Kabanata 13

2.3K 226 215
                                    

"SUMUNOD mga bata! Huwag n'yo bitiwan ang partner n'yo."

Nadapa si Balti nang kumalas ang puntas ng sapatos niya. Nabitiwan tuloy siya ng partner niyang si Carmel. Napangiwi siya sa sobrang sakit ng mga tuhod niya.

"Sorry," aniya at dali-daling tinali ang shoelaces niya kahit na namumula ang mga tuhod.

"Balti, naiiwan na tayo."

"Mauna ka na. Susunod ako."

"Pero -"

Tipid siyang ngumiti rito. "Hindi na mapapansin ni Teacher Anne. Nasa likod naman tayo e. Susunod ako, promise."

"Susunod ka, ha?"

He nodded. "Oo."

Iniwan na siya nito at binilisan na lamang niya ang pagtali ng sapatos niya. Naigala niya ang tingin sa pasilyo. Walang tao. Rinig na rinig niya ang malakas na hampas ng mga dahon ng puno mula sa labas dahil kalahati ng mga malalaking bintana mula sa museum ay bukas. Madaming mga paintings ang naka-display sa mga pader at mga bust statue pa.

Tumayo siya at nagsimulang maglakad.

Kakaiba ang hampas ng hangin sa labas. Tila ba may gustong sabihin sa kanya. Nagulat siya at napaatras nang biglang bumukas ang isang pinto sa kaliwa niya. Muli siyang napatingin sa paligid niya. Walang tao. Wala ang mga kaklase niya. Wala si Tor.

Natakot siya bigla.

Ramdam niya ang panginginig ng mga binti niya. Pero hindi siya pwedeng bumalik. Kailangan niyang lagpasan ang bukas na pintong 'yon.

Mayamaya pa ay nakarinig siya ng mga yabag ng paa. Papalapit sa kanya. Mula sa kanyang likod. Ramdam niya ang presensiya nito sa likod niya.

"Bata -"

Napabalikwas siya ng bangon.

Habol ang hininga at nanunuyo ang lalamunan. Marahas na inabot niya ang salamin sa mata sa mesita at isinuot 'yon. He dried the sweats on his forehead with the back of his hand. Pinagpawisan pa rin sa kabila ng malamig na aircon niya sa kwarto.

Marahas siyang bumuntonghininga.

Matagal na niyang hindi napapaganipan ang eksenang 'yon na 'di niya alam kung nangyari ba talaga o hindi. Pero tanda niyang 'yon ang unang museum tour niya noong 8 years old siya. Matalas ang memorya niya simula pagkabata. Iba siya mag-isap sa mga ka edad niya. Madami siyang iniisip na hindi naiintindihan ng mga kalaro niya.

Si Tor lang talaga ang tanggap ang pagka-weirdo niya.

Muli siyang napabuntonghininga.

Ayaw na niyang isipin pa masyado. Kahit na pilitin niya ang sarili. He will never remember his memories in that museum.

Biglang tumunog ang alarm clock niya sa mesita. Ibinaling niya ang tingin doon para abutin at patayin 'yon. Madilim pa sa labas. It was still 5 in the morning. Classes start at 8 am. They should be in school by 6:30 am para makapaghanda. Pero madalas naman ay 7 am na siya nakakarating sa SNL.

Bumangon na siya para maligo.



FIVE am talaga nagigising si Niña.

Alarm na niya 'yan lagi since naghahanda pa siya ng breakfast at para sa lunch na rin niya. Inihahanda na niya ang gamot at pagkain ng mama niya bago siya umalis. Pero paggising niya kanina naalala niyang wala pala ang mama niya sa bahay ni Balti.

Paggising-gising pa siya kagabi. Ang lakas ng aircon. Feeling niya naging taong yelo siya. Gustong-gusto niyang matulog sa sala talaga. Mga bandang alas kwatro lumabas na talaga siya. Hindi na siya nakatiis sa lamig. Nakatulog naman siya at nagising ng 5 am.

FDA 3: SPELL LOVE - COMPLETEWhere stories live. Discover now