16 : Spider

20 4 1
                                    

Sa 'di kalayuan ay nakita kong patakbong lumapit sa akin si Archer, agad akong napangiwi sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa 'di kalayuan ay nakita kong patakbong lumapit sa akin si Archer, agad akong napangiwi sa kanya. 

"Anong problema mo?" Bulong ko, hindi kasi maipinta ang mukha niya. Nagpatuloy pa rin siya sa pagtakbo papalapit sa akin, may kung ano siyang sinisigaw pero hindi ko iyon marinig.

Bakas ang pagmamadali at takot dito, nang medyo kaunti na lamang ang espasyo sa aming dalawa ay narinig ko na ang sinisigaw niya.

"Gagamboi!" Sigaw niya at hinatak na ako patakbo, agad akong lumingon sa likod at muntik na akong madapa nang makita ang napakalaki na gagamba.

"Putangina! Bakit walang nagsabi na ganito kalaki!?" Sigaw ni Archer, kung saan saan kami dumaan. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya at tsaka tinumba ang mga stall na madadaanan ko.

"What the fuck, tara na!" Sigaw niya, hindi bumagal ang paghabol sa amin ng gagamba kaya mas lalo kaming naghadali sa pagtakbo.

"Nasaan sila Princess!?" Sigaw ko, nagaalala para kay Sibol.

"The fuck! they are safe!" Sigaw ni Archer, "We need to fight this!" Sigaw ko rin, nang mamataan na hindi kami tinitigalan sa pagsunod. Kaunti na lamang nararamdaman ko na na manglalambot na ang tuhod ko kakatakbo.

"Hanapin muna natin sila Web!" Sigaw niya, wala akong choice kung hindi sundin ang sinasabi niya, naramdaman ko na papalapit na sa amin ang gagamba kaya agad kaming napahiwalay sa isa't isa, lumabas kami ng establisyemento at sa tahimik na kalsada ako tumakbo.

"Ahhhhh!" Narinig ko ang pag sigaw ni Archer kaya kahit na inis na inis ay agad ko siyang binalikan,

"Hoy! Stupid!" Sigaw ko sa gagamba sabay bato sa kanya ng isang bato. 

"Don't kill him! We need him!" Sambit ko kay Archer nang mamataan na sinusuot niya ang gloves niya, agad siyang napasimamgot nang mapagtanto iyon.

"Let's just run!" Tili ko, at tumakbo na papalayo, agad akong napaupo nang magkabanggaan kami ni Kuya Alfie.

"Anong-"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad nang tumayo para hatakin siya, "Diyos ko!" Sigaw ni Kuya Alfie nang mamataan ang gagamba na humahabol sa amin.

"Nasaan sila!?" Sigaw ko habang naghahanap nang pwedeng mapagtaguan.

"Here!" Sigaw ni Kuya Alfie at tumuntong siya upang sirain ang vent, inioffer niya ang kamay niya at agad ko iyong kinuha nag makaakyat kami ay agad kong hinawakan ang bibig ko para hindi magpakawala ng ingay.

Box KeeperWhere stories live. Discover now