2 : Captured In Hell

166 30 184
                                    

My brain became a battlefield

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

My brain became a battlefield. I felt as if my heart was ripped out of my body.

Lumingon ako sa likod ko at hindi ko na matanaw ang mga kaklase ko, sa labis na takot ay nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo, kailangan kong lumayo... 

Kailangan ko maging ligtas. Huminto ako at sinubukang ipikit ang mga mata ko sa pagaakalang magigising ako at magiging normal ang lahat sa pagdilat ko.


Napahinto ako nang mapagtanto na hindi nagbabago ang lugar na tinatakbuhan ko. Nandito pa rin ako sa pwesto kung saan nagsimula akong tumakbo kanina, I shook my head as I breathed slowly. I need to stay collected, I need to survive.

Maraming nagsasabing kapag ikaw ay naliligaw, baliktarin lamang ang iyong damit at sa puntong ito iyon lamang ang panghahawakan ko.

Sa isang iglap, nawala ang dugo na kanina pa umaagos sa bibig ko, nawala rin ang kakaibang ingay, katahimikan lamang ang bumalot sa buong lugar.

Katahimikan na mas lalong nagpakaba sa akin. Nakabaligtad ang suot ko, hindi ko na magawang ayusin ang buhok ko na gulong-gulo dala ng malakas na hangin, nagpatuloy ako sa pagtakbo at nakahinga ako ng maluwag nang makita ang hindi pamilyar na gate. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad akong tumakbo patungo ron,

Nang makalabas ay agad nagbago ang buong lugar, hindi na ito ang eskwelahan na pinapasukan ko. Ibang iba ang lugar, tila isang abandonadong amusement park.

The sky was spread in front of my eyes. I couldn't help but rest and stare. kulay dugo muli ang kalangitan at napapikit ako nang may pumatak na likido sa mata ko.

Matapos kapain ay doon ako napaatras, dugo... hindi ko maiwasang mataranta. Pakiramdam ko malulunod na naman ako sa dugo katulad nang nangyari sa panaginip ko.

Tinignan ko ang loob ng amusement park, dahil nakalock ang daanan ay pinili ko na lamang umakyat sa bakod at napatili ako nang mawalan ako ng balanse.

Dire-diretso ang pagdausdos ko pababa, natatanaw ko na ang nagbabagang apoy. Ang mga tao na humihingi ng tulong, naririnig ko na ang iyak at palahaw nila sa isang iglap pumikit na lamang ako dahil alam kong hindi ko na magagawang umakyat pa sa taas. Malalim na rin ang binagsakan ko,

In a snap, there is a vivid image in my mind. 

State University, building two, ground floor class 12

My cold and pale body was lying, there was tons of blood. The whole floor is caked with this stuff. I am dead, that was for sure.

Box KeeperWhere stories live. Discover now