Kabanata 25

2.5K 219 271
                                    

"HINDI pala nagbibiro ang batang 'yon," mahinang sabi ng mama niya. "Sinagot mo na ba?" Bahagya pa itong sumilip sa kabilang grupo sa malaking sala ng bahay ni Balti. Hindi naman siya na inform na groupings pala ang magaganap ngayon.

"Ma -"

"Yiie, sabi na e." Yumakap sa kabilang braso niya si Kath - walang paglagyan ang kilig. "Malakas talaga ang feeling ko na nagtataguan lang kayo ng feelings ni Kuya Balti. Sa wakas! Nagkahulihan na. So kailan ang kasal, Ate Nins?"

"Nasa tamang edad ka na para mag-desisyon. Kung mahal mo naman e at mahal ka naman ni Balti ay hindi na ako tututol sa inyo."

"Pero Ate Nins, not that I'm doubting, ha? Pero hindi naman kontrolado ng gayuma ang mga desisyon o feelings ni Kuya Balti now, 'di ba? Kasi side effects na lang naman ang natira."

"Wait -"

"Yon nga rin lang inaalala ko," dagdag ni Mama. Hindi na naman siya nabigyan ng chance magsalita. "Anak, hindi sa ayaw ko kay Balti pero sigurado ka na bang hindi gayuma ang nagtulak kay Balti para ligawan ka. Ayokong masaktan ka sa huli -"

"True, Ate Nins. I-assure mo muna kami. Again, not that I'm doubting Kuya Balti's feelings for you pero alam mo na. 'Di ba, Tita Ca?"

Tumango-tango ang mama niya.

"Anak," Hinawakan ng mama niya ang dalawa niyang kamay. "Wala pa naman sigurong nangyari sa inyo ni Balti, 'di ba?" Literal na nanlaki ang mga mata niya. "Sabihin mo, hindi naman ako magagalit."







"BARTHOLOMEW," napangiwi siya sa pagtawag ng ina. Low and well modulated voice na tila ba sinisita siya sa ginagawang kalokohan. May dalawang kampo ngayon sa sala niya. Groupings na nga yata 'to. Ano kayang output nito pagkatapos? "Binabalaan kita ngayon pa lang. Mahal na mahal ni Carol ang nag-iisa niyang anak. I don't want you to hurt Niña. Kung hindi ka naman sigurado sa kanya ay huwag mo nang ituloy ang binabalak mo."

"Naku, Ma, 'di mo lang alam, baka nga may apo ka na next month," pandedemonyo pa ni Maha.

Pinanlisikan niya ng mga mata ang kapatid. She sticked her tongue out at him. Kating-kati siyang batuhin ito ng throw pillow.

"Aw -" Napangiwi siya sa higpit nang pagkakahawak ng ina sa braso niya. "Ma!" he hissed in a lower voice. "Wala namang pisikalan. Usap, usap lang. Idaan natin lahat sa demokrasya."

"Ginalaw mo na ba ang anak ni Carol?"

Titig na titig ang tatlo sa kanya. "Paanong galaw ba? - Shsh - Sheet!" Umawang bibig niya nang muling idiin ng ina ang pagkakahawak sa braso niya. Itong ama niyang 'di man lang tinubuan ng awa sa kanya. "Teka lang naman!"







"MAAA!" na eskandalo siya sa mga tanong. "Hindi, sa tingin mo magagawa ko 'yon agad? Marupok ako pero sa isip lang. Hindi sa gawa."

"Nagtatanong lang naman ako, Niña. Syempre, ina mo ako. Nag-aalala lang din ako. Hindi sa pinanghihimasukan ko ang buhay mo. Pero ibang-iba na ang panahon ngayon. Pati isip ng mga kabataan ay hindi na gaya noong kapanahonan namin."

"Ma, 'di na ako bata. Pinaglumaan na ako ng panahon." Tawang-tawa si Kath. Isa pa 'to. "At kahit na nasa edad na ako kung saan legal ko nang gawin ang mga bagay na gusto ko e wala naman akong lakas ng loob para gawin ang mga 'yon."

"Hindi mo sure," tudyo pa ni Kath. "Aw!" Napalo ito sa hita ng nanay niya.

Buti nga!

"Huwag kang sumabat sa mga matatanda."

"Pangit n'yo naman ka bonding."

"Makinig ka lang."

"Pero, 'di nga? Anong plano mo ngayon, Ate Nins? Kailan mo sasagutin si Kuya Balti?"







FDA 3: SPELL LOVE - COMPLETEWhere stories live. Discover now