Kabanata 47

1.8K 190 128
                                    

SHE was just right behind Maha – too cautious with their surroundings as they both sneaked around Balti's house. Halos dumikit na sila sa pader ng bakod at mga halaman sa labas pa lang ng bahay ni Balti. Siya na ang tumitingin sa paligid. God, never niya naisip na magiging akyat bahay sila sa Faro. At huwag sana silang mahuli. Basang-basa pa ang mga damit nila. It did dry off a bit dahil na rin sa hangin pero nilalamig pa rin talaga sila.

Tahimik na ang buong Faro. Patay na rin halos ang mga ilaw ng mga bahay nila Tor at Jude na nadaanan nila kanina. She's sure no one noticed them. If mayroon man, siguro sa mga CCTV na lang ng buong Faro if ever nahagip man silang dalawa ni Maha. Na sana hindi.

"Sa likod tayo dumaan," bulong ni Maha. Sinundan niya ito papunta sa likod bahay. Alam niyang may isang daan pa roon na hindi madalas gamitin ni Balti. It lead to the pool area kung saan nakaharap sa dagat.

"May spare key ka?"

"I have. I had it duplicated."

"Hobby mo ba talagang nakawin o i-duplicate ang mga susi ng kuya mo?"

"I find it kinda helpful." Maha stopped. Bahagya siya nitong nilingon. Umangat ang isang kamay and a couple of keys dangled from the metal circle of the keychain in her ring finger. Maha smiled smugly. "I know, I'm smart."

Bahagya lang siyang natawa rito at nagpatuloy sila sa paglalakad. Mababa lang naman kasi ang mga bakod ng mga bahay rito sa Faro. The height of their fences usually levels in the chest area – pero kung 'yon ay kasing tangkad mo ang isa sa mga Faro Boys na halos 6 footer. But for a girl whose height is around five feet flat. Swerte na 'yong hanggang leeg or mata mo ang fences. But the façade of the house is measured above the normal average height of a person. Depende na sa design talaga ng bahay.

When they reached the back area, bumungad sa kanila ang one way black wrought iron gate. Kita mula sa labas ang pool area ng bahay – low light, pero sa tingin niya may tao sa loob. Otherwise, patay dapat ang mga ilaw. Lumikha ng tunog ang pagpasok ni Maha sa susi sa keyhole. Napansin din nito 'yon kaya dinahan-dahan nito ang pagpihit until they heard a clinck sound from the keyhole. Nang bitiwan ni Maha ang susi ay kusa nang bumukas ang gate.

Nagkatinginan sila ni Maha. Napalunok siya. Maha gave her a determined look. Ibinalik niya ang ganoong klaseng tingin nito bago sila tuluyang pumasok sa bahay.

Mula sa glass door na humahati sa pool area at living room ay sinilip nila kung may tao sa loob. Maha slid it open but hilt to a stop when they heard footsteps from inside. Feeling niya mapipigtas ang ugat sa puso niya nang luminaw ang anino ng isang lalaki sa wooden floor. The living room was dim but has enough light to filtered the shadow of whoever was inside the house.

Halos yakap niya ang braso ni Maha – backs pressed solidly on the wall behind them. Pansin niya rin ang halos pantay at pagsabay ng pagtaas-baba ng mga dibdib nila dahil sa kaba. Hinawakan ni Maha ang kamay niya para sinyasan siya na sisilip ulit ito. Tumango lang siya. Pagkatapos ay dahan-dahan itong sumilip.

"It's Juan," she mouthed nang ibaling ang tingin sa kanya. Maha frowned. "What is he doing here?"

"Anong ginagawa niya?"

"Eating –"

"Kumakain?!" nakasigaw na siya sa isip pero bulong pa rin niya 'yong react niya. Akmang sisilip siya nang pigilan siya ni Maha.

"Don't," she shook her head, "mapapansin tayo. May ilaw." She pointed the incandescent light on the ceiling positioned in the middle of the closed floor to ceiling glass door. Not a good idea nga dahil makikita ang anino niya. "But at this hour?" Patingkayad na naupo sila sa gilid.

"Gising pa nga sila Simon at Sep," aniya.

"Which I find odd. Why are they awake at this hour?" Sandali silang natahimik pareho. Hindi sila makakapasok kung nandoon si Juan. "I'll distract him," basag nito.

FDA 3: SPELL LOVE - COMPLETEWhere stories live. Discover now