8 : Harmony

31 5 0
                                    

When I was younger, I can still vividly remember how I used to tremble whenever my grandmother called me

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

When I was younger, I can still vividly remember how I used to tremble whenever my grandmother called me.

Hindi ko alam na dadating sa punto na ipagpapasalamat ko noong pumanaw siya dahil sa katandaan, mostly I tried hard to live with it. To live with all the dead people that she killed.

Dahil doon, pinatira ako sa bahay ampunan. I was 12 when Garcia's family adopted me.

Almost perfect. Then that night happened.

It ruins everything.

It ruins me.

That's why death doesn't scare me anymore.

I want it so bad.

"Ayos ka lang?" Agad kong pinunasan ang luha ko at tumango kay Web. Buhat niya si Einya na pinaglalaruan ang bracelet na nakasuot sa kanya.

"Ate... bakit ka umiiyak?" Inosenteng tanong ng bata.

"Too foggy, masakit sa mata." Sambit ko at nagdire-diretso na sa paglalakad.

Tama nga ang binigay na direksyon ni Lust, Dadaan kami sa makapal na ulap.

"I found it!" Sigaw ni Princess at nang makita ang direksyon kung saan tinuturo niya ay nakita ko ang malaking ekis sa gitna ng tulay.

"Dito natin sisimulan?" Tanong ni Ate Tuesday habang tumitingin sa paligid.

Tumango si Pierce.

"Kahit anong mangyari, kahit anong tunog ang marinig niyo. Huwag kayong bibitaw, maliwanag?" Ani ni Kuya Alfie sa mga bata.

"Paano si Lesley?" Nagaalalang tanong ni Princess.

"Ilagay mo muna siya sa loob ng bag mo.." suggestion ni ate Tuesday, walang nagawa si Princess kung hindi amuhin si Lesley at tsaka nilagay ito sa bag niya.

"Sabi ni Lust, ipipikit natin ang mga mata natin. Isa-isa tayong magsasalita. Walang bibitaw, naiintindihan niyo ba 'ko?" Pagulit ni Web

"Just go on, ang tagal." Maangas na sabi ni Archer, animong buryong-buryo na.

Pumabilog na kami, sinigurado nila Ate Tuesday na naiintindihan ng mga bata ang gagawin namin. Paikot kaming magsasabi na nagtitiwala kami sa isa't isa.

"Magsisimula sa'kin, susunod ka Web" Ani ni Pierce, tumango ito. Kasunod ni Web ay ako kaya agad na akong pumikit.

"The creator made the woman to please the eye. Die, die, die. The creator may cry. The creator will lie. With ruined kingdom so high. There is a safe place in disguise" boses ni Pierce ang nangingibabaw.

"I trust you..." bulong niya.

Umihip ang malakas na hangin, mas humigpit ang hawak ni Web sa akin.

"I trust you..." bulong ni Web, hindi ko maintindihan. Parang gumulo ang mga salita pagkarinig ko sa tenga ko.

Box KeeperWhere stories live. Discover now