33 : Mirror

12 3 0
                                    

I sighed as I gazed around the window

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

I sighed as I gazed around the window. Makulimlim ang langit at mukhang uulan, I did not bring an umbrella. Gusto ko pa naman sana bilhan ng pasalubong si Georgi. Napatingin ako sa gilid ko. Ayesha is still absent.

Nang tumunog ang bell ay nagsipaghanda na ang nga kaklase ko upang mag si uwi, it's been 3 months since the accident happened. Mahirap para sa akin ang magpatuloy sa normal na buhay pagkatapos kong muntikan nang mamatay.

Those jerks are being punished. Nahatulan sila ng lifetime imprisonment for attempting to harassed me. Ayesha has been the witness na mas lalong nagdiin sa kaso nila. Even though, she was also part of it. Hindi ko tinuloy ang kaso sa kanya. She's my friend even though she betrayed me. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya pumapasok. There were numerous rumors na nagdrop na si Ayesha dahil nahuli ng dean na gumagamit ito ng illegal drugs.

I tried finding her pero wala, In the end it was just all me. Bumuntong hininga ako at agad sinukbit ang bag ko. It was our finals. Sa wakas next school year ay 3rd year college na ako. Kaunti nalang at makakapaghanap na ko ng trabaho para sa aming dalawa ni Georgi.

Habang naglalakad pauwi ay naramdaman ko ang patak ng ulan sa balikat ko. Agad akong sumilong sa isang convenience store. Kitang kita ko ang pagbagsak ng ulan, parang galit ang langit sa mga nangyayari. Agad akong pumunta sa mga stall ng chocolates upang bilhan si Georgi, nasanggi ko ang isang pakete ng tsokolate at pakiramdam ko ay nakita ko na iyon dati kahit na nakalagay naman na new release ito. 

It feels like I offered it to a child before...

Siguro, nakita ko sa commercial. Bumuntong hininga ako at bumili nalang din ng payong na panigurado hanggang pang 4th year ko na. Sayang ang pera dapat ay iniipon ko ang iniwan na pera sa akin ng lola ko. I got a long life ahead, hindi pwedeng basta basta na lamang ako gumastos ng pera.

Nang makabili ng kailangan ay agad kong sinugod ang ulan, malakas din ang hangin at halos bumaligtad ang payong ko. Napailing na lamang ako na huwag muna bumigay ang payong dahil mababasa ang mga gamit ko. Nang makarating sa gate ay nanglaki ang mata ko nang mamataan kong nakabukas ito.

Hindi naman siguro lumabas si Georgi upang magpaulan? Nakakunot na ang noo ko nang pumasok ako sa loob, doon ko nakita si Georgi na nagkukulay ng coloring book niya. Patakbo siyang lumapit sa akin habang sinisigaw ang ate.

Niyakap niya ako at ganun din naman ako sa kanya, "akala ko nagpaulan ka na naman!" Sambit ko, sobrang hilig niya kasing maglaro ng tubig.

"Ate ano 'yan?" Tumingkayad pa siya upang tignan ang plastic na hawak ko.

"Para sayo 'yan. Sige na kainin mo na, isasarado ko lang ang gate at magbibihis ako. Okay?" Sambit ko sa kanya, tumango agad siya at tumakbo papunta sa sala upang ngatain ang tsokolate. Agad akong bumalik sa labas upang isarado ang gate ngunit nagtataka ako nang makitang nakalock na iyon.

"Gutom ba ako?" Tanong ko sa aking sarili. Umiling iling na lamang ako at sinarado na ang pinto. Laking gulat ko nang pagharap ko ay nandyan na naman si Georgi na punong puno na ng tsokolate ang bibig.

"Hoy bata ka! Bakit ang dungis mo!" Agad siyang tumawa.

"Maliligo nalang po ako, ate." Nakangiti niyang sambit.

"Osiya, sige maligo ka. Dadalhan nalang kita ng damit." Ani ko, tumango naman siya at agad na kinuha ang mga laruan niya upang maglaro sa cr. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Dahan dahan ha? Baka madulas." Sigaw ko habang papaakyat ng hagdan. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako, ganito siguro talaga ang pakiramdam kapag finals na... Parang ubos na ubos ka at ang gusto mo na lamang ay matapos ang isang buong araw.

Nilabas ko ang mga gamit ko upang patuyuin ang mamasa masa kong bag, agad akong napayuko nang mamataan ang journal ko. Umupo muna ako at tsaka ko iyon binuklat at laking gulat ko nang makitang may mga sulat iyon... this journal, it is a portal to my soul, a gateway, a map of my journey and struggles.

But as I stared at it, I tried reading the words but I can't understand it. Nakakapagtaka dahil penmanship ko ang nakalagay dito pero hindi ko matandaan na naisulat ko na ito noon. I shrugged as I look in the mirror.

I'm still the same, When I've tried looking back at my past, suffering is far worse, healing is far slower, emotional injuries are difficult to repair. Everyone left me to heal myself because after the incident, everything is just too hard.

Too hard to talk, to smile, to proceed in my daily routine but I have Georgi. In this cruel world, he is the only one that makes my dark path shine... Tumitig lamang ako sa repleksyon ko sa salamin.

This mirror asks me to see my soul and the condition of my heart. How do I look? I tilted my head as I started to look at my background. The letters that are reflected in the mirror, it was inverted and it looks like the one that is written in my journal.

I quickly stood up to get my journal, I started facing it toward the mirror.

I quickly stood up to get my journal, I started facing it toward the mirror

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Doon ko nabasa ang mga letra...

End of Chapter 33

Box KeeperМесто, где живут истории. Откройте их для себя