malabo ang mata ko. Kaya, tama ang nakita ko? Nginitian niya ako? Nginitian niya talaga ako? Tapos... Tapos, kumaway din siya sa'kin?

Gusto kong tumili ng malakas, pero nangibabaw parin ang gulat na nararamdaman ko. Hindi ako maka-paniwala sa ginawa niya. "Li, nakita mo ba 'yon? Gosh! Nginitian niya ako... tapos kumaway pa siya sa'kin." Saad ko, habang mahigpit ang hawak sa manggas ng damit niya. Kahit kailan kasi, hindi niya pa 'yon ginagawa sa'kin.

"Oo. Kaya, halika na. Wala na siya, naka-alis na." Sabi niya at nauna ng pumasok sa room.

Buong klase akong nakangiti. Hanggang ngayon kasi, hindi parin ako maka-paniwala sa nakita. Kumulumbaba ako, habang hindi parin naaalis ang ngiti sa mga labi ko. "Para kang sira." Tumatawang bulong sa'kin ni Jean. Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin na sa harapan, kong nasaan si Ms. Aragon. Hate ko ang subject niya, pero ginaganahan akong makinig sa discussion niya ngayon. Natapos ang klase na masaya.. Mali... Natapos ang klase na tahimik. Ako lang 'tong masaya. Ginalit kasi namin si Sir Suyat. Wala kasing nakikinig sa kanya kanina,
so he got angry and walked out.

Pagpasok ko palang sa loob ng bahay. Ang matamis na niyang ngiti ang bumungad sa'kin. Nginitian ko siya pabalik at patakbo na yumakap sa kanya. "Hindi ko inasahan na gagawin mo 'yon kanina." Sabi ko, at tiningala siya.

"Ayaw mo ba?" Tanong niya at hinalikan ang noo ko. Umiling ako. "Gusto... gustong- gusto ko... Alam mo ba na buong klase akong ginanahan sa pag-aaral, dahil sa ginawa mo." Mayabang kong sabi.

"Talaga? Sige nga... Sabihin mo nga kong anong natutunan mo kanina." Nakangising sabi niya.

Umubo ako kunwari at taas noo akong tumingin sa kanya. "Ang natutunan ko... Sa bawat sulok pala ng classroom namin naro'n ang mukha." Tumatawang sabi ko. Dahilan kong bakit nangunot ang noo niya. "Umayos ka." Banta niya sa'kin.

"Maayos naman ako. Tsaka nagsasabi ako ng totoo. Kong saan kasi ako mapapalingon o mapapatingin, nakikita ko ang mukha mo, habang nakangiti at kumakaway sa'kin." Seryuso kong sabi. Nakatangap naman ako ng pitik sa noo galing sa kanya. "Puro ka talaga kalukohan." Sabi niya at tumawa ng mahina. "Anong gusto mo? Ipagluluto kita." Tanong niya.

"Gusto ko?" Nag-iisip kunwaring tanong ko, habang inilagay pa ang hintuturo sa sentido ko. "I want... a fresh Edson, on the top of table." Mapang-akit kong sabi at kinagat ang ilalim na labi. Ngumisi siya. "I want it too." He said and started kissing me.

Naputol lang ang aming halikan nang biglang bumukas ang pintuan ng bahay. Sabay kaming napalingon do'n. Pareho kaming napahiwalay sa isa't isa.

"Ma? Anong ginagawa ninyo dito?" Gulat na tanong ko kila Mama. May mga dala silang cellophane. Kasama din niya si Papa, si Mike, at ang dalawang pinsan ko. Sina Mendy at Melody. "Gusto lang namin bisitahin ang bagong kasal. Tsaka nagdala na din kami ng mga pag-kain." Aniya at itinaas ang supot na dala.

"So, kamusta ang bagong kasal?" Tanong ni Mendy, habang may nakasilay na ngisi sa kanyang labi.

"Ayos na sana. Kaso, dumating kayo." Bulong ko, sapat para kaming dalawa lang ni Edson, ang makakarinig. Napalingon siya sa'kin at ngumiti.

"Kumain na po ba kayo?" Magalang niyang tanong kila mama.

Nakakainis. Ito ang unang araw namin bilang mag-asawa. But, here they are, bothering us. Nauna na sa kusina sila mama. Napasimangot nalang ako at bagsak ang balikat na tumingin sa kanya. "Don't be sad, baby. I'll be yours, later. "He said and kissed my lips, before turning away from me and walking to the kitchen.

Napangiti nalang ako... Dati, isa lang ako sa mga babaeng gumagawa ng love letter para sa kanya. Isang babae na nagpapapasin, makakuha lang ng atensyon galing sa kanya. Pero ngayon, buong atensyon at oras niya nasa sa'kin na. I remember when he first noticed me. Sa sobrang pagkagusto ko kasi sa kanya. Ginagawa ko na ang dapat na ang totoong girlfriend lang ang gumagawa. I give him pack of lunch, in his practice I am there, shouting, and cheering when he has basketball games at school or at another school. I am also a handkerchief provider, when he is sweating and a water provider, when he is tired... Dahil sa mga ginagawa ko. Sa wakas, napansin na niya ako.

We have been in a relationship for a year. But, we hid that. I don't want anyone to know about us, he is famous at school. Mamaya ay pag-initan pa ako ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya, just because he is my boyfriend. Hindi man namin ipinag-sasabi na kami. Ginagawa ko parin ang dati kong nakasanay gawin sa kanya. Ginagawa ko parin ang ginagawa ng isang mabuting at maalagang girlfriend.

We are now in fourth year college. Malapit ng grumaduate. Matagal na din naming naisip na magpakasal at kahapon lang 'to nangyari. Total do'n din naman ang punta namin. Bakit pa namin papatagalin? May bahay din na ibinigay sa'min at dito kami ngayon nakatira. Ito na... Dito kami magsisimula, at dito kami bubuo ng masayang pamilya. Gosh! I can't imagine.. nakangiting iling ko. Crush ko lang no'n. Asawa ko na simula ngayon...

The End!

'wag mawalan ng pag-asa. Malay mo 'yong crush mo... Hindi talaga para sa'yo. Hahaha

Vote and comment guy's ❣️

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now