Chapter VIII

29.4K 891 215
                                    

"I don’t want to get attached
to anyone anymore,
it only destroys me in the end."

ENJOY NA enjoy ko ang kinakain kong chicharon habang pinapanood si Aries the fucker na nakikipaglandian sa mga babae na tuwang tuwa sa mga hawak niya. Gosh, ang kati ha!

"Excuse me, you're that fighter!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng pinsan ni Aries. Yes, I remember him dahil madaldal siya. Wait, palagi ba silang narito sa bar?

"Fighter?"

"You asked my cousin for a sex. You're a fighter. Whoa! Cool."

I rolled my eyes. Ayoko na ngang maalala ang gabing iyon na nag-offer ako ng sex. Fucker, naging assistant pa tuloy ako. Watcher na rin habang nagpapakasarap siya sa pakikipaglandian sa mga bababaeng mahaharot.

"Do you love chicharon? Baka ma-highblood ka niyan." Sabi pa ni Ludwig.

He sat on the chair and opened a bottle of beer.

"Gusto ko talagang ma-highblood. Nangggigil ako sa pinsan mo. Napaka-landi. Ginawa pa akong chaperon."

Tumawa si Ludwig. "He's like that when he's drunk. We love women."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Obvious naman e. Like, lahi niyo ba 'yan? La-landi ha!"

Kumagat ako ng malutong na chicharon. Wala pala kasing ibang mapiling snacks na available dito sa bar na ka-partner ng beer.

"Ouch, medyo masakit." Humagalpak siya ng tawa. "We are Palermo's, of course."

Muli ko siyang tinaasan ng kilay. "So you mean, kapag Palermo, malandi gan'on? Amazing naman pala."

I sipped my beer. Kumusta naman kayo ako nito kapag araw araw akong uminom dahil tambay ng bar si Aries? Fucker talaga, kainis!

"Not all Palermo's are malandi. Fuck you, Ludwig Ivan."

Nag-angat ako ng tingin sa bagong dating. Pamilyar ang mukha niya. Kasama ba siya nina Aries no'ng gabing nagmakaawa ako sa kanya sa bar na 'to?

"Ulol. Huwag ako, brad."

"Huwag din ako, brad." Sagot pa niya. "Stop normalizing that every Palermo is a casanova. I'm no saint but hell, fuck you, being a casanova is not my thing."

"Tangina nito. Pangit naman ka-bonding. Malamang Hong ka naman! Hindi ka naman Palermo."

"I have the blood. Iisa lang ang angkan natin. It's just happened that my Mom is the Palermo."

Wait, nakakahilo silang dalawa. Nag-aaway ba sila saka sino ba 'tong isa na 'to? Gwapo niya pero hindi naman niya hawig sina Aries. Iba ang mukha niya pero ang hot niya sa suot niyang black plain shirt.

"Fuckers." Sambit ko. "Para kayong mga babae. Ang ingay. Sino ba s'ya?" Tanong ko kay Ludwig out of curiousity.

Tinaasan ako ng kilay ng lalaki. "Devan Hong."

Not familiar, though. Akala ko Palermo din siya.

"Devan Ezekiel Palermo Hong." Singit ni Ludwig. "My cousin. Her mother and my father are siblings."

Oh so, pinsan rin siya. Kaya pala medyo iba ang mukha niya dahil hindi Palermo ang epilyedo niya. Siguro tatay niya ang kamukha niya.

"And you are? Ludwig's woman?" He asked.

Ngumisi ako. "Mukha ba akong papatol sa isip bata na 'yan?" Turo ko kay Ludwig. "I'm Aries' assistant and I need to be with him twenty four seven. What a fucker."

Casanova's Club #3: Beast in HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon